***
May bipolar disorder yata ang lalaking 'to. Umupo ako sa sofa. Umupo rin siya sa single sofa na nasa tapat ko. Sinundan ko ang bawat galaw ng kamay nito na inaayos ang mga pagkain sa mesa.
"You'll come with me later" Sabi niya kaya napamaang na lang ang labi ko.
"Saan tayo pupunta?" I ask curiously while my eyes are following his hands separating the meals in the plates.
"You'll find out later" He answered abruptly without giving me any glances.
"Wala ka na bang ibang sasabihin?"
Umiling ito kaya tumayo na ako. Naibaling niya ang paningin sa akin. "Where are you going?"
"Going back to the Servant's hall" tamad kong sagot saka na ako tumalikod at akma ng aalis pero natigilan ako sa kaniyang sinabi.
"Eat this"
Pumihit ako paharap sa kaniya kung tama ba talaga ang narinig ko. Pinagmasdan ko siya at 'yong plato na may clubhouse sandwich, sausage at vegetable salad. Napansin ko pa 'yong pritong isda na inalisan niya ng tinik.
Pabalik-balik ang tingin ko sa kaniya at sa plato. He chuckled then gave me a penetrating stare. Napalunok ako. Bakit napapadalas yata ang pagngiti ng taong 'to?
"Sit down, Ms. Fuentes" He ordered. I quivered after hearing my real surname.
"Tigilan mo ang pagtawag sa akin ng ganiyan po" Sarkastikong saad ko. Inabot niya ang kamay ko saka sapilitan akong pinaupo.
"Didn't I told you last night that we have a lot of things to discuss?"
Tsk. Hindi niya talaga ako tatantanan.
"May trabaho pa po ako" Mariing saad ko. His dark eyebrows rows in amusement. Tumayo siya kaya nagtaka ako. Sinundan ko ito ng tingin at nakita kong kinuha niya ang kaniyang cellphone saka nagtipa saka inilagay sa tainga niya.
"Ask someone else to do her job this morning. Yup. I instructed her to rearrange my stuffs in the cabinet"
Liar. Tss. Ibinaba na niya ang tawag saka ibinalik ang cellphone sa cabinet bago bumalik rito sa sofa at umupo. Gustong-gusto ko na talagang umalis dito ngayon.
"Now, you're free. You're all mine now, Amara"
Mine.
Kinilabutan ako sa sinabi niyang iyon. Lihim akong napangiwi. Nakakapanindig balahibo. Napatingin ako sa plato ng iusog niya ito palapit sa akin.
"Finish everything. I'll get change" Saad nito saka tumayo at iniwan ako. Pumasok siya roon sa silid na itim ang kurtina.
Napatitig ako sa plato na may lamang pagkain. Anong nangyari do'n? Bakit niya ibinibigay ito sa akin. Naramdaman ko naman ang pagkalam ng sikmura ko kaya kinuha ko na lang 'yong plato saka kubyertos at sinimulang kainin.
I remembered what Miss Pen told me last time. Every meal niya ay mabusising pini-prepare ng chef. Lahat ay fresh ingredients ang gamit at minsan ay sa ibang bayan pa kinukuha ang spices. Ganun siya kapihikan. Tss.
Nangangalahati pa lang ako sa kinakain ko ay nakita ko ng lumabas siya mula roon. I could not help but to stare at him. Nakasuot ito ng itim na suit at black leather shoes. Hawak niya ang silver na relo na kasalukuyan niyang ikinakabit sa kaniyang pulsuhan.
Every minute, I became more aware of him. His compelling gaze, his sexy chuckles, his boyish smile, his dreamy eyes....No. It can't be. Remember what you have promised yourself, Amara. Do not get involve with him. Ayaw mo namang magka-wrinkles, tubuan ng puting buhok, at tumanda kaagad diba?
BINABASA MO ANG
Fated To Be The Demon's Wife
FantastikAmara Celestine Fuentes was arranged by her father to marry a man that she had never met. In order to avoid her twisted fate, she decided to run away. While she was on the run, she met a stranger who helped her to find a place to stay, but in return...