CHAPTER XIX

1.8K 40 1
                                    

***

Hindi ko alam kung ilang oras akong tulala roon sa may hagdan bago ako tawagin ni Liliy para kumain ng tanghalian. Napahugot ako ng malalim na hininga saka sumunod sa kaniya sa kusina.

Tinulungan ko siya sa paghahanda ng pagkain pero siya 'yong nagluluto dahil hindi naman ako marunong. Ang naging papel ko lang ay tagahiwa at tagahugas. Napatingin naman ako sa bukana ng makita 'yong babae kanina na nakasalubong ko.

"Amara, siya si Elyse. Unlike sa ibang tenant, umuuwi siya ng tanghalian kaya may makakasama ka dito kung kakain ka" Paliwanag sa akin ni Lily.

"Hi. Elyse" Bati ko at katulad kanina ay ngumiti siya ng tipid. Mukhang mahiyain itong si Elyse.

Nang maluto lahat ay inilagay namin ito sa isang mesa. Simple lang ang ulam namin ngayon. Sinigang na bangus. Pero paborito ko ito kapag niluluto sa akin ni papa. Umupo kaming tatlo at nagsimula ng kumain.

"Ikaw, Amara ilang taon ka na?" Tanong sa akin ni Lily.

"Eighteen years old palang. Ikaw, ilang taon ka na?" Tanong ko habang nagsasandok ng kanin.

"Twenty-two palang"

Kasing edad nga lang talaga sila ni Ate Giselle.

"Dapat pala Ate na ang itawag ko sa iyo" Nahihiyang wika ko.

"Ayos lang iyon, nakakatanda naman masyado kung tatawagin mo akong Ate"

Napangiti na lamang ako. Bumaling naman ako kay Elyse.

"Ikaw, Elyse. Ilang taon ka na?"

"Nineteen years old palang" Nakangiti niyang sagot. Mahiyain talaga siya. Mas matanda pala sila kesa sa akin.

Tumango naman ako saka sumubo ng ulam saka kanin. Napagkuwentuhan rin namin 'yong pag-aaral ni Elyse. First year college palang pala siya at scholar dito sa Southville. Naisip ko na lang tuloy 'yong pag-aaral ko. Nakaka-miss rin kung iisipin ko.

"Amara, napano 'yang braso mo?"

Naibaling ko ang tingin kay Lily dahil sa tanong niya. Napatingin ako sa braso ko na hanggang ngayon ay namumula at medyo mahapdi.

"Nabunggo kanina no'ng namili ako. Hindi ko nga alam kung bakit ang lala ng pagkakapasa"

"Sigurado ka bang tao 'yong nabunggo mo?"

"What do you mean?" Hindi ko maiwasang maguluhan sa tanong niya.

Umiling naman siya saka tumuloy na sa pagkain. Napatitig na lang ako sa aking braso. Nakakapagtaka talaga na ganito ang nangyari sa braso ko e hindi naman ganun kalakas ang pagkakabunggo ng lalaking iyon sa akin.


__

KINAGABIHAN ay nagtupi muna ako ng mga damit na nilabhan ko kanina saka inilagay ko sa wardrobe na kahoy. Medyo hindi maganda ang panahon ngayon kaya alam ko na uulan ng malakas mamaya.

Pasado alas otso na pero hindi pa ako inaantok. Siguro ay naninibago na naman ako sa paligid. Umupo muna ako sa kama at napatingin sa apat na sulok ng kuwarto. Naisip ko kung ano na ang nangyayari sa mansion ngayon. Nag-aalala kaya sa akin si Miss Pen?

Iniisip ko rin si Tiffany. SIguradong papagalitan siya pati si Mang Raniel dahil ako ang kasama nila bago ako tumakas. Hindi ko alam kung ano na ang ginagawa ngayon ni Ryoushin. Galit kaya siya na umalis ako o kaya masaya siya dahil wala na ako sa mansion?

Sana naman hindi na niya ako hanapin. I just wanted to live free. Ayokong maikasal sa kaniya. Nagsalubong ang kilay ko ng marinig ko pa rin ang tahol ni Bubbles. Kanina pa siya tahol ng tahol na parang may nakikitang kakaiba.

Fated To Be The Demon's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon