CHAPTER XL

1.6K 24 0
                                    

***

LUNCH TIME

Nandito kami ngayong apat sa cafeteria, oras na kasi ng tanghalian. Sumama ako sa kanila kahit ang totoo ay wala talaga akong pambili ng kunch. Hindi kasi ako nakapag-baon kanina dahil sa takot kay Ate Norma na baka mahuli na naman niya ako at pagalitan.

Yung yapak kasi ay patungo sa kuwarto ko, malamang ay malalaman niyang ako ang may gawa no'n. Napabuntong hininga ako saka kinuha ang wallet sa bag ko. Meron pa naman akong pera dito. Grabe, ngayon ko lang naalala na ang tipid ko naman ngayong buwan.

Meron pa naman akong 3800 dito pero ayokong bawasan. Puwede ko kasing gawin 'tong pocket money pambili ng souvenir doon sa batangas sakaling makasama ako. Ilang sandali lang ay dumating na silang tatlo na may dalang tray ng pagkain.

"O, Amara bhie. Bakit hindi ka pa bumili?" Tanong ni Charito sa akin saka umupo sa tabi ko at inilapag ang tray. May laman iyong kanin, buttered garlic shrimp, isang fried chicken, at orange juice.

Pumwesto naman sa kabila ko si Mystique at inilapag rin ang tray na may kanin, adobong kangkong, fried chicken at bottled water. Si Yllana naman ay nasa harapan namin pumwesto, sa tray nito ay may vegetable salad, kanin, buttered shrimp, at Mountain dew.

Napalabi na lang ako dahil parang gusto nila akong patayin sa gutom. Amoy na amoy ko ang mga pagkain. Napalunok na lang ako.

"Hindi ako nagugutom e" Dahilan ko. Napangiwi naman si Charito.

"Hindi nagugutom. Talaga ba, Amara? Sa ating apat ikaw ang masiba"

"Oo nga. Tama si Charito. Bumili ka na kasi dun, huwag mong tipirin ang sarili mo" Suhestiyon naman ni Mystique. Napakamot na lang ako sa aking batok.

"Kung ayaw mo pa rin, edi bibigyan ka namin" Suhestiyon naman ni Yllana saka inusog sa akin ang plato na may lamang buttered shrimp na nilagyan niya ng kalahati sa kanin niya.

Ganun rin ang ginawa ng dalawa kaya nataranta ako. "Ano ba kayo, huwag na. Sa inyo 'yan. Hindi talaga ako nagugutom"

"Sus. Huwag ka ng maarte diyan. Hindi kami makakakain kung nakatingin ka lang sa amin" Wika ni Charito kaya wala akong nagawa kung hindi tanggapin ang binigay nila sa akin.

Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone sa aking bulsa. Kinuha ko ito at napakunot noo ako ng makita ang pangalan ni Ryoushin sa screen. Hindi ko alam pero kaagad na lumakas ang tibok ng puso ko. Napangiti naman ako saka sinagot kaagad ang tawag.

"Bakit ka napatawag?" Tanong ko.

[Where are you?]

Napakunot noo ako sa tanong niya. Bakit niya tinatanong? Akala niya siguro, nag-cutting ako. Nakita ko naman ang paggalaw ng labi ni Yllana. She mouthed kung sino ang kausap ko. I mouthed back, at sinabi ko na si Ryoushin. Impit itong napatili at napatakip sa bigbig.

Ang dalawa naman sa tabi ko ay mukhang alam na si Ryou ang katawag ko. Parang sinilihan na naman kasi ang puwetan.

[Amara, are you still there?]

Tumikhim naman ako. "O-Oo. Nasa school ako ngayon. Good student na ako ngayon no"

He chuckled. [I mean, your specific location right now]

"Nasa cafeteria ako ngayon. Bakit?"

Hindi na siya sumagot, ibinaba niya lang ang tawag kaya napakunot ang aking noo. Ano 'yon? Napatitig na lang ako sa screen ng cellphone.

"O, anong sabi niya, day?" Tanong sa akin ni Mystique.

"Tinanong lang niya ako kung saan daw ako ngayon tapos pinatay na niya ang tawag" Sagot ko sa kaniya.

Fated To Be The Demon's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon