CHAPTER LVI

1.4K 23 1
                                    

***

When we reached our destination, I was mesmerized with the vastness and magneficent beauty of Taal Volcano. Wow. Hindi ko mapigilang kuhanan ito ng litrato at makipag-selfie dito. Pagkatapos kong makakuha ng mga litrato ay inilabas ko ang notebook at ballpen. Kailangan kong isulat ang mga importanteng bagay about sa mga lugar na pupuntahan namin dahil iyon ang utos ni Sir Gibo sa amin.

Ilang sandali pa ay naramdaman kong may lumapit sa likuran ko. Napatingala ako at nakita ko si Ryoushin. He is now standing tall behind me. Itinigil ko ang pagsulat. Napalinga-linga ako at napansin kong abala ang mga schoolmates ko sa pag-take ng pictures.

"You left without waking me up" He said. May bahid ng pagtatampo ang boses nito.

"Sorry, gusto lang ko lang naman na makapagpahinga ka pa ng maayos kaya hinayaan muna kitang matulog" Sagot ko. "Akala ko nga hindi ka na pupunta dito ngayon. Hindi ko akalin na ganito pala ang pakulong iniisip mo"

I look around and take pictures of the birds flying above the fisherman.

"I told you, I will do everything just to be near with you"

I giggled. "You sound so possessive. Paano ka pala natanggap bilang tour guide? Did you deceived them?"

"Sort of" He answered after a deep breath. "But I volunteered first, since they could not accept me, I use a bit of my charm"

I chuckled. "Weh? Charm talaga?"

Napasimangot naman ito. Natawa ako sa kaniyang reaksiyon. "Oo na, naniniwala na ako sa 'yo"

Nahigit ko ang aking hininga ng ipulupot nito ang kaliwang kamay sa bewang ko at hinila ako palapit sa kaniya. Namilog naman ang mga mata ko.

"You need to explain something to me, Baby" He whispered huakily behind my ears, his warm breath fanning my nape gave butterflies in my stomach.

"R-Ryou, baka may makakita sa atin" Kaagad akong napalayo sa kaniya. Kinakabahan ako baka makita kami ng mga schoolmates namin dito. Pumihit ako paharap sa kaniya.

Pumitik siya sa hangin at kusang tumigil ang lahat. Napalinga-linga ako at napansin kong tila naging estatwa ang mga tao. Pati ang mga ibon na lumilipad ay tumigil sa ere.

"Anong nangyayari?"

"We can talk now, freely. They wouldn't care" He answered curtly. Lumapit siya sa akin. Sumeryoso naman ang ekspresiyon ng kaniyang mukha. "I want to hear your explaination, Amara"

"A-Anong ipapaliwanag ko?"

Tumaas ang kaniyang kaliwang kilay, habang seryosong nakatitig sa akin. Umayos siya ng tayo at inilagay ang mga kamay sa bulsa ng pantalon niya.

"About our wedding"

Napamaang naman ang labi ko. Hindi kaagad ako nakasagot sa kaniya. Yumuko ako saka pinaglaruan ang ballpen na aking hawak.

"R-Ryou, sorry.."

"Why did you change our wedding date without even asking for my permission?"

Hindi ko alam kung galit ba siya sa akin ngayon o hindi. Wala kasing emosyon ang kaniyang mukha.

"R-Ryou, sorry kung nag-desisyon ako na mas ipaaga ang kasal nating dalawa" Seryosong sagot ko saka sinalubong ang kaniyang tingin. "Ayokong patagalin pa ang sitwasyon mo, lalo na dahil sa nangyari kahapon"

"Is it okay for you, if this wedding means I have to leave this world for good?" Malumanay niyang tanong ngunit batid kong nahihirapan rin ito.

Napalunok ako upang alisin ang bara sa aking lalamunan. "This is for your own good. Kahit masakit sa akin, kailangan ko pa ring piliin kung ano ang tama para sa 'yo"

Fated To Be The Demon's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon