CHAPTER XVIII

1.8K 33 1
                                    

***

Tumigil ang sinasakyan namin sa parking lot ng isang mall. Kaagad kaming bumaba ng sasakyan kaya nakangiti akong suminghot ng hangin. Kahit polluted at puro usok ang naaamoy ko masaya pa rin ako dahil nakalabas rin ako ng mansion na iyon.

"Tara na, Amelia"

Buming ako kay Tiffany na kasama si Mang Raniel. Patungo silang dalawa sa elevator kaya nagmadali na akong sumunod sa kanila. Nang makapasok kami sa loob ay ipinakita niya sa akin ang listahan na isang piraso ng intermediate paper.

Napangiwi ako dahil sa dami ng bibilhin. Mukhang matatagalan kami sa pamimili. Nakaisip naman ako ng paraan kaya lihim akong napangisi.

"What if ako na lang ang bibili nitong kalahati tapos kayo naman sa ibang natitira para mas madali nating matapos then, dito tayo magkita-kita sa parking lot kapag natapos na nating bilhin lahat" I suggested. They both look at me.

"Sabagay, may punto nga iyang sinasabi mo" Pakli ni Mang Raniel kaya't mas lalo akong na-excite. "Kaso nga lang isa lang ang kopya nito"

Unti-unti naman akong nanlumo sa narinig. Oo nga naman. Hindi rin ganun katalas ang memorya ko pagdating sa ganitong bagay.

"Picture-an na lang natin" Suhestiyon naman ni Tiffany. "Kaso nga lang wala ka dibang cellphone, Amelia?"

Napabusangot ako sa tanong ni Tiffany. Oo nga pala, iniwan ko 'yong cellphone ni Lorenzo sa mansion.

"Tayo na lang ang mag-picture tapos sa kaniya na lang itong listahan" Dahil sa ideyang iyon ni Mang Raniel ay nabuhayan ako ng loob.

Dahil sa napagkasunduan ay hindi na mapalis ang ngiti sa aking labi. Nang makarating kami sa loob ng supermarket ay naghiwa-hiwalay na kaming tatlo. Kumuha ako ng shopping cart katulad nila para kunyari ay bibili talaga ako.

Nag-ikot-ikot ako sa aisle ng mga canned goods pero ang ginagawa ko talaga ay tinitingnan ko kung saan ako puwedeng dumaan na hindi nila mahahalata. Medyo malayo-layo sila dito sa puwesto ko kaya kaunting kembot lang ay makakaalis ako.

Kumuha ako ng ibang nasa listahan saka tumungo sa pinakadulong aisle at sumilip. Nakita ko si Tiffany na nasa meat section. Iniwan ko ang shopping cart ko saka naglakad pabalik sa pinaggalingan ko at sumilip kung saan si Mang Raniel. Nakita ko ito na nandoon sa may hilera ng gulay.

Nakita ko ang dalawang mag-asawa na mukhang palabas ng supermarket kaya sumabay ako sa kanila sa paglalakad at pasimpleng lumusot sa exit. Napabuga ako ng hangin saka napalinga-linga at tinungo ang escalator pababa ng ground floor.

Hindi ako pamilyar sa mall na 'to dahil ngayon lang naman ako nakapunta dito. Kahit na ganoon ay hindi pa rin mahirap hanapin ang exit. Mukhang wala pa ring kaalam-alam sina Tiffany at Mang Raniel na wala na ako doon.

Wala akong sinayang na oras at mabilis na lumabas. Halos magsisigaw ako sa tuwa. Napalinga-linga ako upang maghanap ng masasakyan ngunit nanlaki ang mga mata ko ng marinig ang boses ni Tiffany na tinatawag ako. Mabilis akong napalingon at nakita ko itong tinatakbo pababa ang escalator para habulin ako.

Nangati ang mga paa kong tumakbo palayo saka naghanap ng masasakyan. May nakita akong taxi kaya't mabilis akong pumara at sumakay.

"Kuya, pakibilisan po" Utos ko rito na sinunod niya naman. Naplingon ako sa pinanggalingan namin at nakita ko si Tiffany na kakalabas lang rin ng mall. Nakahawak ito sa bewang at mukhang problemadong nakatanaw sa sinasakyan ko.

Napasandal ako sa upuan saka napabuntong-hininga. Ang problema ko na lang ngayon ay ang maghanap ng bagong matutuluyan at bagong trabaho. Hindi pa rin ako uuwi sa bahay namin dahil siguradong igigiit pa rin ni papa ang kasal.



Fated To Be The Demon's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon