CHAPTER XXXI

1.5K 32 0
                                    

***

KINAGABIHAN ay inayos ko lahat ng pupwede kong dalhin sa school bukas. Nang maayos ko na lahat ay inayos ko na rin ang higaan ko para matulog na. Pinatay ko na ang lampara pero kianbahan ako bigla ng kumulog ng malakas.

Lumapit ako a bintana saka binuksan ang kurtina at sumilip sa labas. Nakita kong walang bituwin sa kalangitan. Mukhang uulan na naman ulit ngayong gabi. Isinara ko na lang ulit ang kurtina ng kumidlat bigla. Sa dami ng nalaman at narinig ko ngayong araw ay parang sasabog ang utak ko.

Idagdag pa ang pangyayari kanina sa pagitan namin ni Ryoushin at ang babaeng iyon. Nagkausap nga kami pero hindi naman naging maayos. Napabuntong hininga ako. Hindi ko alam kung umalis ba siya kaninang hapon para pumasok sa trabaho niya o di kaya nag-stay siya dito sa mansion.

Kumulog na naman ng malakas kaya napakislot ako sa takot. Umupo ako sa aking kama saka napatingin sa orasan. Alas nueve palang naman kaya hindi pa ako inaantok.

Inabot ko ang drawer kung nasaan ang cellphone ni Lorenzo. Binuksan ko ito at nakita kong malapit na pala itong ma-lowbat. Kaso nga lang wala akong charger. Gising pa kaya sila? Tumayo ako saka lumabas ng aking kuwarto.

Wala akong nabungaran na tao rito sa corridor. Tulog na ba sila? Napakaaga pa naman saka hindi pa curfew. Nang makalabas ako ng corridor ay nakasalubong ko naman si Vine. Iyong laging kasama ni Norma. Ngumiti ako kaya tipid siyang ngumiti pabalik. Unlike kay Norma, mas mabait itong si Vine.

"Ate, may charger ka para dito? Nasira kasi 'yong charger ko" Pagdadahilan ko. Tiningnan niya ang cellphone ko.

"Pasensiya na, Amara. Wala akong charger sa iphone e"

Tumango na lang ako at nagpasalamat. Tumuloy na ako sa paglalakad para hanapin ang iba pa na mga kasama namin. Nakita ko naman si Tiffany kaya kaagad ko siyang pinuntahan. Nagulat pa ito sa bigla kong pagsulpot.

"Tiff, may charger ka ba nito?"

Pinagmasdan niya naman ang hawak ko. "Grabe, Amara. Wala akong charger ng iphone"

"Sa tingin mo, merong charger ng iphone ang iba pa nating kasama?"

"Kahit isa-isahin mo pa kami, wala talaga. Mamahalin 'yan hindi namin afford. Kung hindi android phone, keypad naman ang gamit namin"

Dismayado naman akong napabuntong hininga dahil sa kaniyang sagot. Napatingin naman ako sa gawi ng bukana ng Servant's hall at living room dahil narinig kong mayabag papasok rito. Natigalgalan ako ng makita si Ryoushin na naglalakad patungo sa direksiyon namin.

"M-Master Ryou...." Gulat na naibigkas ni Tiffany sa tabi ko. Hindi nagsalita si Ryoushin bagkus ay inikot nito ang paningin sa buong hall bago tumigil sa direksiyon ko.

"Where's Penelope?" Malamig nitong tanong pero nasa akin ang paningin.

Hindi ako sumagot dahil nakatuon lang ang paningin ko sa basa nitong loose fit button-down polo shirt na naka-tuck in sa itim na slacks. Nasa kaliwang kamay nito nakasampay ang itim niyang business coat. Basa ang buhok nito na naka-side at medyo magulo. His eyebrows are slightly furrowed.

What bothers me the most is his muscles that are noticeable under his white polo shirt.

"N-Nasa kitchen po. Tatawagin ko na lang" Natatarantang wika ni Tiffany kaya napatingin ako sa kaniya. Napansin kong nakayuko ito at namumula ang magkabilang pisngi.

"Don't bother" Tipid nitong saad saka naglakad palapit sa puwesto namin. Napaatras naman si Tiffany na nakayuko pa rin. "Amara, let's talk"

Fated To Be The Demon's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon