CHAPTER X

1.8K 30 0
                                    

***

Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya kaya agad akong umiwas ng tingin. Hindi talaga sa kaniya nakakalagpas ang kahit anong bagay. Bumukas ang pinto ng laundry area at nakita ko si Miss Pen na may pag-aalala sa kaniyang mga mata.

Saglit niya akong tiningnan bago niya ibaling ang tingin kay Ryoushin.

"Master Ryou, pagpasensiyahan mo na siya. Bata pa lang siya at hindi pa ganun kaalam sa mga gawain dito sa Mansion" Paliwanag nito.

Hindi ko maintindihan kung bakit nagpapaliwanag siya kay Ryoushin e puwede namang hayaan niya akong tanggalin ng amo niya katulad ng nangyari sa babaeng nakasunog ng hotdog kumakailan.

Pumihit paharap sa kaniya si Ryoushin.

"Teach her everything that she needs to learn" Mariing wika nito bago siya tuluyang lumabas ng Laundry area.

"Masusunod, Master Ryou"

Mabilis na tinungo ni Miss Pen ang kinaroroonan ko saka pinagmasdan ang palanggana at mga nagkalat na bula. Ibinalik niya ang paningin sa akin at hinawakan ako sa braso.

Napahawak ito sa kaniyang noo at napabuga ng hangin. Binitawan niya ang braso ko at kinurot ako sa hita kaya napangiwi ako at napatalon palayo.

"Ano ba kasing ginawa mo at mukhang masama na naman ang timpla ng mukha niya?" Tanong niya habang nakahawak sa magkabilang bewang.

"Naabutan niya po kasi akong....nasa loob ng palanggana kanina"

Nagsalubong ang kilay niya at kaagad na naman akong kinurot sa hita. Hindi naman iyon masakit pero automatic akong napatalon palayo.

"Amelia, ilang beses ka nang pinagbigyan ni Master Ryou sa ginagawa mong kapalpakan tapos dinagdagan mo na naman. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa 'yo" May halong inis nitong saad. Hinawakan niya ako sa braso saka marahang hinila papunta sa may pintuan.

"Magbihis ka at kumain ng tanghalian. Ako na lang ang tatapos sa ginagawa mong 'to" Utos niya kaya wala akong nagawa kundi sundin siya.

Bago ko pa man maisara ang pintuan ay narinig ko pa ang pagrereklamo niya.

"Bakit naubos ang isang supot ng sabon, e, 500 grams 'yon?"

Nagmadali na akong isara ang pinto bago pa man niya ako tawagin ulit. Nakayuko lang ako habang tumatakbo papunta sa kuwarto ko na may mga bula pa ang binti.

Nagbanlaw ako ng katawan saka nagbihis ng panibagong uniform. Katulad ng nauna ay maikli pa rin ang palda nito. Pagkatapos kong magbihis ay lumabas ako at tumungo sa dining area.

Habang papalapit ako ay naririnig ko ang kuwentuhan nilang lahat at mukhang ang nangyari kanina ang topic.

"Nakita niyo kanina diba?"

"Malamang hindi kami bulag"

"Ang guwapo talaga ni Master!"

"Huwag mo ngang sabihin 'yan at bakaa sisantehin ka"


Natigil lang ang kanilang pag-uusap ng makita ako. Isang tipid na ngiti ang iginawad ko sa kanilang lahat. Inaya naman ako ni Ate Giselle na maupo at kumain kaya lumapit ako sa kaniya.

Hinila ko ang upuan na nasa tabi niya at doon umupo. Tinawag naman ako ng isang babae na mas matanda ng kaunti kay Ate Giselle na Norma yata ang pangalan.

"Doon ka nanggaling sa Laundry area kanina diba? Anong ginawa doon ni Master Ryou?" Kyuryusong tanong niya.

Napatigil ako sa pagsandok ng ulam. Nakita ko ang pagsiko sa kaniya ng katabi niya na si Ate Vine. Lahat tuloy sila ay nasa akin na rin ang atensiyon. Tinuloy ko ang pagsandok ng ulam saka inilagay sa plato ko.

Fated To Be The Demon's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon