CHAPTER L

1.4K 26 2
                                    

***

Kinagabihan ay hindi na ako mapakali habang nakatingin sa orasan. Nakahiga lamang ako sa aking kama pero gustong-gusto kong lumabas at tingnan kung anong ginawa ni Ryoushin kay Ate Norma. Bigla namang may kumatok at kasunod noon ay ang boses ni Miss Pen kaya napabalikwas ako ng bangon.

Tumayo ako saka pinagbuksan siya ng pinto. Nabigla ako ng makita si Aerith na nakatayo sa kaniyang likuran. Wala akong nagawa kung hindi ang papasukin silang dalawa sa loob ng aking kuwarto. Isinara ko ang pintuan saka ako lumapit sa kanila. Pinagmasdan ko si Aerith na palakad-lakad sa loob ng aking kuwarto. Si Miss Pen naman ay binuksan ang bintana ng aking kuwarto at may kung anong iniusal sa hangin.

"Hunc tuere locum, quidquid hac nocte deteges. Hic est ordo magus daemonis" Wala akong naintindihan sa kaniyang sinabi. Ikinumpas niya ang kamay sa labas ng bintana at nakita ko ang pag-ilaw ng kaniyang palad hanggang sa nawala ito.

Pumasok ang malakas na hangin sa loob ng aking kuwarto kaya napayakap ako sa aking sarili. Ilang sandali ay nawala rin ito. Isinara na ni Miss Pen ang bintana saka siya umupo sa kama.

"Ano po ang ginawa ninyo?" Nagtatakang tanong ko.

"Pinoproteksiyonan ko lang kung ano man ang sasabihin namin sa iyo ngayong gabi, Amara. Kailangan itong gawin upang walang makarinig sa atin" Seryosong sabi niya sa akin. Iminuestra niya ang kamay upang ayain akong umupo sa tabi niya.

Umupo naman si Aerith sa upuan na nasa tabi ng kama ko. Para itong prinsesa sa kaniyang puwesto kahit luma na ang silya na kaniyang inuupuan.

"A-Ano po ba ang sasabihin niyo sa akin?" Kinakabahang tanong ko.

"May kailangan kaming ipagtapat sa iyo" Seryosong sagot niya.

"P-Po?" Naguguluhang wika ko. "Ano pong ipagtatapat niyo?"

"Tungkol sa mapapangasawa mo, Amara. Hindi ba't marami kang katanungan sa iyong isipan?"

Napaisip naman ako sa sinabi niya. Ito na ba iyon? Ngayon ko na ba matutuklasan ang lahat?

"Masasagot niyo po ba lahat ng katanungan ko?"

Tumango naman siya.

"Gusto mo bang malaman ang lahat?" Tanong niyang muli kaya napatango ako.

"Sige pero bago iyon, kailangan ko munang malaman kung handa ka ba sa kung ano man ang malalaman mo ngayong gabi? Maaaring magiging nakakatakot ito para sa 'yo"

Napalunok ako dahil parang may bumara sa lalamunan ko sa kaniyang sinabi. Napatingin kay Aerith na walang emosyong nakatingin sa akin.

"Don't worry, I will not let you die" Saad nito kaya mas kinabahan ako. Bakit kasi binanggit pa niya iyon. "Come on, Miss Pen. Show her. The time is ticking. We couldn't waste it. She needs to know everything whether she like it or not"

Napabuntong hininga naman si Miss Pen saka inilahad ang kamay sa akin.

"Akin na ang iyong palad, Amara" Nag-aalangan man ay ipinatong ko pa rin ito sa kaniyang kamay. "Ipikit mo na ang iyong mga mata, Amara"

Sinunod ko ang kaniyang sinabi. Pinikit ko ang mga mata ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari, unti-unti ko na lang naramdaman ang aking sarili na lumulutang hanggang sa maramdaman ko ang malamig na dapyo ng hangin.

"Imulat mo na ang mga mata mo, Amara" Rinig kong utos ni Miss Pen. Unti-unti kong binuksan ang aking mga mata at nagitla ako ng masilayan ang madilim na paligid. Napatingin ako sa inaapakan namin at napansin ko ang sementadong kalsada, napalinga-linga ako at napapaligiran ng mga puno ang gilid ng kalsada

Fated To Be The Demon's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon