CHAPTER XLV

1.4K 23 0
                                    

***

Ilang minuto akong tulala para ma-proseso ng aking utak ang mga sinabi niya sa akin. G-Gusto rin ako ni Ryoushin! Itinago ko ang aking mukha sa mga palad ko saka napangiti.

Bigla naman akong nakarinig ng palakpak kaya inalis ko ang kamay sa aking mukha bago hanapin ang taong pumalakpak. Nakita ko si Lorenzo na lumabas sa kung saan.

"You're so slow, Amara" He said in disbelief and shook his head slowly.

"N-Naninigurado lang kasi"

"Gusto ka na nga ng tao---I mean demonyo"

Napangiwi ako sa huling binaggit nito. Hinampas ko siya sa braso.

"Stop saying that. Nakaka-offend ka na"

"Then, you" Tinuro nito ang kaibigan. "Don't forget what you have promised"

"Tsk. Greedy" Ryoushin mumbled. "Just fuckin' leave"

"Be thankful that I helped you with these stuff, I should not wasting my powers" Inis namang pakli ni Lorenzo.

Napatingin ako sa buong lugar. Parang nasa isa akong fantasy book dahil sa mga lumulutang na ilaw. Ibig sabihin gawa ito ni Lorenzo?

Kaagad kong kinuha ang aking cellphone saka kinuhanan ng litrato ang paligid. Pinaharap ko kay Lorenzo ang camera saka kinuhanan rin siya ng litrato. Napansin ako nito kaya napakamot ito sa kaniyang ulo.

"Ms. Fuentes, you can't just take pictures of me without my permission, that's against the law" He uttered. I pouted. "But I don't believe in man-made laws, so you can take photos as much as you want" Ngumiti ito saka nag-pose sa harapan ko. I giggled. Kinuhanan ko siya ng litrato at nag-groufie kaming dalawa.

"Tsk" Napatigil ako ng hilahin ako ni Ryoushin palayo kay Lorenzo. Lorenzo chuckled.

"I said leave, Lorenzo. You seized my spotlight"

"Chill. Ito na nga lalayas na. Tapos na yung part ko dito, maiwan ko na kayo. I still have duties" He said and look at his wristwatch. "Enjoy your date" Pahabol niya saka siya naglaho.

Napakurap-kurap ako kung hindi ba ako nagha-hallucinate. Wala na talaga siya. Hanggang ngayon, hindi pa rin talaga ako sanay na nagpapakita sila bigla ng kapangyarihan. Naibaling ko kay Ryoushin ang tingin dahil hinawakan niya ang kamay ko.

He pulled me gently towards the picnic blanket. Wala akong nagawa kung hindi ang magpahila sa kaniya. Napatingin ako sa paligid at nandito pa rin ang mga alitaptap na naglilipaan sa paligid at mga lotus na nakalutang sa dagat na umiilaw.

Nauna siyang naupo sa picnic blanket, sinundan ko lang siya ng tingin. He looked up at me while still holding my hand. He tapped the blanket in between of his tighs, signaling me to seat there.

"Come here" May kahinaang aya niya saka marahan akong hinila palapit sa kaniya. "I'll show you something" He whispered as I sat down.

Kinakabahan ako dahil nakaupo ako sa pagitan ng hita niya at nakapalibot naman ang braso niya sa tiyan ko. I swallowed hard because he was so close that I could feel his body vibrating against mine.

His wonderful male scent lingered on my nostrils, like a very addictive drug. Bago pa man ako tuluyang mawala sa katinuan ay naibaling ko ang tingin sa kaliwang kamay niya ng may lumitaw roong maliwanag na kulay asul na dust, tila sumasayaw ito sa kaniyang palad.

May iba't-ibang hugis itong nagagawa. May aso, pusa, ibon, puno, at tao. Gumagalaw rin sila na tila naglalakad, tumatakbo, gumagapang, at lumilipad. Hindi ko mapigilang mamangha.

Fated To Be The Demon's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon