***
They looked at me in disbelief. Humakbang ako palapit kay Ryoushin na hanggang ngayon ay tulala pa rin sa akin. Humakbang paatras si Dairron kasama sina Lausurus at Daemon, naglabas ng mga bolang apoy ang kanilang kamay.
Kumiling ang aking ulo. Iba ang kapangyarihan nila kumpara sa mga lower level na Demons. Ibig sabihin ay ganun naman talaga siguro kapag mataas na antas ang pinanggalingan.
"Who the hell are you?" Malamig na tanong sa akin ni Dairron ngunit batid ko ang pangamba sa kaniyang boses.
Tumaas ang aking kilay. Hindi pala ako nito nakikilala? Masyado bang malaki ang ipinagbago ko? Nakakatuwa naman.
"Guess" I answered briefly, a sinister grin played across my lips.
"Mukhang hindi siya taga-rito. Nanggaling ka ba sa Sacred Realm?"
I scoffed with Lausurus' question. Hindi nga pupwedeng pumasok rito ang taga-Sacred Realm tapos itatanong niya iyan?
Seryoso ko siyang tiningnan sa mga mata saka ngumisi hanggang sa unti-unti itong naging tawa. A laugh that sends chill to every parts of their body. Nagkatinginan naman silang tatlo. Kaagad akong tumigil sa pagtawa.
"Wrong" Seryosong usal ko. "Dairron, hindi mo ba talaga ako natatandaan?" Baling ko sa prinsipe. Kumunot ang kaniyang noo.
"Hindi ka naman isa sa mga ex-girlfriend ko"
Napaismid ako sa kaniyang sinabi. Sa dami ng maaaring sabihin, ex-girlfriend pa talaga. Ayos rin 'to e. Bumuntong hininga ako.
"Ako lang naman ang babaeng sinasabi mong walang kuwenta. Naaalala mo na ba?" Matabang kong sabi. Unti-unting nawala ang kaniyang pagkakunot noo. Napailing ito at nabasa ko sa kaniyang mukha na hindi siya naniniwala sa akin.
"Impossible. Paano ka...?" Pinasadahan ako nito mula ulo hanggang paa. "Amara?"
Napangisi ako.
"Ako nga" Itinaas ko ang aking kamay at itinutok kay Lausurus. Sa isang pitik ng aking daliri ay nawala siya. I send him to somewhere else, somewhere he could not forget. Mabuti dahil hindi ikaw ang gusto kong harapin ngayon. Totoo nga ang sabi ni Mama, kahit ano ay kaya kong gawin.
Nabalisa sina Dairron at Daemon, napansin ko ang sobrang pangamba sa mga mata nila. Dapat lang dahil pagbabayaran niyo ang ginawa niyo sa magiging asawa ko.
Mukhang naka-recover naman ang dalawang may pulang buhok na tumilapon kanina. Kaagad silang naglabas ng mga nagbabagang sandata.
"Anong ginawa mo kay Lausurus?!" Galit na tanong sa akin ni Dairron. Napapalinga ito.
"I sent here to the place that he would love to. Bagay iyon sa kaniya" Nakangising sagot ko. Hindi ko alam ngunit sa pagbabago ng anyo ko, ganun rin ang pagbabago ng nararamdaman ko. Wala akong nararamdaamng takot o pangamba manlang ngayon.
Tumawa ako dahilan para sugurin ako ng dalawang prinsipe na may nagbabagang espada. Mabilis ang mga galaw nila ngunit kusa silang bumabagal sa paningin ko. Walang gana ko silang tiningnan isa-isa.
Napakakupad. Itinaas ko ang aking kamay at saktong paglapit nila sa akin ay ang pagsak*l ko sq mga leeg nilang dalawa. Nangangalit ang aking mga ngipin habang pinagmamasdan sila na ngayon ay unti-unting nangingitim ang buong mukha dahil sa itim na ugat na dumadaloy sa aking kamay.
My mind is telling me to kill them all. Kìll. Kìll. Kìll. Should I? I smirked. Unti-unting nabasag ang mga espadang hawak nila na gawa sa apoy. Nagpupumiglas silang dalawa sa hawak ko ngunit natutuwa akong nakikita silang nahihirapan.
Ang gaan at ang saya sa pakiramdam. Nawala ang aking ngisi, nakalimutan ko...
Hindi ako katulad nila.
BINABASA MO ANG
Fated To Be The Demon's Wife
FantasyAmara Celestine Fuentes was arranged by her father to marry a man that she had never met. In order to avoid her twisted fate, she decided to run away. While she was on the run, she met a stranger who helped her to find a place to stay, but in return...