**
Hindi ako nakapagsalita. My hands shook. Guilt, worry, and nervous overwhelmed me. Tuluyan siyang pumasok sa loob ng kuwarto saka isinara ito. Hindi ko alam kung paano siya nakapasok sa loob gayong naka-lock ang pinto.
"E-Elyse..."
She smirked. Inalis niya ang paningin sa akin saka ibinaling sa katabi ko ngayon. Nawala ang ngisi niya. Humalukipkip ito at tuwid siyang tumayo.
"So, what do we have here?" Tanong nito. Bubuka na dapat ang labi ko para magsalita pero humarang sa harapan ko si Ryoushin.
Sinilip ko si Elyse mula sa likuran ni Ryoushin at napansin ko na ngayon ay seryoso itong nakatitig sa lalaki. Napakunot noo ako dahil parang nag-uusap silang dalawa sa mga isipan nila. Nakita kong umayos ng tayo si Elyse at napakuyom ang kamao.
"Tama nga talaga ang naamoy ko sa 'yo kanina, Amara. Hindi nga talaga siya tao" Natat'wang wika ni Elyse kaya't napamaang ang labi ko.
"A-Ano ba ang sinasabi mo, Elyse?" Pagmamaang-maangan ko rito. Nakita ko ang pagkuyom ng kamao ni Ryoushin. Tumigil sa pagtawa si Elyse saka inayos ang frame ng kaniyang suot na salamin.
"Alright. Hahayaan ko muna kayong dalawa dito at hindi ko sasabihin kay Lily ang nangyari. Basta, bago sumapit ang takip-silim ay paalisin mo na ang lalaking 'yan dito dahil hindi mo alam kung anong dinala mo sa apartment na ito, Amara" Seryosong paalala nito bago nilisan ang silid.
Naiwan akong nakatanga lang sa kakasarang pinto. Napayuko ako at napatingin sa sahig. Hindi ko maintindihan kung paanong nalaman ni Elyse na hindi tao si Ryoushin. Manghuhula ba siya? Manggagamot? o nagbebenta ng anting-anting katulad ng nanay ni Lily.
Nawala ako mula sa malalim na pag-iisip ng maramdaman ko ang mga kamay ni Ryoushin sa magkabilang balikat ko. Napatingala ako sa kaniya.
"Bakit niya alam na hindi ka tao?" Hindi ko mapigilang itanong sa kaniya.
"She's a half blood demon, Amara" Sagot nito na ikinaatras ko kaya nabitawan niya ako sa balikat. Napatakip ako sa bibig ko. Oh my god!
"Ibig sabihin, pareho kayong dalawa?" Nalilitong tanong ko sa kaniya. Umupo ako sa kama dahil nanghina bigla ang mga tuhod ko. Hindi ko matanggap na isa sa mga kasama namin dito sa apartment ay katulad ni Ryoushin.
"We are not the same. She's the daughter of an inccubus"
"Inccubus. Ano 'yon?"
"Inccubus is an evil spirit that visits in their sleep to have sexual intercourse with sleeping women. There's a chance that the human will be impregnated by an inccubus"
Kinilabutan naman ako. Puwede palang mangyari 'yon? I got goosebumps after hearing it.
"And that is Elyse?" Natutop ko ang aking labi. Woah. It's creepy but a little bit interesting. "Sa babae lang ba 'yon nangyayari?"
Umiling naman siya kaya mas lalo akong na-curious.
"Succubus is the female version of inccubus. They also visit men in their sleep and make love with them"
"Then, mabubuntis rin ang succubus?" Hindi ko mapigilang itanong sa kaniya. Napabuga siya ng hangin saka umupo sa kama na nasa tabi ko.
"Maybe. Maybe not" Tamad nitong sagot at napahikab. Napakamot na lang ako sa aking ulo dahil sa mga nalaman ko. "These demonic entities are sexual in nature, appeared in dreams or in the physical world to seduce them, steal their energy and, in some cases, kill them"
Hindi ko naman mapigilang kabahan sa mga nalaman ko. Mas lumapit ako sa kaniya dahil sa nerbiyos. Naisip ko naman si Elyse
"Ano naman ang tawag kay Elyse?"
BINABASA MO ANG
Fated To Be The Demon's Wife
FantasiAmara Celestine Fuentes was arranged by her father to marry a man that she had never met. In order to avoid her twisted fate, she decided to run away. While she was on the run, she met a stranger who helped her to find a place to stay, but in return...