***
Nandito ako ngayon sa lounge area at nag-c'contemplate dahil sa nangyari. Hindi ko akalain na palpak ang unang araw ng paglalaba ko. Sakto rin na nandito si Giselle at nakita niya akong umiiyak.Hindi ko na kasi talaga mapigilan dahil pinagalitan ako ni Miss Pen kanina first time ko siyang makitang ganun kagalit sa 'kin. Hindi lang ako sanay na may ibang tao na nagagalit sa akin bukod kay Papa.
"Amelia, ano ba kasi talaga ang nangyari?" Tanong ni Giselle sa akin habang hinahaplos ang likuran ko dahil kanina pa ako iyak ng iyak.
Hindi na talaga ako nag-aarte ngayon dahil totoo na akong naiiyak. Hindi ko naman kasi alam na dapat palang ipaghiwalay ang puti sa de color.
"Namantsahan ko 'yong d-damit ni Master Ryou kaya pinagalitan ako ni Miss Pen" Paliwanag ko saka itinago ang mukha ko sa aking mga palad.
"Bakit mo naman kasi namantsahan? Alam mo ba na strikto si Master pagdating sa mga damit niya? Ayaw na ayaw no'n na madumihan o mamantsahan manlang ang mga kasuotan niya dahil talagang matatanggal ka sa trabaho"
Mas lalo akong napaiyak sa sinabi ni Ate Giselle. Niyakap niya naman ako at hinaplos ang likuran ko. Napatingin ako sa may pintuan ng bumukas ito at iniluwa si Miss Pen na bitbit ang basket na may lamang nilabhan ko kanina.
Humiwalay ako ng yakap kay Ate Giselle at pinunasan ang luha sa pisngi ko. Lumapit siya sa amin.
"Tigilan mo na ang kakaiyak diyan dahil natanggal ko na ang lahat ng mantsa. Magpasalamat ka at kakakapit palang nito sa mga damit kaya madaling matanggal" Paliwanag niya saka inilapag ang basket.
Kaagad akong tumayo saka napayakap sa kaniya dahil niligtas niya ang buhay ko. Napaiyak ulit ako.
"Thank you so much po" Wika ko. Hinaplos niya naman ang likuran ko.
"Ikaw talagang bata ka. O siya, samahan mo muna siya Giselle roon sa laundry area para tulungan siya na patuyuin ito sa dryer" Utos niya kay Ate Giselle na tumalima naman. Tumingin naman siya sa akin. "Mamaya tayo mag-uusap ulit, Amelia.
"O-Opo" Saad ko saka binuhat ang basket na may lamang mga damit.
Sinamahan naman ako ni Ate Giselle katulad ng utos ni Miss Pen. Tumigil na rin ako sa kakaiyak dahil solve na ang problema ko. Nang makapasok kami sa laundry area ay tinuro sa akin ni Ate Giselle ang isang pinto sa likuran kung saan ang mga dryer.
"Alam mo ang bait talaga niyang si Miss Penelope" Pag-uumpisa niya ng topic kaya napatingin ako sa kaniya. "Alam mo ba na ilang beses na rin niya akong iniligtas ng minsang pumalpak ako sa trabaho ko?"
"Bakit nakasunog ka na rin ba ng hotdog at nakamantsa ng damit?" Tanong ko sa kaniya. Natawa siya saka umiling.
"Nasunog ko 'yong damit ni Master Ryou dahil sa pagpaplantsa. Hindi ko kasi natantiya 'yong init ng plantsa kaya ayon nasunog ko. Taranta ako no'n at umiyak rin ako sa kaba pero mabuti na lang ay nakaisip ng solusyon si Miss Pen"
Iniabot ko sa kaniya ang isang basket na may lamang mga punda, tuwelya at panyo.
"Nag-order kami online na kaparehong-kapareho ng damit ni Master Ryou at alam mo ba halos mabutas ang bulsa namin para lang mabili 'yon? Hindi kasi biro ang presyo ng mga damit niya"
Sumandal ako sa may sink saka humalukipkip. Umayos naman ako ng tayo saka pinagmasdan 'yong mga damit niya na kamuntikan ko ng masira kanina.
"Magkano ba 'yong mga damit niya?"
![](https://img.wattpad.com/cover/291849677-288-k21528.jpg)
BINABASA MO ANG
Fated To Be The Demon's Wife
FantasyAmara Celestine Fuentes was arranged by her father to marry a man that she had never met. In order to avoid her twisted fate, she decided to run away. While she was on the run, she met a stranger who helped her to find a place to stay, but in return...