CHAPTER XLIV

1.6K 27 2
                                    

***

Dahil tuluyan ng lumubog ang araw ay dumilim na rin ang paligid. Nag-ring naman ang kaniyang phone. Tiningnan niya ang screen bago nagpaallam ito upang sagutin ang tawag. Naiwan naman akong mag-isa rito kaya niyakap ko na lang ang mga tuhod ko saka isinandal ko ang baba sa mga braso ko.

Hindi ko na makita yung mga pagkain kasi ang dilim. Napabuntong hininga na lang ako. Ilang sandali pa ay napansin ko ang maliit na ilaw na lumilipad sa harap ko. Alitaptap. Tuluyan akong napatingin sa buong paligid at nakita ko na maraming alitaptap na nagliliparan. Nakita ko rin ang mga umiilaw na lotus na lumulutang sa dagat. Saan galing 'yon?

Kasunod noon ay ang biglang pagliwanag ng mga puno ng niyog na parang pinapalibutan ng christmas lights. Hinanap ng mata ko si Ryoushin pero wala na siya sa kinatatayuan niya. Napanganga na lang ako ng marinig ko ang pag-strum ng gitara. Napalinga-linga ako upang hanapin ito hanggang sa makita ko siya roon malapit sa kaniyang kotse at pinapaligiran ng kulisap habang bitbit ang isang gitara.

He started singing 'Say You Won't Let Go” by James Arthur'. It was the first time that I heard Ryoushin sings. Infairness, he had a really good singing voice. Malamig at malamyos ang kaniyang tinig na para akong hinehele.

Habang binabanggit niya ang lyrics ay lumalapit siya sa akin. Hindi ko na maalis pa ang tingin sa kaniya. His eyes were locked with mine.

When you looked over your shoulder
For a minute, I forget that I'm older
I wanna dance with you right now
Oh, and you look as beautiful as ever
And I swear that everyday you'll get better
You make me feel this way somehow

Napangisi ako sa lyrics ng kanta kasi swak na swak iyon sa kaniya lalo na sa part na I'm older. I pressed my lips together to suppresed my laugh. Nang tuluyan siyang makalapit sa puwesto ko ay tumigil siya sa paggigitara.

I'm so in love with you
And I hope you know
Darling, your love is more than worth its weight in gold
We've come so far, my dear
Look how we've grown
And I wanna stay with you until we're grey and old
Just say you won't let go
Just say you won't let go

I was mesmerized with his acapella voice. Habang kinakanta niya iyon ay nakatitig siya sa akin. Tumigil siya sa pagkanta saka napalunok. I am absolutely appalled, as he held my hand. Nagtatalon naman ang puso ko dahil sa kilig at tuwa.

I drank the comfort of his nearness, loving the scnet of his addicting male scent, and the touch of his warm hand lacing mine. I felt my heart lured with excitement. All my insides swirled and leaped with joy.

"Amara." Wika niya saka umiwas ng tingin. Napansin ko ang pangangatal ng kamay niya habang nakahawak sa kamay ko. Nakatitig lamang ako sa kaniya upang hintayin ang susunod niyang sasabihin. "I...I...."

Ilang segundo ang lumipas pero hindi niya tinuloy ang sasabihin. Binitawan niya ang kamay ko saka napayuko.

"A-Anong gusto mong sabihin sa 'kin?" Malumanay na tanong ko rito.

"I...I think......wait let me breath" He uttered and held my hand again. Huminga ito ng malalim bago ako tingnan sa mga mata ko. Pansin ko na nanlalamig ang kaniyang mga palad.

"Listen carefully. I....Damn!" Sigaw niya bigla.

"Ano ba kasi 'yon?"

"Amara, I wanted to say that I....I think I can't...."

Sunod-sunod itong napailing kaya nagtaka na ako.
Nawala naman bigla ang mga alitaptap at namatay rin ang ilaw na naroroon sa mga puno ng niyog. Nataranta ako saka mabilis na napakapit sa braso niya dahil sa nerbiyos.

Anong nangyayari?

"PAMBIHIRA NAMAN RYOU! AMININ MO NA LANG KASI NA GUSTO MO SIYA! YOU'RE WASTING MY POWER!"

Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ang sigaw ni Lorenzo galing sa kung saan.

"Bastard" He mumbled. "FUCK YOU!" He yelled back.

Hindi ko man nakikita ang mukha ni Ryoushin, alam ko na hindi na naman ito maiguhit.

Ngunit sa kabila nito ay hindi ko mapigilang mapangisi. Tama ba ang narinig ko kay Lorenzo?

"Gusto mo rin ako?" Tanong ko sa kaniya.

Bigla namang nagliwanag ulit. Mas maliwanag na kompara kanina. Nasilayan ko tuloy ang namumula nitong pisngi at salubong na kilay. Hindi ito nakasagot kaagad. Mas lumapit ako sa kaniya saka hinuli ang mga tingin niya pero umiiwas ito. Natawa naman ako.

"Yiieee gusto mo rin ako?" Tukso ko saka sinundot-sundot ko ang tagiliran niya. Hindi na tuloy maalis ang malaking ngiti sa labi ko. "Ryouuushiin..."Malambing kong tawag sa kaniya dahil hindi pa rin siya tumitingin sa akin.

Mabilis niyang hinuli ang aking kamay para patigilin ako. He stared at me intently. I was just staring at him while my lips are slightly parted.

Napahugot siya ng malalim na hininga.

"This is so new to me" He mumbled. Halos mapunit naman ang labi ko sa kakangiti. Tumingin siya muli sa akin. My heart beat so fast, it felt like it is about to burst.

"I know all of these are so sudden. We've bound because of the ring and we don't have a proper conversation. However, I still wanted to make things cleared between us. I know you're overthinking because of my kind gestures, naguguluhan ka rin. So, I don't want you to keep guessing with my mixed signals" He took a deep breath. He squeezed my hand gently.

Bakit ganun? Imbes na ma-cringed sa mga sinasabi niya ay natutuwa pa ako.

"I have never felt something like this to someone. All I know is I liked you so much. You're the only girl that I want. Gusto kita, Amara"

My pulses racing, so strong and powerful. Hindi ko alam pero para akong hihimatayin. Para akong takore na kumukulo, umaakyat na yata lahat ng dugo ko sa aking ulo. Hindi ko ma-explain yung feeling. Gusto kong sumabog.

Hindi ko alam kung tatalon ba ako o magpapagulong-gulong dito sa buhangin. First time ko rin kasing maranasan 'to! Wala pang umaamin sa akin ng harap-harapan dati, puro lang kasi sulat ang natatanggap ko mula sa mga manliligaw ko kaya hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon ko ngayon.

"Ever since that you set foot inside my mansion, you already caught my attention. Your presence is irresistible. That is the reason why I always crave for you when I'm home. Your presence is already enough to make my heart happy"

Is this for real? Napakurap ako ng ilang beses. Nanatili lamang akong nakatitig sa kaniya.
Halos isang minuto na ang lumipas pero hindi pa rin ako makapagsalita.

"H-Hey, are you not going to say anything?" Kunot-noong tanong niya sa akin. Pansin ko ang pagkakabahala sa mga mata niya.

Sunod-sunod akong napalunok upang mawala ang bara sa aking lalamunan.

"A-Ano....A-Ano....Pahinging t-tubig!" Tarantang saad ko. Mabilis niya naman akong inabutan ng bottled water. Kaagad ko itong kinuha sa kaniya saka ininom. Halos maubos ko ito bago ko bitawan. Napahugot ako ng malalim na hininga saka pinunasan ang aking labi gamit ang likod ng kamay ko.

"G-Gusto mo ako?" Paninigurado ko.

"I already said it, Amara"

"T-totoo?"

Napa-poker face ito. "I have a long speech here but you didn't listen" Dismayado niyang saad. His lips pouted. Nakarinig ako ng mahinang tawa na galing sa kung saan.

"So, g-gusto mo nga ako?" Tanong ko ulit saka tinuro ang mukha ko. I'm still feeling dazed with my realization.

"Dang it" He frustratedly combed his hair with his fingers. Hinawakan ako nito sa magkabilang pisngi. Nanlaki ang mga mata ko ng dumampi ang malambot niyang labi sa tungki ng ilong ko.

"I like you, gusto kita. My lips will land in your lips if you don't stop asking, Amara"

Nang bitawan niya ang aking pisngi ay napaatras ako at napatakip sa aking bibig.

Fated To Be The Demon's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon