***
Malalim na ang gabi at heto ako nakaupo sa kama at tinitingnan ang bawat galaw ng kamay ng orasan. Pasado alas diyes na ng gabi kaya paniguradong walang katao-tao doon sa labas. Malamang ay oras na ng curfew.
Hindi ako makatulog dahil sa mga nalaman ko kanina kay Timothy at pati na rin ang sinabi ni Miss Pen. What if lumabas ulit ako ng kuwarto at kumuha ng pagkain? Sa pagkakaalala ko kasi wala ngayong gabi si Ryoushin.
Sabi niya may pupuntahan siya e. Saka, naisip ko naman na kapag ginawa ko 'to papaalisin na rin niya ako ng walang explanation. Diba? May cause rin naman itong pagpapasaway ko.
Tumayo ako saka binuksan ang pinto at sumilip sa corridor. As usual, iilang lamp lang ang bukas at wala talagang katao-tao. Nakakatakot rin ang sobrang tahimim ng kapaligiran.
Isa lamang ang nasa isipan ko ngayon...
THIS IS THE START OF MY ADVENTURE
Lumabas ako saka maingat na isinara ang pinto. Nakatapak lang ako para walang ingay kapag naglakad ako sa sahig. Naka-tip toe ako habang tinatahak ang daan palabas ng corridor. Nang tuluyang marating ang hall ay napahagikhik ako.
Saan kaya dito ang cctv? Dito kaya? Humarap ako sa kanan at nag-pose. Dito sa kaliwa? Humarap rin ako doon at nag-peace sign. E kung dito sa taas? Tumingala ako saka itinaas ang dalawang kamay ko at nag-dirty finger sign.
Para 'yan sa 'yo Ryoushin. Ibinaba ko na ang kamay ko at marahas na napabuntong hininga saka tumungo sa fridge at kumuha ng mint chocolate flavored ice cream saka avocado flavored ice cream. Paborito ko 'tong mga 'to.
Kumuha rin ako ng strawberry milk at isang 100 ml bottled water. Dumiretso ako sa cupboard at naghalukay para kumuha ng kutsarita. Niyakap ko ito lahat saka dahan-dahang naglakad papunta sa bukana ng hall at sumilip sa living room o main lounge ng mansion.
Katulad noon ay isang lampara ang nakabukas na malapit sa may pinto kay medyo may kadiliman. Patalon-talon akong lumabas ng pinagtataguan ko saka ipinatong sa center table ang mga bitbit ko.
Nakakapanibago kapag ganito katahimik ang mansion. Napalinga-linga ako habang binubuksan ang mint chocolate flavored ice cream. Saan kaya ang cctv dito? Dito kaya? Tumingin ako sa kanan saka sumandok ng ice cream at sumubo.
Napapaypay ako sa bibig ko dahil sa sobrang lamig. Nangilo tuloy ang ngipin ko. Tumingin rin ako sa kaliwa saka ngumiti ng malawak at kumaway. Trying hard na ako dito. Sana naman effective 'tong pagpapasaway ko.
Napatigil ako sa pagkain ng makita ko ulit 'yong kuwarto na may mga kandila. Binitbit ko lahat ng nga pagkain at tubig saka patakbong dumiretso roon. Pinihit ko ang doorknob at napansin ko na hindi naka-lock. Sumilip ako sa loob at ganun pa rin ang itsura.
Napalinga-linga muna ako saka nakangising pumasok sa loob ng kuwarto at marahan itong isinara. I scan the whole room. It is indeed mysteriously unsual. Parang sa mangkukulam e. May cctv rin kaya dito?
Imbes na mag-stay sa may sofa ay tinungo ko ang nag-iisang mesa niya dito. Dito ko siya nakita na nakahubad at nagbabasa ng mga dokumento. Kitang-kita ko 'yong six pack abs, triceps, at biceps niya---sinampal ko kaagad ang sarili ko.
Ipinilig ko ang ulo ko para mawala ang nakakalokang iniisip ko. Inilagay ko sa mesa 'yong mga pagkain ko saka hinila 'yong high-back chair niya at umupo. Infairness, malambot at komportable sa pakiramdam ang upuan na ito.
Umikot-ikot ako gamit ito saka itinaas ang kamay sa ere. Nang magsawa ay tumigil ako saka tiningnan ang mga gamit sa kaniyang mesa. Nangunot ang noo ko ng makita ang isang itim na malaking notebook. Kinuha ko ito saka binuksan ang unang pahina.
BINABASA MO ANG
Fated To Be The Demon's Wife
FantasyAmara Celestine Fuentes was arranged by her father to marry a man that she had never met. In order to avoid her twisted fate, she decided to run away. While she was on the run, she met a stranger who helped her to find a place to stay, but in return...