CHAPTER XLIII

1.6K 29 0
                                    

***

He pressed his lips, together tightly, raking his hair. Nakatingin lang ako sa kaniya na seryosong nakatingin sa kausap niya. Nasa loob kami ng opisina upang kausapin ng manager nitong arcade. Nakayuko lamang ako habang kinukutkot ko ang aking palad. Gumawa na naman ako ng kasalanan. Nadala lang kasi ako ng emosyon.

Kasalanan ko ba kung marupok na yung controller ng machine. Dapat na talaga nila iyong palitan. Matapos nilang mag-usap ay may iniabot si Ryoushin na papel saka may pinirmahan siya bago niya ako puntahan.

"R-Ryou..." Usal ko. Napakamot siya sa kaniyang ulo saka hinawakan ang kamay ko at marahang hinila palabas ng office. Hindi siya nagsalita hanggang sa marating namin ang isang bench na may mesa, dito mismo sa loob ng arcade.

Napabuntong-hininga siya saka inilapag sa mesa ang mga pagkain na binili niya.

"Eat first. We will go somewhere after this" Wika niya saka napatingin sa kaniyang wristwatch. Hindi naman kaagad ako sumunod sa sinabi niya. Napatingin siya sa gawi ko. "Amara, I said eat"

"G-Galit ka ba sa 'kin?"

Kumunot ang kaniyang noo. "Why would I? It was just an accident"

Pero bakit ganun? Kahit pa sinabi niyang hindi siya galit ay natatakot ako. Baka said na said na ang pasensiya niya sa akin tapos bigla na lang niya akong ihulog mamaya sa sasakyan. Naptingin siyang muli sa akin at inusog palapit sa puwesto ko ang burger.

"What are you still waiting for?"

"Sure ka ba talagang hindi ka galit sa akin?"

"I said no. Kumain ka na. I am not mad" Utos niya sa akin. Kinagat ko naman ang ibabang labi ko saka kinuha ang burger. Inusog niya rin palapit sa akin ang isang slurpee.

"Ano palang sinabi sa 'yo kanina ng manager?" Tanong ko saka ako kumagat sa burger.

"He ask me to pay for damages" He answered curtly. Lihim akong napangiwi. Wala na talaga akong magandang naidulot sa kaniya kung hindi sakit ng ulo.

"M-Magkano ba ang hinihingi niyang bayad para sa nasira ko? Babayaran na lang kita kapag nagkapera ako"

Hindi namang siguro makakaubos ng limang libo 'yun kasi controller lang naman ang nasira.

"60, 000 pesos"

Nabulunan ako sa kaniyang sinabi kaya napaubo ako. Mabilis naman siyang napatayo at hinimas yung likod ko saka niya ako inabutan ng tubig. Nang mahimasmasan ay kaagad akong napatingala sa kaniya.

"Are you okay?" Nag-aalalang tanong niya sa akin. Hindi ko pinansin ang tanong nito.

"B-Bakit ang laki naman ng ibinayad mo?!"

Grabe. Parang controller lang 60,000 pesos na ang binayad niya. Alam ko naman na kasalanan ko dahil nasira yung machine pero ang mahal naman ng singil nila. Dapat i-report sila sa awtoridad, nangungurakot ng customer.

Sasagot na dapat siya pero may tumawag sa kaniya. Napatingin ako sa isang staff na parating sa aming puwesto bitbit ang isang malaking plastic na puno ng panda stuff toy. My jaw dropped after the staff put the huge plastic beside our table.

"Sir, ito na po lahat ng stuff toy mula doon sa claw machine"

Tumango lamang si Ryoushin bago kami iniwan ng staff.

Napakurap-kurap ako saka tinuro 'yung plastic.

"B-Bakit?..."

"I saw you struggling with that freaking claw machine earlier and you destroyed the controller, I payed for the damages and bought the whole stuff. I told them to destroy it and buy a new one" Parang wala lang sa kaniya ng sabihin iyon sa akin. Pabalik-balik ang tingin ko sa kaniya at saka sa plastic.

Fated To Be The Demon's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon