***
AMARA's Point of View
Napahiga ako sa kama at tinitigan ang singsing sa aking kamay. Pinasadahan ko ito ng aking daliri bago ako napangiti. Naalala ko ang mga sinabi sa akin ni Giselle kanina. Napahawak ako sa parte ng dibdib ko kung saan ang aking puso at naramdaman ko ang malakas na kabog nito.
Kaagad kong kinuha ang isang unan saka niyapos bago nagpagulong-gulong sa aking kama. May gusto na ba talaga ako sa kaniya?
"Ahhh!" Napasigaw ako ng mahulog ako sa kama dahil sa kakagulong. Napatayo ako saka napahawak sa balakang ko na tumama sa sahig.
Kumalma ka, Amara! Hindi ka ganiyan! Akala ko ba ayaw mong ma-inlove? Ayaw mong magkipagrelasyon diba? Papangit ka kapag na-stress. Napasimangot ako sa sariling iniisip bago bumalik sa kama at saka ay naupo.
Napabuntong hininga na lang ako saka pinagmasdan muli ang singsing. Bahala na. Kung gusto ko talaga siya, wala namang masama. Nagkakagusto lang naman ako sa isang tao. Basta ang alam ko lang gusto kong magpakasal sa kaniya.
Naalala ko naman kung paano hawakan ng malalaki at malambot niyang palad ang kamay ko. Sa iniisip ko ay naramdaman ko ang pagkalam ng aking sikmura na tila may kung anong nagliliparan doon.
Kusa akong napangiti at saka kinuha ang unan at itinago ang mukha roon saka napahiga sa kama at pinagsisipa ang hangin. Kinikilig ba ako? Oh my god! Kung may kasama lang ako dito ay malamang kanina pa ako sinabihang baliw.
Kaagad kong tinigil ang aking ginagawa saka napahugot ng malalim na hininga para pakalmahin ang sarili. Umayos ako ng higa sa aking kama saka niyakap ang unan at tumagilid paharap sa may bintana. Napangiti na lang ako. Ganito talaga siguro ang pakiramdam kapag in-love, parang nasa ulap.
Nawala ang aking ngiti ng may makita ako sa siwang ng kurtina. Maningning na kulay pulang bagay. Napakurap ako at nawala rin iyon kaagad. Baka guni-guni ko lang iyon. Isinawalang bahala ko na lamang at pumikit na.
KINAUMAGAHAN maaga akong nagising para gumayak dahil may pasok ulit ako ngayong araw. Napakagaan ng pakiramdam ko ngayon. Ilang sandali ay may narinig akong katok kaya't napatingin ako sa may pintuan.
Binuksan ko muna ito bago ako naligo. Nabungaran ko si Miss Pen sa labas ng pintuan at may bitbit na hanger at isang kahon. Naroroon ang uniporme ko sa school na nakabalot sa plastic at mukhang sapatos ko ang naroroon sa kahon.
"Magandang umaga po" Bati ko. Ngumiti ito saka binati rin ako pabalik.
"Ito nga pala ang uniporme at school shoes mo, Amara" Nilapitan ko siya saka kinuha ito sa mga kamay niya. Pinagmasdan ko ito bago ibalik ang paningin sa kaniya.
"Paano niyo po ito nakuha?" Nagtatakang tanong ko. Nasa bahay kasi ito namin. Hindi ako nakabalik kaya hindi ko nakuha.
"Dinala ng papa mo kanina ng mag-deliver sila ng palay dito sa mansion. Naalala niya na babalik ka na ulit sa pag-aaral"
"Talaga po? Nandito pa po ba si Papa? Gusto ko siyang makita!" Nasasabik kong turan. Ngumiti naman siya saka tumango.
"Sa tingin ko ay kausap pa niya si Master Ryou doon sa labas. Puntahan mo na ang papa mo bago siya umalis"
Kaagad ko namang inilagay sa kama ang damit saka sapatos at nagmadaling lumabas ng silid. Ilang araw na rin ang lumipas noong makita ko siya.
"Amara, ang tsinelas mo!" Rinig kong tawag sa akin ni Miss Pen pero hindi ako nag-atubiling lumingon. Nakangiti kong tinahak ang daan palabas ng Servant's hall.
BINABASA MO ANG
Fated To Be The Demon's Wife
FantasyAmara Celestine Fuentes was arranged by her father to marry a man that she had never met. In order to avoid her twisted fate, she decided to run away. While she was on the run, she met a stranger who helped her to find a place to stay, but in return...