***
Sinalubong ako ni papa saka inilahad ang kaniyang braso upang kumapit ako roon. Nangangatal ang aking kamay nang kumapit ako sa kaniyang braso. Pinagmasdan ko si Miss Pen na ngayon ay nakatingin sa akin, nanunubig ang kaniyang mga mata pero nakangiti. Ngunit ang ngiting iyon may bahid ng lungkot.
Hindi ko na mapigilang mapaluha habang pinagmamasdan si Miss Pen. Nakasuot ito ng usual outfit niya na mahabang purple sweater at ankle length na skirt habang hawak ang kaniyang pamaypay. Sunod-sunod na bumalik sa aking ala-ala ang mga panahong una ko siyang nakilala sa mansion, ang kaniyang kasungitan at pagiging strikta pero katumbas nito ay ang pagiging mabait at maalaga.
Siya ang nandiyan para iligtas ako sa kamay ng mga masasama kapag wala si Ryoushin. Ang mga sermon at saway niya sa akin sa tuwing gumagawa ako ng kalokohan pati na rin ang mga kurot niya sa akin kapag may ginagawa akonv mali. I smiled and I mouthed 'thank you'. Tumango siya sa akin saka ngumiti at itinaas niya ang kaniyang salamin saka pinunasan ang kaniyang mata.
Tila siya ang naging ina at tatay sa akin ng mga panahong nasa mansion pa lamang ako.
Hinding-hindi ko iyon makakalimutan at talagang mangungulila ako sa kaniyang presensiya. Tuloy-tuloy lang sa pag-agos ang mga luha ko kaya't nahihirapan akong makita ang dinadaanan na pulang carpet, mabuti na lamang at hawak ako ni papa.
Napatingin naman ako sa gawi ni Loremzo na ngayon ay nakatitig rin sa akin at seryoso ang mukha. Nakasuot ito ng puting kasuotan na pinalamutian mg ginto. Kulay puti na ang kaniyang buhok at may ginto ring palamuti amg kaniyang ulo.
Siya ang unang lalaking nakilala ko noong panahon na tumakas ako sa aming bahay at hiningian ko ng tulong. Ang lalaking sinakyan ang kasinungalingan ko at ang lalaking akala ko ay ikakasal sa akin. Siya yung lalaking seryoso at medyo masungit saka straightforward rin. Siya yung taong kamuntikan ko na ring maging crush dahil talaga namang mabait siya at isa siyang anghel.
Ngumiti siya sa akin kaya napangiti na rin ako. Tiyak mangungulila rin ako sa kaniyang preseniya lalo na sa mga ngiti nito na minsanan ko lamang makita. Nangngalahati na ako sa loob ng templo ng marinig ko ang gulo sa labas. Napalinga-linga ako at nakita ko ang taga-dark realm na naririto ngayon upang pigilan ang kasal.
Hindi naman ako nag-aalala dahil narito ang mga Seraphim at Cherubim upang hadlangan ang kanilang hangarin na kunin ang mapapangasawa ko. Unti-unti kong ibinalik ang tingin sa harapan at doon ko nasilayan ang napaka-guwapp kong asawa.
Nakasuot ng puting suit na gawa sa silk, may gintong palamuti ang kaniyang damit, puti rin ang slacks at pinaresan ng black leather ahoes, at nakapagilid ang kaniyang buhok kaya't napunta ang bangs sa kabilang bahagi ng kaniyang ulo, Pinagmasdan ko ang kaniyang mga mata na hanggang ngayon ay kulay asul at pula ang kulay.
Bumagal ang mga hakbang ko dahil napakahirap...ang hirap humakbang kapag alam mong sa oras na magtagpo kaming dalawa at simulan ang seremonya ay mawawalla rin siya sa akin. Naramdaman ko ang hawak ni papa sa kamay ko na nakakapit sa kaniyang braso, tila sinasabi nito na kaya ko 'to.
K-Kakayanin ko. Pinunasan ko ang aking mata para mawala ang mga luha. Pinagmasdan ko muli ang kaniyang mukha mula sa makakapal nitong kilay, sa matangos nitong ilong, sa mapula at manipis nitong labi, magandang pagkakahulma ng kaniyang panga, malalapad na balikat, at matikas na pangangatawan.
Habang palapit ako sa kaniya ay unti-unting bumalik sa ala-ala ko amg panahon na una ko siyang nakilala na pinagbintangan ko siyang miyembro ng kulto, panahong inis na inis siya sa akin dahil sa mga kalokohan ko sa mansion, mga panahong pinagpapasensiyahan niya ang aking mga ginagawa kahit pa marami akong nilabag sa rules.
Natawa ako habang umiiyak ng maalala ang ginawa ko sa kaniyang mga boxers at brief pati na rin ang pagwawalis ko ng mga dahon at pinapunta ko sa swimming pool. Para na akong baliw rito. Nakita ko ang pagtulo ng luha mula sa kaniyang kaliwang mata. Napahikbi tuloy ako.
BINABASA MO ANG
Fated To Be The Demon's Wife
FantasyAmara Celestine Fuentes was arranged by her father to marry a man that she had never met. In order to avoid her twisted fate, she decided to run away. While she was on the run, she met a stranger who helped her to find a place to stay, but in return...