CHAPTER XIII

2.2K 45 4
                                    

***

Nagising ako kinaumagahan na wala na akong maramdaman na kahit anong masakit sa katawan. Bumaba na rin ang lagnat ko. Naligo ako saka nagbihis ng casual attire dahil araw ngayon ng miyerkules.

Lumabas ako ng aking silid matapos gawin ang morning routine ko saka tumungo sa hall. Napalinga-linga ako dahil wala akong mahagila na kahit sino. Bumukas ang storage room at iniluwa nito si Ate Giselle.

Kaagad siyang ngumiti at nilapitan ako.

"Kumusta na ang pakiramdam mo?"

"Maayos na po ako ngayon" Nakangiting sagot ko. Hinawakan niya naman ang noo saka leeg ko.

"Mabuti naman"

"Saan pala sila nagpunta?" Nagtataka kong tanong sa kaniya.

"Speaking of. Nasa lounge silang lahat ngayon. Halika na may importante daw na sasabihin si Miss Pen sa atin ngayon"

I got curious because of it.

"Bakit anong meron?"

She just shrug.

"I don't know. We will know about it kapag nandoon na tayo"

Sumama na lang ako sa kaniya. Pagdating namin sa lounge ay nakita ko kaagad ang lahat ng kasambahay na nagtipon-tipon. Wala pa rito si Miss Pen. Hinila ako ni Ate Giselle papunta sa may round table at umupo kami sa dalawang bakanteng upuan.

"Bakit nandito ka pa rin?"

Napabaling kaming dalawa sa kakarating lang na si Ate Norma kasama si Ate Vine. Heto na naman siya. Kahit talaga saan ako magpunta may kontrabida sa buhay ko.

"Because she is still working here, Norma" Si Giselle ang sumagot sa tanong niya. Inirapan nito si Giselle saka siya humalikipkip.

"Huwag kang sumabat dito dahil hindi ikaw ang kausap ko" Binalingan ako nito ng tingin. "Ikaw, ang dami mo ng kasalanan na ginawa kay Master Ryou pero nandito ka pa rin? Napaka-kapal naman ng pagmumukha mo"

"Norma, tumigil ka na nga" Saway sa kaniya ni Giselle pero mukhang hindi talaga ito titigil. Napunta na rin ang atensiyon ng ilang kasambahay sa amin at nagbubulungan.

"Huwag kang mag-alala aalis rin ako dito" Seryosong sagot ko pero inirapan niya lang ako.

"Nakakapagtaka talaga at hindi ka pa rin tinatanggal sa trabaho gayong napakarami mo ng kasalanan. Aminin mo nga, inaakit mo siguro si Master, ano?" Mapangahas niyang bintang kaya't napatayo ako. Nginisihan ako nito at mukhang hinihintay niya talaga ang magiging reaction ko sa patutsada niya.

Hinawakan ako ni Ate Giselle sa braso saka siya tumayo. Hinila niya ako sa kaniyang likuran.

"Stop talking nonsense, Norma. Hindi ka ba nahihiya na ikaw 'tong mas may edad ay siya pang nagsasabi ng ganiyan? Ang bata pa nitong si Amelia para pagsalitaan mo ng ganiyan!"

Nagsalubong ang kilay nito saka binalingan ng tingin si Ate Giselle.

"Huwag kang makikisawsaw rito! Huwag ka ngang magpasiguro na mabait at disenteng babae itong si Amelia. Hindi mo alam ang hulma ng utak ng mga kabataan ngayon!"

Susugurin na sana ni Giselle si Norma pero kaagad ko siyang pinigilan sa braso. Hindi ko gusto ang ibinibintang nito sa 'kin pero naiintindihan ko 'yong galit niya.

Napalingon sa akin si Giselle. Alam kong gusto lang niya akong ipagtanggol pero ayoko namang madamay siya..

"Hindi ako katulad ng iniisip mo, Ate Norma. Hindi ko alam kung bakit hindi pa rin ako tinatanggal sa trabaho sa kabila ng kapalpakan na ginawa ko" Saad ko saka sinalubong ang tingin niya.

Fated To Be The Demon's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon