CHAPTER LXXVIII

1K 20 1
                                    

***

A white Limousine took us to the El Jardin Zaida resort where the reception was held. Habang nasa biyahe kami ay hawak niya lang ang aking kamay na nakapatong sa kaniyang hita. Tahimik lamang siya at mukhang malalim ang iniisip.

Yumuko ako ng kaunti saka hinuli ang kaniyang paningin. Dumapo ang paningin niya sa akin kaya ngumiti ako sa kaniya, without showing my teeth. I squeezed his hand gently.

"A penny of your thoughts?" Saad ko. He heave a deep sigh and smiled at me. Umayos siya ng upo kaya napaayos rin ako ng upo. He is now facing me.

"I just could not believe it. We got married for real. I'm just very happy because no one can steal you away from me"

Tinaasan ko siya ng kilay dahil sa huling salita na lumabas sa kaniyang labi. "Grabe. Akala mo naman ay may kukuha sa akin mula sa 'yo?"

He also raise his dark eyebrows. "Marami. I remember the punk who gave you flowers and chocolates at your graduation day then the guys at your college university who put letters and flowers in your locker"

Naipagdikit ko ang aking labi dahil sa kaniyang sinabi. "Paano mo nalaman yung about sa graduation day?"

"Always remember that I have ways, Baby. Malalaman at malalaman ko talaga lahat" Proud nitong sabi. "That's why no one can steal you from me because I will do everything to shoved them away" Dugtong niya.

Napanguso naman ako. Wala na pala akong maitatago sa lalaking 'to dahil lahat na lang nalalaman niya.

"Hindi naman ako magpapaagaw sa kanila kaya huwag kang mag-alala"

"Really?"

Tumango naman ako. "Kahit pa bilhan nila ako ng flower shop at chocolate store. Sayong-sayo lang ako"

Unti-unting bumakas sa kaniyang mukha ang saya at halos mapunit na ang labi niya sa laki ng kaniyang ngiti. Niyakap ako nito at pinanggigilan. Tumawa lamang ako.

"Saka, paano ako maagaw ng iba e pinunlaan mo na ako?" Natatawang wika ko. Nabigla ako ng marinig ang ubo sa unahang bahagi ng sasakyan. Lihim akong napakagat sa ibabang labi dahil nakalimutan kong hindi lang pala kami ang nasa loob ng sasakyan.

"Mr. and Mrs. Castillian, we have reached the El Jardin Zaida Resort" Wika ng driver. Napakunot noo ako dahil pamilyar ang tinig sa akin. Magtatanong pa sana ako pero binuksan na ng driver ang pintuan doon sa driver seat saka ito lumabas.

Ryoushin cleared his throat. "Let's go, Baby"

Naibaling ko ang tingin kay Ryoushin ng lumabas siya ng sasakyan saka hinawakan ang aking kamay para tulungan ako sa pagbaba. Sinunod ko naman siya. Nang makalabas ako ng sasakyan at masilayan ang buong lugar ay nakita ko ang mga sunflower at white roses sa paligid.

Rinig na rinig ko rin mula rito ang tugtog sa loob ng reception. Napabaling ako kay Ryoushin ng kuhain niya ang kamay ko saka inilagay sa braso ko.

"Are you ready to see them?" He asked while we are heading towards the entrance.

Kaagad akong napangiti ng maintindihan ang kaniyang tinutukoy. Sunod-sunod akong napatango.

"Kanina pa, Ryou. Gustong-gusto ko na talaga silang makausap lalong-lalo na si Miss Pen"

Ngumiti siya saka inilagay sa likod ng tainga ang ilang hibla ng buhok sa aking pisngi.

"They're waiting for you inside and they are also excited to see you"

"Ito yung pinakamasayang araw na nangyari sa buhay ko. Thank you for letting me see those people once again"

"Of course. I will do everything just to make you happy"

Fated To Be The Demon's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon