CHAPTER LXIII

941 21 2
                                    

***

Hindi ko alam kung saan kami patungo ngayon. Basta pumasok kami sa isang malawak na bulwagan, paglabas ay bumungad sa akin ang isang malawak na lupain, halos lahat ng mga Hell Knights ay nandirito at nakapila.

Pasimple kong ikinuyom ang aking kamay dahil nanlalamig ito, bukod sa wala akong kaalaam-alam kung saan ang labasan rito, wala rin akong kaalam-alam kung saan ngayon ang tatlo. Hindi ko akalain na magkakahiwa-hiwalay kami.

Hindi ako gaanong nag-aalala sa kanila dahil alam kong kaya nilang ipagtanggol ang mga sarili, samantalang ako aay walang kahit anumang kapangyarihan na maaaring gamitin kung sakalling mahuli ako.

"Bakit kaya tayo ipinatawag ng Duke?" Pasimple kong binaling ang mata papunta sa isang lalaki na nasa kanan ko. Kausap nito ang kasama niyang babae na nasa kaniyang unahan.

"Balita ko ay nakuha na ng uanng prinsipe ang Nephalem"

Napalunok ako ng marinig ang sinabi ng babae. Malamang ay si Ryoushin ang kaninang tinutukoy. Kailangan ko na talagang malaman kung saan siya naroroon.

"Talaga ba? Kung ganoon ay matutupad na ang nakasulat sa propesiya"

"Ganun nga. Ang sabi ay isang oras mula ngayon ay gaganapin ang ritwal upang tuluyang maging isa ang kapangyarihan ng Nephalem na siyang wawasak sa mundo ng mga tao at mundo ng kabutihan"

Tila binuhusan ako ng isang timbang nag-yeyelong tubig matapos itong marinig. Hindi puwede. Kailangan maunahan namin sila bago pa man nila magawa ang ritwal na kanilang tinutukoy.

"ISANG MAPAGPALANG GABI SA INYONG LAHAT!"

Napakislot ako ng marinig ang malakas na boses ng isang lalaki. Mas malakas pa ito sa boses ni Sir Gibo. Napakalalim at talagang kikilabutan ka. Napatingin ako sa itaas ng isang tila stadium at nasilayan ko ang isang malaking lalaki

Napakalaki ng kaniyang katawan, ang braso ay malalaki rin na tila puputok na ang mga laman. Kulay pula ang mata at nakakasindak ang malaking ngisi sa labi. Iniisip ko palang ngayon na ako na lang mag-isa at pinapalibutsn sko ng kasamaan ay parang gusto ko na lamang lumubog rito sa kinatatayuan ko.

"PAGBATI MAHAL NA DUKE!" Sabay-sabay nilang saad at yumuko ang ulo kaya napasunod na rin ako. Matapos ang tatlong segundo ay inangat na nila ang mga ulo kaya pati na rin ako.

Hindi ko alam kung sino siya pero sa tingin ko ay, siya ang leader ng mga Hell Knights na ito.

"IPINATAWAG KO KAYONG LAHAT UPANG IPAALAM SA INYONG LAHAT NA NASA ATIN NG MGA KAMAY ANG TUNAY NA TAGUMPAY! MAPAPASAATIN NA ANG BUONG SANLIBUTAN! HA HA HA HA HA"

Napangiwi ako sa kaniyang tinuran, lalo na ng humalakhak ito at kumulog ng malakas. Sunod-sunod na tumunog ang malakas na tamboli muka roon sa pinakaunahang bahagi ng pulutong ng mga Hell Knights at kasunod noon ay ang chant ng mga Hell Knights habang itinataas ang kaliwang kamay.

"URA! URA! URA! URA!" Paulit-ulit iyon habang itinataas nila ang kaliwang kamau. Taas ng taas lang ako ng kamay habang palinga-linga. Itinaas naman ng Duke ang kamay kaya napatigil ang lahat at ibinaba ang kamay kaya nasama pati ako.

Biglang may pumasok na limang katao. Napamaang ang labi ko mg mamukhaan ang dalawa sa kanila. Sila na ba ang mga prinsipe? Nakikilala ko si Laisarus at Daemon ngunit ang dalawa na mayroong pulang buhok ay hindi ko kilala, katulad ang kasuotan nila kina Lausurus at Daemon. Mas lalo namang hindi ko kilala ang isang lalaki na kulay puti ang buhok at walang pang-itaas na damit.

Tanging puting mabalahibong tila balabal ang nakalagay sa mga balikat niya kaya kitang-kita mula rito ang sa tingin ko ay walong abs. May gintong malaking kuwintas na parang choker at may isa pang kuwintas na nasa ibaba ng dibdib, may mga gintong malalaking pulseras at ang kaniyang sinturon ay gawa rin sa ginto.

Fated To Be The Demon's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon