CHAPTER XXXII

2K 37 0
                                    

***
May naririnig akong humahangos sa likuran ko na tila naiipit ang dibdib nito. Napalunok ako dahil natatakot akong lumingon at baka kung ano ang makita ko. Kumatok ulit ako saka sinubukang buksan ang pinto ng kuwarto niya pero ayaw mabuksan kahit anong pihit ang gawin ko, tila mayroong puwersa na pumipigil roon.

"Amara...." Ayan na naman ang boses. Hindi ko maintindihan pero napakalapit lang nito sa akin. Tila pinipilit ako nitong tumingin sa likod.

Napaalunok ako at dahan-dahang lumingon. Hindi ko inaasahang makita ang isang nilalang na nakalutang sa ere.

Tila isa itong kahoy na nasunog, purong itim at wala akong makitang suot kung hindi hugis lang ng katawan, ang mga kamay ay mahahaba ang kuko, ang mukha ay wala akong makitang bibig at ilong pero nanlilisik ang kulay pulang mata. Mahaba ang kulay itim na buhok na gumagalaw sa itaas ng ulo niya.

Ang pagitan namin ay dalawang dipa ang layo. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko at tila pati paghinga ko ay nakalimutan ko na. Hindi ako makasigaw o makapagsalita. Ang tanging nagagawa ko lang ay pihitin ng pihitin ang doorknob. Sumigaw ito sa tainga ko, isang nakakakilabot na sigaw at bumulusok patungo sa direksiyon ko.

Hindi ko nagawang pumikit o gumalaw manlang sa kinatatyuan ko. Nanlalaki ang mga mata ko habang pinagmamasdan itong patungo sa direksiyon ko. Akala ko ay dideretso ito sa akin pero nagulat ako ng gumalaw ang mga baging na nasa magkabilang dingding at bumulusok papunta sa direksiyon ng babae. Para itong matutulis na bagay na tumusok sa buong katawan ng babae.

Muntik ko ng mabitawan ang tray dahil sa lakas ng sigaw nito. Ang sigaw nito na tila nasa utak ko lang. Napallingon ako sa aking likuran ng may mainit at may katigasang katawan akong nasandalan, nakita ko si Ryoushin na nakatayo sa aking likuran at hawak ang tray na kamuntikan ko ng mabitawan.

Unti-unting humupa ang nararamdaman kong takot saka unti-unting nangilid ang aking luha habang nakatingin sa mga mata niya. Nakatingin rin ito sa akin pero walang emosyon ang mukha. Dala ng nararamdaman at pinaghalong emosyon ay kaagad akong napayakap sa kaniya.

"B-Bakit ang tagal mo?" Tanong ko sa kaniya.

"I'm sorry. I think there's someone who's trying to infiltrate inside my room. So, I have to deal with it first. It took me awhile before I saved you"

Naramdaman ko ang isang braso nito na yumapos sa aking likuran. Tumagal kami sa ganoong posisyon bago ko naalala 'yong babae. Kaagad akong humiwalay sa yakap saka pinunasan ang aking pisngi at napalingon. Wala na roon ang babae at nakabalik na rin sa magkabilang dingding ang mga creeper.

"Let's go inside it's getting cold" Saad nito saka ako marahang hinila papasok ng silid niya. Isinara niya ang pinto gamit ang isang kamay. Naglakad na siya palayo pero mabilis akong kumapit sa lalayan ng damit niya at saka sumunod sa kaniya.

"They can't enter my room, so, don't worry" Seryosong saad niya at hinayaan akong sumunod sa kaniya.

"S-Sigurado ka?" Tanong ko saka napasinghot bago bitawan ang laylayan ng kaniyang damit. Inilapag niya sa coffee table ang tray saka umupo.

"The vines will guard this room, rest assured that you'll be safe" Malumanay niyang sagot kaya huminahon naman ako. Iyon pala ang purpose ng vines sa labas. "And I am here, Amara"

Natigilan ako sa huli niyang tinuran. Napatitig ako sa kaniya na ngayon ay malamlam ang mga titig sa akin. Kaagad akong umiwas ng tinggin.

Tandaan mo Amara huwag kang magpaapekto sa kaniya, may nilalandi na iyang iba. Tama. Tama. Isinawalang bahala ko ang kaniyang sinabi saka umayos ako ng tayo kahit nanlalambot pa rin ang mga tuhod ko.

Fated To Be The Demon's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon