CHAPTER XXX

1.9K 37 1
                                    

***

Habang kumakain kami ay panay ang tukso sa akin ng mga kasamahan nila sa trabaho. Si Edward kasi ay grabe kung mag-alaga sa akin habang kumakain kami, bibigyan ako ng tubig at dadagdagan ng ulam ang plato ko samaantala si Timothy naman ay dadagdagan rin ng kanin ang plato ko. Tawa na lang ako ng tawa sa mga pinaggagawa nilang dalawa.

"Oyyy, tama na baka maging butete ako sa dami nitong pagkain" Wika ko saka hinawakan ang sandok na hawak ni Timothy saka ibinalik ito sa bandihado.

Nagtawanan naman sila sa sinabi ko. Mayroon pang nabulunan dahil sa kakatawa mabuti na lang at naging mabuti na rin ang pakiramdam pag-inom ng tubig.

"O siya, tama na iyan at baka may mabulunan pa ulit" Saway ni Aling Lilian kaya't tumigil na rin sila sa kakaatukso sa amin. "Pasensiya ka na sa mga ito, Amara" Hingi nito ng paumanhin sa akin. Umiling naman ako.

"Ayos lang po. Nagbibiruan lang naman" Saad ko saka ngumiti.

"Siya nga pala, malapit na ang harvest day. Kailan nga iyon, Karding?" Bumaling ito sa kaniyang asawa na nasa tabi niya lamang.

"Sa Sabado na 'yon"

"Ay malapit na pala. Tiyak na magandang balita ito para sa lahat" Malawak ang ngiting sabi ni Aling Lilian.

"Puwede po bang magtanong, ano po ba ang harvest day?" Kyuryusong tanong ko sa kanila.

"Ito 'yong araw na pinapayagan ni Master Ryou na kumuha ng mga ubas at gulay dito sa mansion ang lahat ng tauhan niya. Puwedeng kumuha ang lahat at punuin ang isang basket ng gulay at prutas na gusto namin. Puwede namin itong iuwi sa mga pamilya namin" Paliwanag ni Aling Lilian.

Wow. Hindi ko akalain na may ganito palang event dito sa mansion. Napangiti naman ako. Mukhang masaya 'yon. Puwede akong mag-uwi ng gulau at ubas kay papa. Hindi ko akalain na may ganutong pa-event si Ryoushin. Sa kabaitan niya iisipin kong anghel talaga siya at hindi demonyo.

"Ilang beses na po itong ginagawa ni Ryou--Master Ryou?" Tanong ko.

"Naku, matagal na, ineng. Isang beses sa isang taon niya kami binibigyan ng pagkakataon para makaani at makakuha ng mga nakatanim dito sa hacienda at libre lang iyon" Sagot naman ni Mang Ernesto.

"Ang bait talaga ni Master Ryou" Wika ni Edward.

"Tapos binibigyan niya rin kami ng day off every sunday. Kaya lang kami na mismo ang hindi umaalis lalo na at may kubo naman rito na puwede naming tirhan"

"Oo, tama si Edward. Kompleto pa sa mga gamit at lahat puwede nating gamitin" Pagsang-ayon naman ni Mang Karding rito. "Saka hindi lang iyon, hindi niya pinapabayaan ang mga tauhan niya dito sa hacienda"

"May pagka-strikto lang talaga siya pero mabait naman ang batang iyon basta susundin lang ang mga patakaran rito sa mansion at hacienda" Wika naman ni Aling Lilian.

Nakikinig lang ako sa kanilang mabuti. Habang nagkukuwento sila ay nakikita ko sa mga mukha nila na totoo lahat ng mga iyon. Ramdam ko rin na sobra silang nagpapasalamat kay Ryoushin sa mga bagay na ibinibigay nito sa kanilang lahat. Kung iisipin ko ay sobra-sobra pa nga itong mga binibigay niya sa kanilang lahat.

Nang makapagpahinga kami ay inaya nila ako sa Rancho para tingnan ang mga kabayo. Pero bago muna iyon ay pinapabalik nila ako sa mansion pero ako ang humindi dahil naiinis pa rin ako hanggang ngayon. Sa tingin ko naman ay nag-eenjoy si Ryoushin sa paghaharot ng babaeng 'yon. Edi magsama sila!

"Amara, ayos ka lang?" Tanong sa akin ni Timothy kaya napatingin ako sa kanila.

"O-Oo. Ayos lang" Agarang sagot ko sa kaniya.

Fated To Be The Demon's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon