CHAPTER LXII

1K 16 4
                                    

**

In fairytale, the prince always saves his princess, but tonight, the princess will save her prince.

Magkasama kaming nagtungo nina Miss Pen, Lorenzo, at Aerith sa mansion gamit ang isang lagusan. Samantala naiwan naman si Sharvani sa Batangas upang ayusin ang mga naiwang gulo roon.

Nang makalabas kami sa lagusan ay narito na kami sa tahimik na front yard ng mansion.

Nagtaka ako ng mapansing madilim ang buong mansion at tila wala ring katao-tao Napahawak ako sa braso ni Miss Pen habang napapalinga sa buong paligid at binabagkas ang daan patungo sa front door.

"Miss Pen, bakit po parang walang tao rito ngayon? Hindi ba't bumalik na sila rito sa mansion?"

"We put them under a spell, that put them into a deep sleep" Paliwanag naman sa akin ni Lorenzo.

Kaya pala walang katao-tao ngayon rito sa mansion. Nakakapanibago.

Nang tuluyan naming mapasok ang mansion ay dumiretso kami sa loob ng art studio. Nakasindi pa rin ang lahat ng kandila rito sa loob kaya't ligtas pa rin ang mga kasambahay rito. Inutusan kami ni Miss Pen na umupo sa sahig ng nakapabilog at magkahawak kamay.

Ipinag-krus namin ang aming mga paa. Si Miss Pen ay umupo sa gitna namin at ipinag-krus rin ang mga paa.

"Ipikit niyo ang inyong mga mata" Utos niya na sinunod naman naming lahat "Sa ritual na ito ay magbabalat-kayo kayo bilang mga demon" Napamulat ako sa sinabi ni Miss Pen. Hindi ko maiwasang magalak sa kaniyang sinabi.

"May powers din po ba ako pagkatapos nito?" Nakangiting tanong ko. Napaismid naman siya bago umiling.

"Wala. Magkakaroon lang kayo ng amoy bilang isang demon pero hindi ka magkakaroom ng kapangyarihan" Dismayado akong napanguso sa kaniyang sinabi. Akala ko pa naman ay magiging katulad rin nila ako na maglalabas ng liwanag sa kamay. "Ipikit mo na nga lang ang iyong mga mata, Amara. Huwag ka ng magtanong ng kung---"

Itinaas ko naman ang kamay ko kaya napatigil siya sa pagsasalita. Napangiti ako ng hilaw. "Pero paano po kapag malaman nila na hindi pala talaga ako demon tapos sinugod po nila ako, anong panlaban ko sa kanila?"

Napa-poker face naman si Miss Pen, mukhang mauubos ang pasensiya niya sa akin. "Marami ka namang alam na kalokohan, gamitin mo na lamang iyon at huwag ka ng magtanong pa dahil wala na tayong oras"

Naitikom ko ang aking bibig dahil mukhang ubos na ang kaniyang pasensiya. Ipinikit ko na lamang ang aking mata saka hinintay ang kaniyang sunod na gagawin. May inusal siyang mga salitang hindi ko maunawan, naramdaman ko na lamang ang pagdapyo ng malamig na hangin sa aking balat. Tinangay pa ang buhok ko dahil sa lakas nito.

Unti-unti kong naramdaman ang pag-init ng katawan ko sa di malamang na dahilan at bigla akong nauhaw. Ganitong-ganito ang naramdaman ko noong mga panahon na nilagnat ako..

Napangiwi na lang ako at pilit pinipikit ang mga mata kahit gusto kong dumilat at humingi ng tubig. Ilang sandali pa ay tumigil si Miss Pen sa pag-usal ng dasal at nawala rin ang pagdapyo ng hangin.

"Imulat na ninyo ang inyong mga mata" Utos nito kaya agaran ko namang sinunod. Napanganga ako ng mapansing naging kulay puti ang aking kulot na buhok, humaba rin ang kuko ko, at nakasuot na ako ng pinaghalong itim saka pulang dress na hapit sa aking katawan.

Hindi ako sanay dahil lumalabas ang aking cleavage. Pinagmasdan ko silang lahat at nagbago rin ang kanilang anyo at kasuotan. Tumayo naman si Miss Pen saka tumikhim.

"Kailangan na nating umalis" Seryosong saad nito kaya nagsitayo na kami. "Tutungo na tayo ngayon sa ikatlong palapag ng bahay"

Simunod namin ang kaniyang sinabi. Habang paakyat kami sa itaas ay hindi ko maiwasang kabahan at ma-excite. Halo-halo ang emosyon na nararamdaman ko ngayon.

Fated To Be The Demon's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon