CHAPTER LXVII

985 24 1
                                    

***

Nang makababa kami sa ground floor ng mansion ay nabungaran ko sa bintana ng living room ang pinagsamang dilaw at kahel na kalangitan dahil sa papasikat na araw. Wala pa ring tao rito dahil mukhang hindi pa sila nakakaahon mula sa malalim na pagkakatulog.

Nang marating namin ang sala ay kusang bumalik sa normal sina Miss Pen, Lorenzo at Aerith. They looked at us, particularly at me. I immediately wiped my tears away.

"Ryou, we should go to the temple. You should be there before your bride" Lorenzo said, and take a glance at me. He swallowed, and I saw in his eyes the sumpathy.

Ryoushin's grip in my hand tightened. "Can you spare us a moment, Lorenzo?" Seryosong saad nito. Napatingin naman si Lorenzo sa kaniyang wristwatch saka tumingin sa amin. He nodded.

Bumaling naman sa akin si Ryoushin. He is still in his Nephalem state right now. Wala namang imik na lumisan sina Miss Pen at Aerith, patungo sila sa ikalawang palapag ng bahay. Si Lorenzo naman ay lumabas muna ng mansion.

Marahan naman akong hinila ni Ryoushin patungo sa sofa. Umupo kaming dalawa saka niya hinawakan ang dalawang kamay ko. Hindi ako makatingin sa kaniya ngayon dahil baka tumulo ang aking luha, nasa sahig lamang ang aking paningin.

"Amara..." He called me but I did not bothered to look at him. He squeezed my hand gently before pulling me into a warm and comfortable hug. "I missed you so damn much, Baby" He whispered sweetly. He caressed my back, and in an instant my tears automatically fall.

Napahikbi ako sa kaniyang mga bisig kaya't hinawakan niya ang aking pisngi saka pilit pinatingala sa kaniya.

"Why are you crying? I'm already safe, and I'm so proud of you for saving me from the hands of those asshòle" May kahinaang saad niya saka pinisil ng marahan ang aking ilong.

"R-Ryou...." Tawag ko sa kaniya. Iyan lang ang tanging nasasambit ko ngayon dahil hindi ako makapagsalita.

"Shh...it's okay. I know you're very scared earlier.. I'm so sorry" Niyakap niya akong muli. Napahagulhol ako. Hindi naman kasi iyon ang iniiyak ko ngayon. "Actually, you're scary earlier, Baby. I never thought that you would be that powerful" Hindi makapaniwalang saad nito.

Hindi pa rin ako nagsalita. My mind is occupued with thoughts. I was so determined to make this wedding happened but I think, I can't make it. Pilit niyang inalis ang aking kamay sa kaniyang braso kahit ayaw ko pa rin siyang bitawan. He cupped my face. I looked up at him, while my eyes are full of tears.

"B-Baby, stop crying..." Saad niya at nangungusap ang mga mata.

"H-Hindi ko yata k-kaya, Ryou" Nanghihinang saad ko habang nakatitig sa mga mata nito. He wiped my tears away using the back of his palm.

Hindi naman siya kaagad nakapagsalita. Napalunok ito bago umiwas ng tingin.

"W-We...talked..." He cleared his throat, and swallowed. "We talked about this already. Babalik naman ako"

Sunod-sunod akong napailing habang ang mga luha ko ay walang humpay sa pag-agos mula sa aking mga mata ko.

"P-Pero k-kailan ka babalik?"

Naibaling niya ang tingin sa sahig saka siya napausal ng mahinang mura. He bit his lower lip and I saw his tears drop on the white sofa. Yumugyog ang kaniyang balikat pero walang tinig na lumalabas sa kaniyang bibig. Sunod-sunod lamang ang kaniyang mga luha na pumapatak katulad ko.

Wala akong nagawa kung hindi ang yakapin siyang muli. Hindi ko alam kung bakit hindi kaagad ito nakasagot sa akin. Babalik ba talaga siya? Kung babalik siya kailan?

Fated To Be The Demon's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon