CHAPTER VIII

1.8K 32 4
                                    

***

"You are not permitted to enter his room again, Amelia. Bilang parusa ay hindi ka makakatanggap ng suweldo sa petsa kinse. Magpasalamat ka na lang at hindi ka niya tinggal sa trabaho"

Paulit-ulit na naglalaro sa isipan ko ang sinabi ni Miss Pen kahit ilang oras na ang lumipas.

After ng nangyari kanina ay tinawagan niya ay pinalabas niya ako ng aking kuwarto at tinawagan si Miss Pen.

Pinagalitan ako ni Miss Pen at hindi na pinalabas ng kuwarto hanggang sa dumating ang mananahi. Hanggang sa makuha ko na 'yong uniform ko ay mas pinili ko na lang na mamalagi sa kuwarto ko dahil nahihiya akong lumabas.

Mabilis kasi nilang malaman ang nangyayari dito sa loob ng mansion.

Oras ng hapunan kanina at pinilit kong lumabas. Hindi naman nila ako tinanong at kinausap tungkol sa nangyari pero napapansin ko ang panaka-naka nilang tingin sa akin. Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam rin ako kaagad kay Miss Pen na babalik sa kuwarto ko hanggang sa abutan na nga ako ng gabi na nasa loob pa rin ng aking kuwarto at nakahiga sa kama habang nakatitig sa ceiling.

Hindi ko sinabi ang tunay na dahilan kanina kay Miss Pen kung bakit galit na galit sa akin kanina si Ryoushin. Akala niya ay nabasag ko lang na mangkok at plato ang kasalanan ko pero ang hindi niya alam, nahubaran ko si Ryoushin.

Kinuha ko ang unan saka niyakap ito at nagpagulong-gulong sa kama. Sinipa-sipa ko rin ang hangin dahil sa inis. Bumabalik na naman kasi sa ala-ala ko 'yong itsura ng puwet niya.

Maumbok 'yon na maputi saka makinis. Nahahalata pa rin kahit natatabunan ng gray na calvin klein niyang brief.

Natutop ko ang aking labi dahil sa aking iniisip.

"Amara! Tigilan mo na 'yan!" Sinampal-sampal ko ang aking sarili saka itinakip ang unan sa mukha at doon nagsisisigaw.

Nang mapagod ay tumihaya ako saka napatitig ulit sa ceiling. Naibaling ko ang tingin sa cellphone ni Lorenzo ng tumunog ito. Kaagad ko itong kinuha saka umupo. Tumatawag siya. Tumikhim muna ako bago sagutin ang tawag.

"Hello?"

[Amelia, I'm glad you answered your phone] Agarang bungad niya na akala mo ay nakahinga ng maluwag.

"Pasensiya na. Busy lang talaga kasi ako sa trabaho" Pagdadahilan ko kahit ang totoo ay iniiwasan ko talaga siyang makausap.

[So, how's your work?]

Ayon, muntikan na akong matanggal. Ipinilig ko ang ulo ko.

"A-Ayos naman. Nagagawa ko naman ng maayos" Tumawa ako at pinilit kong hindi ito magmukhang peke. Dito naman ako magaling e sa pagpepeke kaya yakang-yaka na.

[That's good. Ikaw, kumusta ka?]

"A-Ayos naman ako" Sagot ko. Hindi kaagad siya nagsalita.

[By the way, ibaba ko na 'to. Tumawag lang ako para kumustahin ka]

"O-Okay. Salamat. Bye"

Nang marinig ko ang dial tone ay inalis ko na sa aking tainga ang cellphone at ibinalik ito sa mesa. Napabuntong hininga ako saka napatingin sa wall clock. Alas nueve na ng gabi. Ang naalala ko ay alas diyes ang curfew rito.

May isang oras pa naman ako para lumabas. Nauuhaw kasi ako e. Gusto kong uminom ng tubig. Paglabas ko ng kuwarto ay wala akong nakita na ni isang tao sa corridor. Dere-deretso kong tinungo ang hall patungo sa fridge.

Nang makarating doon ay wala rin akong nabungaran na kahit isang tao. Baka sa Lounge or Kitchen sila. Ewan ko lang dahil may kaniya-kaniya rin naman silang trabaho. Kumuha ako ng bottled water sa fridge at binuksan ito saka ininom.

Fated To Be The Demon's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon