CHAPTER XX

1.7K 39 4
                                    

***

Iniwas ko ang tingin ko dahil madilim na naman ang mukha nito. He's pissed. Tsk.

Hindi pa rin matanggap ng isipan ko ang sinasabi niya sa akin ngayon. Sino ba naman ang matinong tao na maniniwala sa ganitong kuwento?

"How did you get inside my room?" Seryosong tanong ko rito.

"I teleported"

"Ryoushin, ano ba?" Inis kong sabi rito.

"What? I'm telling the truth. And will you stop calling me by my name? I am still older than you" Iritable nitong saad kaya napatingin ako sa kaniya.

"A talaga ba? Kasing tanda ka ba ng tatay ko ha?" Sarkastikong tanong ko rito. He stood up and walk towards me, closing the spaces between us. Gustuhin ko mang umatras ay huli na ang lahat.

Tumigil siya mismo sa harapan ko saka yumuko at pinantay ang tingin naming dalawa. His dark eyebrows snapped together. His lips thinned in irritation. Bugnutin talaga ang lalaking 'to kahit kailan.

"I'm older than you think, Amara"

Tinaasan ko siya ng kilay. Hindi ako nagbawi ng tingin kahit dumadagundong na 'yong puso ko sa kaba.

"Tatawagin na ba kitang Uncle Ryoushin?"

He raised his eyebrows. "Stop it"

"Lolo Ryoushin?" Mapang-asar kong tanong rito. Mas lalong sumama ang timpla ng kaniyang mukha. Hindi ko mapigilang mapahagikhik.

"I'm serious" Inalis ko sa aking mukha ang ngisi at pinilit kong maging seryoso ang aking ekspresiyon.

Hindi ko alam pero hindi ko talaga mapigilang asarin siya kahit alam ko naman na hindi basta-bastang tao ang kaharap ko ngayon.

"How am I supposed to address you, then?" Seryoso kong tanong rito.

Tumaas ang sulok ng kaniyang labi. Gusto kong gamitin ang kamao ko para burahin ang ngisi sa labi niya. Mukhang may kalokohan na naman itong naiisip.

"Call me Master, Amara" Mariing utos nito. Gusto kong umirap dahil sa sinabi niya. "You're still my maid so address me that way"

"Fine!" Iritable kong sabi. Napabaling ako sa labi niya dahil sobrang lapit nito. Tinulak ko naman siya palayo.

"Napakalandi. Puwede namang sabihin ng malayo ilalapit pa talga ang mukha" Bulong ko na mukhang hindi niya naman narinig.

Umupo ito ulit sa upuan at ipinag-cross ang paa.

"You need to go back. It's not safe for you to be alone in this rustic place"

"Bakt? Magiging safe ba ako kapag nandoon sa mansion mo? Kahit doon may mga anino pa rin"

Hindi kaagad ito nakasagot. Binasa nito ang labi gamit ang kaniyang dila bago salubungin ang mga tingin ko.

"As long as you're on my watch, you'll be safe"

Hindi ko alam kung sincere ba iyon o hindi. Ayoko namang binabantayan ako na parang bata. I can't trust him either. Umayos ako ng upo saka ipinagsalikop ang mga daliri ko. A firm 'no' escape from my mouth.

"Hindi ako aalis dito at hindi ako babalik sa mansion mo" I added.

He groaned.

"Napakatigas ng ulo" Rinig kong puna nito saka tumayo at nilapitan ako. Mabilis akong tumayo paalis sa kama. He was now standing at the other side of the bed.

Fated To Be The Demon's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon