CHAPTER XI

1.7K 34 0
                                    

***

I heared a muffled sound coming from somewhere kaya sinikap kong buksan ang mga mata ko kahit inaantok ako ng sobra. Napangiwi ako kasi pakiramdam ko ay binugbog 'yong katawan ko sa sobrang sakit ng mga kalamnan ko.

Marahan akong umupo sa kama saka hinahanap ng mata 'yong pinanggalingan ng tunog. Telepono pala. Teka, anong oras na ba? Napabling ako sa wall clock at namulagat ang mga mata ko ng makitang alas siete na ng umaga.

Sinagot ko nalang 'yong tawag na alam kong si Miss Pen. Ihahanda ko na naman ang tainga ko sa galit nitong boses.

"Hello po?" Matamlay kong wika pagkasagot ko ng tawag. Pakiramdam ko kasi talaga may sakit ako ngayong araw.

[Anong oras na, Amelia? Bakit wala ka pa rin dito? Kanina pa ako naghihintay sa 'yo dahil maglilinis ka ng living room]

Napangiwi ako sa sunod-sunod niyang tanong sa akin. Kinusot ko ang mata ko.

"Pasensiya na po. Papunta na po ako diyan" Matamlay ko pa ring sagot at ibinaba ang tawag.

Tumayo ako saka uminat-inat kahit ang totoo ay parang gusto ko ulit bumalik sa higaan. Binuksan ko ang kurtina pati na rin ang bintana. Pinatay ko 'yong electricfan kasi nilalamig ako. Ano ba 'yan, ang sakit talaga ng kalamnan ko.

Nag-half bath lang ako. Ayokong maligo dahil nilalamig ako ngayon. Sinuot ko 'yong uniform kahit ayoko sa palda nito kasi maikli. I quivered when I feel a sudden brush of air on my skin coming from the open window.

Ipinusod ko ng buo ang buhok ko at nag-toothbrush. Palabas na dapat ako ng silid pero nasagi ng paningin ko ang bottled water na kalahati na lang ang laman at plastic clumshell container na wala ng laman ang isa samantalang nangangalahati naman ang mascarpone brownies.

"Ah....about his daughter? You're right. I should be thankful that she vanished into thin air before our wedding"


Natigilan ako ng maalala ang sinabi ni Ryoushin. Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa nalaman ko. Ang akala ko talaga ay si Lorenzo ang ipapakasal sa akin pero si Ryoushin pala iyon.

Namali ako ng akala at ngayon mas naging komplikado tuloy ang lahat. Napatingin ako sa orasan at malapit ng mag-alas otso. Siguradong umuusok na ang ilong ni Miss Pen ngayon.

Ang purpose ko naman talaga ay makatakas sa kasal kaya umalis ako ng bahay pero heto ako ngayon at napunta mismo sa bahay ng taong dapat ay papakasalan ko. Pinaglalaruan yata ako ng tadhana.

Dapat ay makaalis ako dito at sisimulan ko ang plano ko ngayong araw. Medyo nahilo ako kaya napahawak ako sa aking ulo. Nang maging okay na 'yong pakiramdam ko ay lumabas ako ng silid.

Sakto namang lumabas si Ate Norma ng kuwarto niya at nakita ako. Bitbit nito ang isang walis tambo at mop. Tumaas ang kilay nito at may nang-uuyam na ngisi sa kaniyang labi.

"Wow, ang aga mo namang nagising?" Sarkastikong tanong niya saka hinarangan ang dinadaanan ko. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Masama kasi 'yong pakiramdam ko, Ate Norma"

"Talaga ba? Okay ka naman kahapon. Ang sabihin mo nag-iinarte ka lang para hindi mo magawa 'yong trabaho mo"

Pinipikon niya yata ako. Napabuntong-hininga ako saka ngumiti ng peke. Mas matanda siya sa akin at ayoko siyang patulan dahil baka ako pa ang mas maging masama dito.

"Masama nga ang pakiramdam ko. Puwedeng padaanin mo ako dahil kailangan ako ni Miss Pen" Nilagpasan ko ito at nasagi pa ang balikat niya.

"Ilang beses ka ng pinagbigyan ni Master Ryou dahil kay Miss Pen. Mahiya ka naman sa mga kapalpakan mo dahil pinapahamak mo siya. Akala mo kung sino por que kilala ka ni Sir Lorenzo"

Fated To Be The Demon's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon