PROLOGUE

18.6K 505 25
                                    

'The End'

Malawak ang ngiti kong isinara ang isang luma pero maayos na cellphone. Hindi mo na masa-basa ang brand nito sa sobrang kalumaan at buong ingat ko itong ginamit sa loob ng maging limang taon.

Limang taon mula noong pumasok ulit ako dito.

Napatingin naman ako sa cover page ng storying binabasa ko at matapos mabasa ang lahat hanggang ending, hindi ko napigilan ang maglabas ng ilang tili dahil sa nagging ending ng storying kinaaadikan ko.

Expected na naman ang ending na magiging masaya ang lahat pero hindi ko naman akalain na magiging ending ni Ciana ang Triplets with other triplets na pinagbubuntis ni Cianna matapos nilang ikasal.

Sa loob ng isang taon, tahimik ko ring sinubay-bayan ang kwento nina Cianna at ng Triplets Alejo. Sinubaybayan ko lahat hanggang sa marating nila ang ending na meron sila ngayon.

Nabasa ko kung paano nagging tama ang lahat, kung paano nila natanggap lahat ng pagkakamali at mga hindi masasayang pangyayari.

Kung sa totoo lang, hindi naman sa sobrang haba ng kwento na kinailangan pang abutin ng isang taon para matapos pero talagang tamad lang mag-update si Author kaya inabot ng isang taon.

Hindi pa rin ako makapaniwala matapos lahat ng pag-iyak, pagtawa at panggigigil ko, natapos din kahit nakakabitin. Hanggang dito nalang yung kwento pero habang buhay silang mananatili sa ala-ala ko.

Habang masaya ako bigla ko nalang narealize na parang may tumutulo sa ilong ko at hindi na ko nadulat ng makitang dugo pala ang nalabas sa ilong ko. Kasabay noon ang pagdating ng mga naaaligagang mga Doctor pati ang mga Nurse na may dala dalang kung ano ano.

Unti unting nawala ang masayang ngiti sa mga labi ko at hindi naiwasang mapatingin sa bintana ng kwarto kung saan ay kitang-kita ko ang kalahating buwan na nagniningning sa gitna ng kadiliman at pinaliligiran ng mga bituin.

Alam kong mangyayari ito, alam kong darating ang lahat sa puntong ito. Tanggap ko na naman eh pero hindi sila sumusuko at pilit na iniisip na magiging okay pa din ako, na magiging ayos din ang lahat.

Sila lang ang hindi pa rin makatanggap na darating talaga yung point na matatapos ang lahat pero hindi nga lang happy ending para sa kanila, hindi happy ending para sa mga taong maiiwan ko, kung may maiiwan pa ba ako.

Pero para sa akin, isang happy ending at isang magandang regalo na bago matapos ang paghinga ko sa mundong ibabaw ay ibinigay sa akin ni Author ang ending ng librong 'The Angel of Alejo's'.

What Went Wrong?🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon