Chapter 21

6.1K 338 33
                                    

Mga nagkalat na pagkain, sirang mga plato at baso, mga nakakalat na kutsara at tinidor, maging ang lamesa ay nakataob habang ang nasa harap noon ay isang babaeng nakasuot ng waiter attire at basang basa ng juice habang pinapagalitan ng isang matandang babae na mukhang isa sa mga bisita.

‘What the hell happened?’

Natigil ang musika at natahimik ang paligid, ang tanging maririnig mo lang ay ang mga salita ng matanda kay Cianna.

‘How did she get here?’

“ You stupid! Bulag ka ba?! Didn't you see me?! Idoit! ” Saad ng matanda at halata namnag takot si Cianna dahil nanginginig na siya at basang basa siya.

“ B-bigla po k-kasi kayong tumayo. ” Saad ni Cianna at nagulat ako ng bigla siyang sampalin ng matanda.

“ Slut! Talagang sumasagot ka pa! Where’s your manager?! ” Saad ng matanda at nagulat ako ng lumuhod si Cianna.

“ P-please po. K-kailangan k-ko po ng t-trabaho… ” Pagmamakaawa ni Cianna habang umiiyak.

Waalang pagdadalawang isip akong tumayo at rinig ko namang tinawag ako nina Camden pero hindi ko kayang walang gawin habang ang isa sa mga paborito kong karakter ay nasa harapan ko at umiiyak.

Lumapit ako at hinawakan ang dalawang braso ni Cianna.

Gulat naman siyang napatingin sa akin maging ang matandang kanina pa ngawa ng ngawa.

“ Y-you! ” Saad ng matanda ngunit natigil iyon ng tignan ko siya at ngitian.

“ We must not ruin the party right? We can settle everything without using violence. ” Saad ko at tinignan si Cianna na umiiyak pa din pero nakatingin siya sa akin kaya nginitian ko siya.

“ Don’t worry, I got you. ” Bulong ko sa kanya.
“ Who are you?! ” Saad ng matanda kaya naman napatingin ako sa kanya pero may malapad na likod na humarang.

“ Camden? ” Tawag ko at napatingin sa dalawang gilid namin ng sumulpot sina Carson at Chandler.

“ Mrs. Abele. ” Saad ni Camden at kita ko namang umamo ang itsura noong matanda.

“ Mr. Alejo, it’s nice to see you here. ” Saad ng matanda.

“ Sorry for interfering but this is our people so we’re part of this also. ” Saad ni Camden at kita ko namang nagulat ang matanda at nagsimula na ang bulungan sa paligid namin.

“ W-what’s happening here? I’m the manager. ” Biglang saad ng lalaking bagong dating.

“ Your worker is not doing her job properly. ” Saad ng matanda at itinuro si Cianna.

“ Sorry Ma’am don’t worry I’ll fire her. ” Saad ng lalaki at akmang aangal si Cianna ng tignan siya ng masama ng lalaki, hindi namna ito nakaligtas sa paningin ko.

“ Excuse me, I believe there is another solution than firing her right? ” Saad ko at napatingin naman sa akin ang lalaki.

“ Excuse me Ma’am but I’m only doing my job. ” Saad ng lalaki na nakapagpataas ng kilay ko.

“ But I thought being Manager will guide his workers not to fire them when they did something that is purely an accident. ” Saad ko at kita ko namang magsasalita pa siya ng magsalita si Carson.

“ Fire her and I will fire you. ” Saad nito na ikinagulat ng Manager at para bang nagtatanong kung sino ang kausap niya.

“ Ohhh… I didn’t expect that not everybody knows Triplets Alejo. ” Saad ko at nagrehistro ang gulat sa mga mata ng lalaki at maging ang katabi kong si Cianna ay nanginig.

‘Hmmm…’

Kasalukuyan kong pinagmamasdan si Cianna habang nanginginig na nagpupunas ng damit.

Dumating si Aunt Lilith kanina at maging ang isa sa mga may kontrol sa Hotel. Inayos ang kaguluhan ngunit may iilan ilan pa ding nagbubulungan.

Ang matandang babae kanina ay umuwi na dahil siguro sa hiya lalo na at kinakampihan ko si Cianna kaya naman kinakampihan din siya ng mga Triplets at ni Aunt Lilith.

Pinagmasdan kong mabuti si Cianna at lalong nagdesisyon na wag na wag magtitiwala sa nabasa ko sa libro dahil para bang ibang Cianna ang nasa harapan ko ngayon.

Ang sabi sa libro ay normal at simple lang si Cianna ngunit napansin kong nakalat na ang make up niya dahil na din sa pag iyak at hindi rin maayos na nakasarado ang mga butones niya.

At bakit sa halip na takot ang makikita sa mga mata niya ay nagniningning ito at parang sabik na sabik na may makuha tuwing tumitingin siya sa Triplets?

What Went Wrong?🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon