“ Haley… ”
Nasa harapan ang isang babaeng may kulay itim na buhok, maputi at makinis na balat, may berdeng mga mata at ang mga matang iyon ay nakatutok sa direksyon namin.
‘Bakit siya nandito?! Hindi ba’t mauunang dumating si Cianna bago siya?!’
“ Drea… Drea… ”
“ Huh? ” Napalingon naman ako kay Camden na nag-aalalang nakatingin sa akin.
“ Are you okay? ” Tanong niya na ikinatango ko nalang at muling napatingin kay Haley.
“ Everyone! Please listen! We have a new student. ” Saad ng teacher na ikinatingin namna ng lahat at nakarinig ako ng mga singhapan ng makita nila si Haley at napatingin ako sa kabilang mesa ng makarinig ng tilian.
“ Oh my god!! Miss Haley?! Ikaw nga!! ” Saad ng babae at kitang kita naming lahat ang excitement sa mukha niya.
“ Hindi niyo ba siya nakikilala?! Siya si Lady Hariah Leyan Margaret Nicolesh, the second Lady of Nicolesh Dukedom of Persua Country! She’s also a model named Haley! ” Saad nito na ikinatili din ng mga babae sa grupo niya at sabay sabay itong tumayo para mag bigay galang kay Haley.
Bakit ko nga ba nakalimutan na isa ding model si Haley kay maraming nakakakilala sa kanya lalo na at isa siyang noble bilang ikalawang anak ni Duke Nicolesh.
Gumaya naman ang iba naming kaklase at nagbigay galang kay Haley pero ang mga mata niya ay nakatutok sa direksyon namin o sabihin na nating, nakatutok sa mga mata ko at kitang kita ko ang galit doon.
Teka bakit ba parang pumalit ako sa posisyon ni Cianna?!
“ What are you looking at? ” Biglang tanong ni Carson na nakatayo na pala sa likod ko.
“ Nothing, I just find her beautiful. ” Saad niya at ngumiti ng matamis.
‘Hindi naman masyadong plastik ano?’
“Ehem, as I said Miss Haley will be your new classmate. ” Saad ng teacher namin at nginitian si Haley.
“ Please take care of me and please just call me Haley. ” Saad niya at ngumiti sa buong klase pero nang muling magtama ang mga mata namin ay dumilim iyon saglit bago bumalik sa dati.
Break time na ngunit wala pa rin ako sa tamang sarili lalo na pag naaalala ko si Haley. Ibig bang sabihin ay darating na din si Brentt?
“ Hey you’re not okay, are you? ” Biglang tanong ni Chandler sa akin at inabutan ako ng sandwich.
“ I’m okay just thinking about something. ” Saad ko at nginitian siya ngunit nawala din iyon ng makita ko kung sino ang nasa likuran niya.
Haley
“ A-ahm H-Hi? C-can I sit with you guys? ” Tanong nito at napatingin naman ang lahat sa kanya miski ang ibang mga estudyante ay nakatingin din.
“ Who are you? ” Biglang tanong ni Joshua at nakita kong may ilang nagpipigil ng tawa dahil sa tanong na iyon.
Nakalimutan kong wala pala sila kanina nang ipakilala si Haley sa buong klase. Kita ko naman ang pagbabago ng emosyon ni Haley ngunit agad din naman iyong nawala.
“ Ahm I’m Haley and I’m your new classmate. ” Sagot ni Haley.
“ Okay. ” Sagot ni Joshua at bumalik sa pagkain.
“ Can I sit with you? ” Muling tanong ni Haley.
“ Who are you? ” Muling tanong ni Joshua at hindi na naitago ang ekpresyon ni Haley.
“ I’m Hale— ”
“ No. What I mean is who are you to sit with us? ” Tanong ni Joshua at natahimik ang buong paligid.
“ Yeah. You’re just a transferee but you have the audacity to ask us if you can sit with us. ” Dagdag naman ni Lucas.
“ I-I just want to be friends with you. ” Sagot ni Haley at para bang maiiyak na siya.
“ But guess what, we don’t wanna be friends of you. ” Saad naman ni Kenley at nginitian niya si Haley ng matamis.
Burn…
BINABASA MO ANG
What Went Wrong?🌟
FantasyI was just an audience that was watching my favorite characters fall in love and have their happy and beautiful lifetime ending. But... How is this... " We love you Cianna. " To this... " You're the one we love, Amara. " The fuck?! -Slow Updates