Masama kong tinignan ang lalaking nasa harap ko na abalang kumakain ng spaghetti habang ako naman ay kumakain lang ng Fries.
Kanina ay nasa may Clinic kami nang bigla nalang tumunog ang tiyan niya, ibig sabihin ay gutom na siya kaya naman dito ko siya dinala, sa Jollibee.
At ngayon nga ay kailangan kong umabsent para samahan siya lalo na at mukhang wala siyang pera o kahit ano.
Hinintay ko lang siyang ubusin ang tatlong plato ng spaghetti bago siya simulang kausapin.
“ You are? ” Tanong ko matapos niyang uminom ng tubig.
“ Greg. ” Tipid na sagot niya na nakapagpataas ng kilay ko ngunit pinagsawalang bahala ko na iyon.
“ How? ” Maikling tanong ko din at napatingin na siya sa akin ng maayos.
“ I came here to give you some advice. ” Saad niya at pinagmasdan akong mabuti.
“ And what is it? ”
“ Leave them alone. ” Saad niya na ikinagulat ko kasabay ang kaba na umusbong sa puso ko.
“ W-what do you mean? ” Tanong ko at pinilit na maging matatag.
“ I’ll be frank, ginugulo mo ang takbo ng storya kaya habang may pagkakataon ka pa, iwanan mo na sila. You shouldn’t be here in the first place. ” Saad niya at tuluyan ng nasira ang maskarang suot suot ko.
“ I know that you’re not part of this world because we came from the same world but unlike you, I willingly came here to tell you that my sister was the author of this book and her role was Marriane. ” Patuloy niya.
“ What? Marriane? ”
“ She’s the author of this book and everything becomes a mess after the triplets fall in love with you and she’s planning to erase you and she has the power to do so. ” Saad niya pa ngunit para bang hindi ko naiintindihan lahat ng mga sinasabi niya.
Hindi pa din pumapasok sa isip ko ang lahat ng nangyari pero maayos pa naman akong nakakapag isip at dahil kagaya ko siya na galing sa mundo namin ay sagot ko siya lalo na kung wala naman siyang kahit ano dito sa mundo na ito.
Hindi naman siya tumanggi at mukha pang pinapamukha na responsibilidad ko siya.
Binigay ko sa kanya ang isang normal card ko at may laman iyon na sampung milyon, ikinuha ko na din siya ng condo unit at lahat ng kailangan niya ay ibinigay ko na din pero makukuha naman niya lahat ng iyon kung ibebenta niya ang sarili niya… Hehe…
Hindi maipagkakailang gwapo siya at kahit na seryoso at medyo malamig ay habulin na din ng mga babae lalo na at hapit na hapit sa kaniya ang unang t-shirt na binili namin, kitang kita mo ang napakaganda niyang katawan pero mamamatay ka naman sa mga titig niya sa oras na titigan mo din siya.
Hindi ako pumasok buong maghapon kaya naman maaga akong nakauwi at nagkulong na ako sa kwarto.
Marami pa akong kailangang isipin. Naglinis ako ng katawan at saka humiga sa kama, wala ako sa mood para kumain o kung ano lalo na sa mga nalaman ko.
Ayon kay Greg, kapatid niya ang author ng librong ito at sa pagdating ko ay nabago ang lahat.
Ibig bang sabihin ay nababasa ng mga tao ang nangyayari dito? Ibig bang sabihin lahat ng galaw ko ay alam ng mga readers?
At may kakayahan na bumura ng karakter ang author at ayon kay Greg, si Marriane ang karakter na kinokontrol nito para paalisin ako.
Pero bakit tila walang alam si Marriane sa mga galaw ko kung kinokontrol naman pala siya ng Author pero may pagkakataon na parang alam niya ang iniisip ko, noong may mga kalaban na sumugod sa amin noon pero baka naman nag ooverthink lang ako pero lahat ng posibilidad ay kailangang tignan.
At tungkol sa pagdating dito ni Greg, paano siya napunta dito? At sabi niya ay willing siyang pumunta dito para bigyan ako ng babala.
At ayon sa babala ni Greg, ang iwan ang tatlo katumbas ng payapang buhay ko sa loob ng libro pero noong dumating naman ako dito ay wala akong nakakaharap na kapahamakan maliban na lang sa pagsulpot ng mga kalaban ng tatlo.
Andaming butas sa kwento, kulang kulang ang detalye.
Sa ngayon hindi muna ako gagawa ng kilos dahil ayaw kong gumawa ng bagay na pagsisisihan ko din sa huli. Lahat ng desisyon ay kailangan kong pagsisihan lalo na at may dumating na problema sa akin.
Ipagpapatuloy ko ang bawat araw ko pero oobserbahan ko ang paligid ko, hindi na din masama.
Ipinikit ko nalang ang mga mata ko at hinayaang matangay ng antok ang diwa ko at pagod din ako ngayong hapon lalo na dahil kay Greg, kahit naman malamig ang emosyon niya o di kaya ay seryoso ay talagang mareklamo siyang tao, hindi bagay para sa isang lalaking gaya niya.
BINABASA MO ANG
What Went Wrong?🌟
FantasyI was just an audience that was watching my favorite characters fall in love and have their happy and beautiful lifetime ending. But... How is this... " We love you Cianna. " To this... " You're the one we love, Amara. " The fuck?! -Slow Updates