Chapter 14

7K 373 35
                                    

Tinaasan ko siya ng kilay dahil kanina pa siya nakadungaw sa bintana at wala atang balak magsalita kaya naman humakbang na ako papasok sa sasakyan at agad namang pinaandar ng Driver ang sasakyan.

Matapos ang ilang minuto ay nasa parking lot na kami kaya naman agad na akong bumaba at nagpasalamat.

Saktong pagbaba ko ay ang pagdating ng Triplets at mukhang hindi maganda ang mood nila kaya namna nilagpasan ko nalang sila at dali daling naglakad papalayo.

Pagkarating ko sa room ay bigla nalang nagsitahimikan ang lahat hanggang sa mapatingin ako sa mesa ko at napakurap kurap nalang ng makitang madaming nakalagay doon.

May mga box ng chocolate na nakalagay doon, meron ding mga bulaklak, maliit na teddy bear at paper bag na may tatak na kilalang produkto.

Nitong mga nakaraang araw ay nakakatanggap din ako pero mas marami ngayon atsaka sa locker ko nakikita yung mga regalo nila hindi ngayon na nasa lamesa ko na.

Dahan dahan naman akong umupo at tinignan ang mga ito, hindi ko alam kung anong gagawin ko dito.

Noong unang beses akong nakatanggap, sa totoo lang nataranta ako lalo na at iyon ang unang beses na nakatanggap ako ng ganito.

Lahat naman kami ay napatingin sa isang direksyon dahil parang may galit ata sa mundo yung nagbaba ng lamesa.

Napataas ang kilay ko ng makitang si Carson iyon at gaya ng dalawa siyang kapatid ay parang lalong sumama ang timpla ng mga mukha nila kesa kanina sa parking lot.

Mukha namang napansin siyang naagaw niyang lahat ang atensyon ng klase at nagtama ang mga paningin namin na siyang iniiwas din niya ng tingin.

“ There’s a mouse. ” Saad niya na nakapagpalaki ng mata ng iba at nagtitingin din sa paligid.

‘Mga uto uto’

Hindi ko na sila pinansin pa at inayos lahat hanggang sa pinagkasya ko sila sa malaking paper bag. Tumayo ako at pumunta sa locker na nasa likuran lang.

Agad naman akong napaatras ng nagsilaglagan ang mga papel na laman ng locker ko.

Muli na namang tumahimik ang paligid, pinulot ko ang mga ito at tinignan.

Napabuntong hininga nalang ako ng malamang love letter ito.

Sa totoo lang hindi ko pa tapos basahin yung ibang love letters na ibinigay din sa akin nung isang araw pero heto at may panibago na.

Naramdaman ko naman ang paglamig ng paligid at wala sa sariling napalingon sa likod ko at nagulat ako ng makitrang nakatingin sa akin ng masama ang tatlo at para banag gusto na nila akong patayin.

‘Masyadong nakamamatay’

Hindi ko nalang sila pinansin pa at kinolekta ang lahat ng letters.

May puso naman ako para balewalain ang mga letters na ito lalo na kung pinaghandaan ito ng mga manunulat.

Dahil hindi na kasya sa paper bag ay inilagay ko na ito mismo sa loob ng bag ko, buti na lamang at malaki talaga ang bag ko.

Ramdam ko pa rin ang tingin ng tatlo kaya namna tinitigan ko na sila at tinaasan ng kilay.

Aba hindi porket favorite character ko sila ay magaganyan ganyan na nila ako. Pinagkrus ko ang mga braso ko sa dibdib at hinamon sila sa titigan.

Sa huli ay sila din ang nag-iwas ng tingin kaya naman tagumpay ako napangisi kasabay noon ay ang pagdating ng grupong Keres at kita ko naman ang gulat sa mata nila ng makita ang tatlo.

Ilang araw na ba silang nagugulat? Hindi pa ba sila napapagod na magulat? Well, lahat pa rin ata ng mga estudyante nagugulat pag nakikita ang Triplets lalo na at maaga silang pumapasok.

Nakakahalata na nga ako eh pero para namang masyadong mataas ang assuming attitude ko di ba?

Nagsimula ang klase at tahimik lang akong nakikinig at hindi piansin ang panaka-nakang tingin ng tatlo ngunit hindi lang naman sila ang tumitingin kundi ang grupo ng Keres dahil para ata sa kanila ay isa pa ding hiwaga ang lahat lalo na at nakatingin sa akin ang mga leader nila.

Lumipas ang oras at uwian na. Naglalakad na ako papuntang Parking lot ng maramdaman kong may papalapit kaya naman tumigil ako at humarap sa likod.

Tama nga ako na may papalapit pero hindi ko naman akalain na ang tatlong lalaki pala ang papalapit at nasa gitna na nila si Camden na ngayon ay may hindi malaman na ekpresyon sa mukha.

“ Need anything? ” Tanong ko.

“ Mom said that you’ll come home with us. ” Saad nito at umiwas ng tingin.

“ Really? She didn't tell me anything. ” Saad ko at tinaasan sila ng kilay.

“ If you don’t want to, then don’t. ” Saad nito at naglakad papalayo, sumabay naman ang dalawa pa nitong kambal hanggang sa nawala na sila sa paningin ko.

Napailing nalang ako at nagsimula na ulit maglakad para makahabol sa kanila.

‘Masyadong matampuhin’.

What Went Wrong?🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon