Parang kahapon lang ay nakatunganga ako sa klase at inaasahan ko na ganun din ang mangyayari sa araw ko na ito pero sinong mag-aakala na kailangan kong bantayan ang lalaking ngayon ay nakahiga sa isang kama sa clinic, ayaw ko mang gawin ay kailangan dahil isa siyang misteryo at isang kabute.
Maaga akong pumasok dahil ayaw kong makasabay sa sasakyan ang kahit na sino papuntang school lalo na kung si Marriane lang din naman ay mas mabuting magtaxi nalang ako saka ang bagong sasakyan na binili ko ay darating bukas dahil pinalagyan ko na ng bullet proof.
Pagkadating ko sa school ay wala pang katao tao kaya naman nagderetso ako sa rooftop gaya ng mga nababasa kong story, tahimik at mahingin malay niyo sumulpot si Marriane di ba? Isang tulak nalang tapos na ang problema ko.
Nakaupo ako sa may upuan at nag-iisip ng mga mangyayari sa susunod na araw lalo na at matapos nang nangyari kay Marriane at kina Haley na nakapagpahiya ng lubos sa dalaga ay siguradong gagawa siya ng paraan para maibalik ang hiya kay Marriane and if it’s happen, I wonder what will be the result pero kung kakampihan ng tatlo si Marriane, I’m sure walang laban si Haley.
Because I believe, mula ng dumating ako ay hindi iyon ang Triplet’s Alejo na alam ng lahat at idagdag mo pa ang pagdating ni Marriane.
Hindi ko naman sila sinisisi if Marriane has a place in their heart especially na Marriane was their childhood sweetheart and friend, sigurado ako na malaki ang naging parte ni Marriane sa buhay ng tatlo noong bata pa sila.
I’m not blaming them ang akin lang learn to open their eyes, hindi sa lahat ng oras pwedeng magbulag bulagan. I know hindi sila tanga or manhid, dinedeny lang nila na ganoon si Marriane lalo na at mahalaga din si Marriane sa kanila at ayaw nila itong saktan pero hahamakin ba nila ang lahat para kay Marriane kahit na madaming tao ang masasaktan?
Malalim ang pag-iisip ko at napatingala sa langit pero mali ata ang ginawa kong iyon dahil isang labi ang sumalubong sa akin at sa gulat ko at buong lakas ko itong naitulak kasabay ng isang suntok at hindi na ako nagulat ng mawalan ito ng malay.
Napahawak naman ako sa noo ko kung saan lumanding ang labi niya saka siya pinagmasdan.
Nakasuot ng tuxedo ngunit madumi ito ang nakakapagtaka lang ay paano siya nakapasok dito sa loob ng school?
Lumapit naman ako at nagulat ng tumambad ang mukha nito sa akin.
Hindi ito pamilyar sa akin at sigurado akong hindi siya parte ng kwento pero saan siya nanggaling at paano siya napunta dito?
Naalala ko naman ang nangyari kanina, sa totoo lang ay kung hindi ko siya naitulak ay sa akin babagsak ang buong katawan niya na para bang galing sa…. Langit?
At napunta nga ako sa ganitong sitwasyon buti nalang at maaga pa kaya wala ding katao tao sa Clinic. Hindi ko alam kung anong meron pero may kung ano sa lalaking ito at pakiramdam ko ay kilala ko siya na hindi?
Walang mangyayari kung iisipin ko lang ng iisipin, hindi nito masasagot lahat ng tanong ko pero isa lang talaga ang tumatak sa akin.
Pakiramdam ko ay katulad ko siya at hindi nagkakamali ang pakiramdam ko lalo na at malakas ang kutob ko na galing din siya sa mundong pinanggalingan ko.
Hindi ko naman inalis ang tingin ko sa kanya dahil baka maya-maya ay magising siya at madami akong tanong na kailangan niya sagutin dahil gusto kong malaman kung saan siya nanggaling dahil sa isa siyang napaka misteryong tao.
Abala ako sa pag titig sa kanya ng bigla nalang gumalaw ang mga pilik-mata niya na ang ibig sabihin ay magigising na siya sa mahimbing niyang pagkakatulog matapos lumapat ang mapupula niyang mga labi sa noo ko.
Taimtim ko siyang tinitigan at hinintay na magbukas ang mga mata niya at nang magbukas iyon ay nag tama ang mga mata namin ngunit sa halip na pagkalito o kung ano pa man ay kaseryosohan ang bumangad sa akin na para bang alam niya na dito siya mapupunta, na para bang alam niya na dito ang bagsak niya at sigurado ako na alam niya na madami akong katanungan lalo na kung saan siya galing at paano nahulog siya mula sa langit.
" Stop staring at me young lad, tell me where did you come from? Coz I think you already know that you will end up here so you should better confess or i'll do anything else. " Saad ko at tinitigan siya ng malamig.
I need to feed my curiosity, even if it's to kill a cat like me who is a tiger.
Napabuntong hininga naman ito na yila labag pa sa kanyang kalooban ang gagawin niyang pag-amin ngunit hindi ko na lamang pinansin ang ugaling pinakita niya dahil mas mahalaga na masagot lahat ng tanong ko.
Misteryo pa din kung bakit ako nandito at kahit naman isinuko ko na ang paghahanap ng sagot kung bakit ako nandito ay hindi naman siguro masama kung magkaroon ako ng kaunting kaalaman hindi ba?
“ So? What are you waiting for? Spill it now. ” Saad ko at umupo sa gilid niya at tinitigan siya ng mariin ngunit isang buntong hininga na naman ang ibinigay niya sa akin.
Punong puno ba ng hangin ang katawan niya at ang daming hangin na ang inilalabas niya?
------🌟
Thank you for the new cover!🌟
BINABASA MO ANG
What Went Wrong?🌟
काल्पनिकI was just an audience that was watching my favorite characters fall in love and have their happy and beautiful lifetime ending. But... How is this... " We love you Cianna. " To this... " You're the one we love, Amara. " The fuck?! -Slow Updates