Nanliliit ang matang nakatingin ako sa malaking salamin at hindi mapigilang mainis tuwing nakikita ang itsura ko.
Hindi ko alam kung trip ba nila o pinaglalaruan nila ako sa ginawa nila pero hindi ko naman mapigilang amuyin ang malaking T-shirt na suot suot ko.
Matapos sabihin ni Camden na dito ako tutulog ay agad akong tumawag kang Aunt Lilith at ang tatlong lalaki ay nakapagpaalam na pala at sinabing gusto lang nila akong maka’bonding’ kaya naman wala akong magawa kundi manatili na nga lang dito.
Pumayag na ako na dito matulog pero nung tanungin ko kung nasaan ang pamalit ko ay bigla namang umaktong nakalimot ang tatlo at sinasabing uniform ko lang ang nakuha nila at wala akong pamalit.
Ngali-ngali ko na silang habulin ngunit ibinigay nila sa akin ang isang itim na T-shirt na sobrang laki at isang boxer na hindi naman makita kita dahil natatakluban ng T-shirt na suot ko.
Wag ka kayong magtaka about sa undergarments dahil lagi akong may dala dalng ganito.
Muli akong tumingin sa salamin at ikinalma ang sarili saka bumaba dahil gabi na din at dinner na namin.
Pagkababa ko ay sumalubong agad sa akin ang kakaibang amoy at napaawang ang bibig ng madatnan ang tatlong lalaki na nakasuot ng pink na aprons at malamig na nakatitig sa kawali at mukhang sunog na sunog na ang niluluto.
“ Is it natural? ” Tanong ni Chandler at akala mo ay may isang specimen siyang pinag aaralan.
“ I guess so.. ” Sagot naman ni Carson at nasa baba pa ang mga daliri na wari mo ay nag iisip ng mabuti.
“ We must adjust the fire. ” Saad ni Camden at nilakasan pa ang apoy.
Tuluyang nalaglag ang panga ko sa mga nangyari at wala sa sariling napahilot ng ulo. Mukhang gusto nilang pasabugin ang Mansion nila?
Sabagay mapera naman sila…
Naglakad ako sa lababo at nagpuno ng isang baso ng tubig saka lumapit sa niluluto nila at walang sabing binuhusan ng tubig.
Gulat na gulat naman nakatingin sa akin ang tatlo kaya naman tinignan ko sila ng matalim saka itinuro ang daan palabas ng kusina.
“ Get out. ” Saad ko.
“ What? ” Tanong ni Camden.
“ I said get out at wag na wag na kayong tatapak sa kusina. Now! ” Saad ko at tinulak sila palabas ng kusina saka isinarado ang mga pintuan.
Napakamot nalang ako sa ulo habang pinagmamasdan ang kung anong bagay na nasa kawali at napagtantong itlog iyon pero uling ata ang nagawa ng tatlong iyon.
Wala ba silang tagapagluto? Hanggang sa maalala kong hindi nga pala sila tumatanggap ng mga tao para magtrabaho sa kanila pero ibig bang sabihin puro take out ang kinakain nila?
Pumunta ako sa refrigerator at napaismer nalang ako ng makitang punong puno ng stack ang loob, madaming laman kaya naman hindi ko malaman kung matutuwa ba ako o hindi.
Napaling nalang akong kumuha ng mga ingredients saka sinimulang magluto ng pagkain.
Matapos ang ilang oras nakaluto ako ng tatlong putahe, adobo, kare-kare at sinigang. Inilagay ko na din iyon sa Dining table at hinanda na din ang iba pang kakailanganin sa mesa bago tinawag ang tatlo na nadatnan kong nasa may sala at tahimik na nagtititigan.
Nang makarating kami sa mesa ay kita ko kung paano dumaan sa mga mata nila ang pagkamangha pero agad din silang namula ng may umugong na tunog at sunod sunod pa. Napatingin naman ako sa mga tiyan nila na hawak hawak na nila bago tumawa ng mahina.
“ Let’s eat, shall we? ” Tanong ko at nauna nang umupo, sumunod naman ang tatlo pa.
Natatawa akong pinapanood sila kung paano sila dali daling kumuha ng iba’t ibang ulam at hindi malaman kung ano ang unang uulamin.
Hindi ko nalang sila pinansin pa at kumain nalang din.
Tahimik ang paligid at tanging tunog lang ng mga kutsara at plato ang maririnig sa buong kusina.
Hanggang sa lumipas ang mahigit isang oras ng matapos kami at hindi ako makapaniwala na naubos lahat ng pagkain na inihanda ko at napatingin sa tatlong lalaking nagpupunas ng kanilang mga bibig.
‘Hindi naman siguro sila tataba di ba?’
Hindi ko nalang iyon inisip pa at saka sinimulang linisin ang lamesa ng bigla akong hawakan ni Chandler sa kamay kaya naman tinitigan ko siya ng nagtatanong.
“ Let us do the dishes. ” Saad niya kaya naman napataas ang kilay ko.
“ I don’t trust you. ” Saad ko at mukhang naintindihan naman agad nilang tatlo ang ibig kong sabihin at mga namumulang umiwas ng tingin.
I mean wala akong tiwala na makakasurvive ang mga plato sa kamay nila. Pag hindi sila mabasag, baka itapon nalang silang tatlong ito. Malaki ang possibility non.
“ We have money. ” Saad ni Carson at kinuha na ang mga plato.
Whatever.
BINABASA MO ANG
What Went Wrong?🌟
FantasyI was just an audience that was watching my favorite characters fall in love and have their happy and beautiful lifetime ending. But... How is this... " We love you Cianna. " To this... " You're the one we love, Amara. " The fuck?! -Slow Updates