Chapter 52

5.2K 304 73
                                    

Ngayon ay magkakaharap kaming pito at tanging si Allia lang ang kasalukuyang gumagawa ng ingay habang lasap lasap niya ang cookies na dala dala ng katulong kanina.

Tahimik man pero nakakabingi ito lalo na at inaabangan ng mga ito ang sagot ko sa tanong na kung anak ko ba si Allia.

Ibinaba ko ang iniinom kong tsaa saka sila hinarap lalo na si Marriane na mukhang nakilala ata ang magaling niyang kapatid na ngayon ay katabi ko at may kalong kalong na batang babae.

Napatingin naman ako kay Greg ng pasimple nitong kinukuha ang atensyon ko sa pamamagitan ng pagubo kaya naman napatingin ako sa kanya at gusto kong matawa dahil may ilang butil na ng pawis ang nasa noo niya mukhang napepressure ang Gregorio niyo.

At dahil doon ay mas gusto ko siyang asarin lalo na at sa kanya nakatuon ang atensyon ng apat na kalalakihan, kumuha ako ng panyo at agad na idinampi sa noo ni Greg at nang tumingin siya sa akin…

You betrayed me…

Iyon ang pinahihiwatig ng mata niya at hindi ko na mapigilang mapatawa ngunit pinigil din iyon lalo na at parang balak ata akong katayin ni Greg sa mga tingin niya.

Napatikhim naman ako at binigyan na ng atensyon ang kasa-kasama sa kwarto na napatingin din naman sa akin.

“ This is Gregorio Capital and he’s Allia’s father. ” Simpleng saad ko ngunit para bang nag iintay pa sila sa mga susunod kong sasabihin kaya naman napangiti nalang ako saka muling nagsalita.

“ And if you’re thinking that they are my father and daughter, you’re wrong. Gregorio was just my friend and Allia’s mother already passed away. ” Saad ko.

Kita ko namang napahinga ng malamin ang ikalaimang Prinispe habang uminom naman ng tsaa sa mabilisang paraan sina Carson at Chandler habang napasandala naman sa upuan si Camden habang ang nag iisa namang may hindi maipaliwanag na ekspresyon sa mukha ay si Marriane.

Well, well, well. I’m sorry to disappoint you my dear Author.

Muling natahimik ang kwartong kinalalagyan namin hanggang sa kumatok ang isang butler at sinabing nakarating na si Lolo mula sa pinanggalingan niya at nagkataon na tanghalian na kaya naman inanyaya ko na sila na kumain sa Mansion na agad din naman nilang pinaunlakan kahit na mukhang nakakain ng kalamansi si Marriane.

Hindi naman taliwas sa kaalaman ko ang mga pagsulyap at tingin ng tatlong Alejo, kung dati ay may epekto ito ngayon ay para na lamang silang mga ordinaryong tao at hindi naging bahagi ng buhay ko.

Mukhang sa nakalipas na mga taon ay mukhang hindi pa din kaya ng tatlong ito na itago ang emosyon sa akin na kutob ko naman ay may nananatiling nararamdaman ang mga ito sa akin pero balewala na ang lahat.

Tapos na ang kwento namin kahit hindi naman nagsimula, sarado na ang libro at nakatago na sa sulok ng kwarto habang kasalukuyang isinasalaysay ang kwento nilang apat kasama si Marriane na mukhang ang nasa katawan nito ay ang mismong Author na at hindi na nito kinokontrol ang katawan ni Marriane.

Nagsiupo kami sa hapag kainan at nagsimulang kumain habang nag uusap naman ang mga kalalkihan tungkol sa politika at sa kung ano ano pang usapin at pilit namang sumisiksik sa usapan si Marriane habang ako naman ay abala sa pagkain at pagsulyap kay Allia lalo na at ito ang gawain ko tuwing oras na ng kainan.

“ Oh. My granddaughter I would like to inform you that many marriage proposals came with me when I came home and I think this is the right time to entrust you to the man you can be with and rely on for life. ” Saad bigla ni Lolo at tumahimik ang buong paligid.

Hindi naman ako nagulat na maraming dumating na Marriage Proposals lalo na at maraming nakakita sa akin kagabi sa pagdiriwang sa palasyo pero hindi ko naman akalain na sasabihin iyon ni Lolo dito, sa harap ng mga bisita namin.

“ Do you have any preferences for your ideal husband? Maybe I can help you. ” Saad ni Marriane at hindi ko mapigilang mapangiti.

Atat na atat ka na ba talagang ipakasal ako?

Sabagay, mukhang ramdam ni Marriane na delikado ang lagay niya sa puso ng tatlo lalo na kung simula noong magpunta sila dito ay hindi siya ganoong binibigyan pansin ng Triplets.

Wag kang mag-alala Marriane, hindi ako kumakain ng iniluwa ko na.

“ Ideal husband you say? The Fifth Prince is my ideal guy. ”

What Went Wrong?🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon