Chapter 20

6.2K 321 4
                                    

Hindi ko pa din maiwasan na hindi matawa tuwing maalala ko ang naging reaksyon ng grupong iyon.

“ Woah… ”

“ Hi? ” Bati ko at kita ko namang namula sila miski ang dalawang babae ay namula dahil kasabay nang bati ko ay ang pagharap ng tatlong nasa harap ko.

Mula sa pagkakapula ay bigla nalang nahimatay ang dalawang babae at sinalo naman agad sila ng mga lalaki sa likod nila.

“ Ow… ” Saad ko at napatawa ng makitang may laway na tumutulo mula sa bibig ng dalawang babae at kita ko namang napangiwi ang mga lalaking kasama nila saka kumuha ng panyo at pinunasan ang bibig ng dalawa.

“ Give me their phone. ” Saad ko at tinitigan naman nila ako na para akong alien pero ibinigay din naman nila.

Tumingin ako sa tatlong lalaki na matiim na nakatingin sa akin kaya nginitian ko sila bago ipakita ang camera ng cellphone. Kita ko namang umasim ang mukha nila ngunit wala ding nagawa ng pagtaasan ko ng kilay.

“ Okay, 1… 2… 3… Smirk. ” Saad ko at kinuhaan sila ng isang litrato, tig isa sa dalawang cellphone ng dalawang babae.

Perfect……

Hanggang ngayon ay kita ko pa din ang asim sa mukha ng tatlong lalaking kasa-kasama ko.

Nang makalabas kami ng elevator ay may isang staff na sumalubong sa amin at dinala kami sa isang table.

Maraming bisita at puro elegante ang mga suot at napakaganda ng decoration ng paligid. Hindi halatang biglaan.

Pinagsawalang bahala ko nalang din ang mga tingin ng mga tao lalo na ang mga tingin ng mga ito sa Triplets na ngayon ay kung ano ang pinaglalagay sa plato ko.

Tinignan ko naman sila ng nagbabanta pero patuloy pa din sila sa paglalagay ng pagkain sa plato ko.

Hindi naman ako patay gutom at hindi ko kayang ubusin ang nilagay nila sa plato ko habang walang kalaman-laman ang mga plato nila.

Akmang magsasalita na ako ng biglang dumating si Aunt Lilith at nakasuot na siya ng isang mermaid style na navy blue dress.

Agad naman akong tumayo para bigyan siya ng halik at gumaya naman ang tatlong unggoy.

“ You’re so beautiful Amara. ” Puri ni Aunt Lilith at pinagmasdan akong mabuti na ikinapula ko.

“ So as you Aunt. ” Saad ko pabalik na ikinatawa niya.

“ Just enjoy Amara, this is your first time attending a social party here in the Philippines right? So let my sons guide you. ” Saad niya na ikinangiti ko.

“ Yes Aunt, I will. ” Saad ko, tinignan namna niya ang mga anak niya at tinanguan ang mga ito.

Tumango din naman ang mga ito pabalik hanggang sa nagpaalam na si Aunt na may kakausapin lang kaya muli kaming naiwan.

Nabalik ang atensyon ko sa pagkain na nasa plato ko bago samaan ng tingin ang tatlo na nakatingin din sa akin.

“ Tingin niyo mauubos ko toh? ” Tanong ko at inirapan sila.

“ Just eat all you can. ” Saad ni Carson at nilagyan ng juice ang baso ko.

“ I’m not a pig… ” Bulong ko at nakangusong tinusok ang pagkain bago isubo.

Napaharap naman ako kay Camden na walang sabing pinunasan ng hinlalaki niya ang gilid ng labi ko.

“ You’re really not a pig, but a piglet. ” Saad niya at tinignan ko siya ng masama pero parang wala lang sa kanya iyon kaya namna nagpatuloy nalang ako sa pagkain.

Napatingin naman ako kay Chandler nang maglapag ng chocolate cake sa harap ko.

“ Here’s your desert. ” Saad niya at hindi nalang ako umagal dahil mukha namang masarap yung cake.

Bakit ba feeling close itong mga ito? Sabi sa libro aloof daw sila sa kahit na sino pero bakit kung makaasta ay parang babysitter ko?

Sila na din ang nag aalok ng skinship sa akin. Talagang hindi ko mapagkakatiwalaan ang librong iyon.

O dahil totoong tao talaga sila at hindi karakter sa libro?

Nagising ako mula sa malalim na mpag-iisip ng may marinig na nahulog at mga nabasag.

Napatingin naman ako sa pinanggalingan ng ingay at nakalimutan kong nguyain ang pagkain ko at deretsong nilunok na nang makilala kung sino ang may kasalanan  sa ingay.

“ Cianna…… ”

What Went Wrong?🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon