Kasalukuyan kaming nasa Dining area at naghahapunan pero mula nung umupo ako ay hindi gaya ng dati na nasa akin ang atensyon ng lahat kundi na kay Marriane.
Kitang kita ko ang atensyon na binibigay ng lahat sa kanya maging ang mga kasambahay ng Mansion at mukhang, kilala siya ng lahat ng ito.
Hindi ako nagseselos o naiinggit talagang napapaisip lang ako kung paano niya naging childhood friend ang talo kung gayon ang sabi sa libro ay walang kaibigan mula pagkabata ang tatlo at naisip kong imposibleng epekto iyon ng pagdating ko lalo na at wala pa ako dito sa mga panahong iyon.
" Ah Marriane this is Amara, our girl and Amara this is Marriane our childhood friend. " Pakilala ni Camden na nasa tabi ko habang pasimpleng nilalagyan ng gulay ang plato ko pero hindi ko naman ito ginagalaw.
Pero naramdaman ko naman ang munting pagtalon ng puso ko ng banggitin niya ang 'our girl'.
Rinig ko ang proudness sa tono niya at mukhang alam na ito ni Aunt Lilith dahil hindi nawala ang ngiti niya at lalo pa itong lumawak.
Pero agad din iyong nawala. He called me Amara not Drea.
" Woah! You're beautiful! " Saad ni Marriane na akala mo ay tuwang tuwa sa narinig, perpekto na sana ang pagkukunwari niya kung hindi ko lang nakita ang sandaling pagkibot ng labi niya na parang hindi natutuwa.
" Thank you, you're beautiful too. " But I'm more beautiful than you, sweety.
Gusto niya ng plastikan? Ibibigay ko. Sino ba naman ako para tumanggi kung kaya ko naman ibigay di ba?
" Do you know when we were young they were always chasing me to play with them! And I always need to pretend to be their wife! They're so stressful! " Saad ni Marriane na para bang normal lang ang lumalabas sa bibig niya.
Nakakawalang ganang kumain.
" Yeah? " Saad ko at uminom ng juice pero ramdam ko ang tingin sa akin ng tatlong kalalakihan ngunit hindi ko sila pinapansin.
" Yes! They also loves to hug me and hold my hands! " Dagdag nito na ikinangiti ko.
She's purposely provoking me.
" Well I think it's inborn because they also loves doing it… With me. " Saad ko at pinunasan ang bibig dahil wala na akong ganang kumain lalo na kung ang kasama mo ay hindi malaman kung ahas ba na nanunuklaw o asong tahol ng tahol sa gitna ng kainan.
" I'm done eating. I'll be at my room. Good night Marriane, have a sweet dreams. " Saad ko at ngumiti sa kanya saka nagpaalam kay Aunt Lilith maging tatlong lalaki na kanina pa nakatingin sa akin.
Well, well, well. I think I need to play for a bit.
Maaga akong nagising at kasalukuyang palabas ng kwarto upang pumasok sa school ng madatnan ko sa labas si Marriane, nakatalikod siya sa akin and of course ang triplets ang pinunta niya dito.
Mahina akong umubo para makuha ang atensyon niya at nang humarap siya ay saka ko napansin na pareho ang uniform namin.
Ibig sabihin lang noon ay magkakasama kami sa school. Cool.
" Oh hi Ara! Good morning! " Saad niya ngunit ang sarap siguro sa pakiramdam kung ako mismo ang bumura sa pekeng ngiti niya.
At ano kamo? Ara? Ngayon ko lang nalaman na pag kaaway mo required na may nickname na sayo.
" Good morning din. Hinihintay mo sila? " Tanong ko at isinarado ang pintuan ng kwarto ko.
" Oh yes! They're not responding on my text eh I'm worried that they're still asleep. " Saad niya at bumungad ang nag-aalalang ekspresyon sa mukha niya.
" Oh? Why don't you knock, maybe they're just busy responding to your text. " Saad ko with matching diin sa 'text'.
" Ah yes, gagawin ko na dapat kanina kaso you suddenly interrupted me eh. " Saad niya saka kumatok.
Matapos ang tatlong katok ay bumukas ang pintuan at si Carson ang nagbukas ng pinto.
Walang kahit anong sign na siya si Carson kaya napatingin ako kay Marriane, kaya niya kayang malaman kung sino ang nasa harapan niya ngayon?
" I'm texting the three of you but you're not responding. I thought you're still asleep because in the past I still needed to wake the three of you up. " Saad ni Marriane.
" Marriane, Amara. " Saad ni Carson at bumati ng may ngiti sa labi pero hindi ako masaya.
Amara huh.
" We're just busy, sorry. " Saad ni Carson kay Marriane.
I'm not here to watch this scene so it's better to leave.
Nagsimula na akong maglakad papaalis, narinig ko pa ang pagtawag ni Carson ngunit hindi ko ito nilingon.
Nang makalayo layo ako ay bumungad ang isang ngisi sa mapula kong labi ng marinig ang pangalang binigkas ni Marriane.
" I'll wait for the three of you downstairs, Chandler! "
At least ako lang ang nakakakilala sa kanilang tatlo pero ngayon lang ata ako nabwisit sa first name ko.
Amara.
BINABASA MO ANG
What Went Wrong?🌟
FantasiI was just an audience that was watching my favorite characters fall in love and have their happy and beautiful lifetime ending. But... How is this... " We love you Cianna. " To this... " You're the one we love, Amara. " The fuck?! -Slow Updates