“ Noisy. ”
Isang salita, binubuo ng limang, simpleng salita pero ganon nalang ang pagwawala ng puso ko ng marinig ang boses na yon.
Hindi pamilyar at napakalamig, napakalalim na akala mo at gumamit na ng sound effects.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko, nagwawala ang puso at idagdag mo pa na para bang may kung anong lumilipad sa tiyan ko.
Gusto kong humarap, gustong gusto kong humarap para makita kung sino itong lalaking nasa likod ko.
Hindi ko alam kung ilang minuto pa ako naglaan ng panahon para pahinahunin ang sarili ko.
“ I’m— ” Natigil ako sa pagsasalita nang dahil sa pagharap ko ay walang kahit na sinong nakatayo sa likod ko.
Nakaramdam ako ng sobrang panghihinayang pero bakit nga ba?
Kasi pakiramdam ko isa sa Triplets Alejo ang tumulong sa akin para makalabas pero dahil sa taranta at kaba nawala yung chance para makita ang lalaking yon.
Pero paano kung mali ako? Paano kung sadyang excited lang akong makita sila?
Lumabas na ako ng silid na iyon sa takot na baka magsara na naman at makulong ulit ako sa loob habang bagsak balikat na naglakad paalis.
Madaming napapatingin sa akin pero hindi ko na sila pinansin pa at nagpatuloy sa paglalakad.
Bigla ko nalang naalala na hindi ko nga pala alam kung saan yung Cafeteria pero madali ko din naman yun natunton dahil sinundan ko lang yung mga babae na kanina pa nasa harapan ko.
Mula sa glass door ng Cafeteria ay kita ko na agad ang laki at lawak nito, gayon na din ang mga estudyanteng may iba’t ibang mundo.
Binuksan ko ang pintuan at itinapak ang paa sa loob na siya namang biglang ikinatahimik ng lahat at hindi na ako nagulat ng nakatingin na sila sa akin.
Ganon naman talaga ang nangyayari pag may pumasok na maganda sa mga ganitong lugar eh.
Hulaan ko, maya-maya sabay sabay na magbubulungan ang mga yan.
May mga pupuri sa ganda ko pero syempre meron ding mga inggiterang buwaya na mai-insecure sa ganda ko then ita-try nilang apihin ako.
Nagsimula na akong maglakad at pinanatiling kalmado ang ekspresyon hanggang sa makaabot na ako sa counter at gaya ng iba, tulala din ang lalaking nasa counter at feeling ko matutumba siya dun pag kinausap ko siya.
“ Excuse me. ” Pag-agaw pansin ko at mukhang natauhan siya pero kita ko ang pamumula ng mukha niya at ilang beses pa siyang tumikhim bago ako tinignan.
“ A-ano p-pong order n-niyo? ” Tanong niya at nanginginig na kinuha ang papel at ballpen.
“ Ahm… isang mango juice, isang chicken with rice and isang slice ng strawberry cake. ” Saad ko at dali-dali niya namang sinulat at saka siya kumilos para iannounce sa mic na nakaconnect sa loob ng kusina.
Binigay ko na ang bayad ko at inabot na niya sa akin ang tray na may laman ng pagkain ko at hindi na ako nagulat ng may taong nasa harap ko, tatlong babae ang nasa harap ko at ngayon lang ako nakakita sa personal ng mukha na dinaig pa ang clown sa make up.
Nakikipagtitigan naman sa akin yung babaeng nasa harap and I think, leader nila ito.
Maya-maya naman biglang tumikhim ang babaeng katabi niya at para bang natauhan siya.
“ Y-you! ” Saad niya pero mukhang wala siyang masabi kaya naman nginitian ko nalang siya.
“ Yes? Do you need help? ” Tanong ko pero wala naman akong nakuhang sagot sa kanya.
“ If there’s none, excuse me because I need to eat. ” Saad ko saka sila nilagpasan at naghanap ng mauupuan.
Hindi naman ako nabigo ng may makita ako sa kasamaang palad nga lang ay sa gitna ito kaya naman ramdam na ramdam ko ang tingin nila.
Sinimulan ko ng kumain pero syempre, sino bang may sabing tahimik akong makakakain kung may mga inggiterang buwaya na walang balak pakiinin siya ng ayos.
“ You! How dare you leave us?! ” Saad ng leader nila at nakakawala ng gana sa totoo lang.
“ Tell me, how may I help you? ” Tanong ko.
“ Y-you! Bitch! Attention seeker! ” Sigaw nito ngunit nananatili pa din akong kalmadong nakatingin sa kanya na mukha namang ikinainis niya at itinaas ang mango juice ko and I bet she’ll pour it on me.
Pero bago pa man niya maibuhos ay mabilis na akong nakatayo at lumayo sa kanya kaya naman wala siyang binuhusan ng juice at kita ko ang pagkapikon niya pero bago pa man siya makapagsalita at biglang tumahimik ang lahat at kasunod ang isang tanong.
BINABASA MO ANG
What Went Wrong?🌟
FantasyI was just an audience that was watching my favorite characters fall in love and have their happy and beautiful lifetime ending. But... How is this... " We love you Cianna. " To this... " You're the one we love, Amara. " The fuck?! -Slow Updates