Chapter 15

6.9K 359 30
                                    

Tahimik ang byahe at nakasilip lang ako sa bintana. Nasa back seat ako kasama si Chandler habang nasa harapan naman si Carson at si Camden na nagdadrive.

Ramdam ko ang pasimpleng mga titig nila ngunit hindi ko nalang pinapansin. Napakunot nalang ang noo ko ng mapansing may parang nakasunod sa sinasakyan namin.

Mukha namang napansin ni Chandler ang nararamdaman ko.

“ Any problem? ” Tanong niya at napatingin din ang dalawa sa harap.

Tinitigan ko sila isa’t isa at tinitigan ng mabuti, kita ko namang nagsi-iwasan sila.

“ I think you know na may sumusunod sa atin di ba? ” Tanong ko at sabay sabay silang tumingin sa side mirror.

Mukhang doon lang nila napansin. Seriously? Bakit ata hindi masyadong umuugnay ang ugali ng tatlong ito kumpara sa libro?

“ Oh great. The three of you were distracted. ” Then tumingin sila sa akin na parang ako ang may kasalanan kaya inirapan ko nalang sila at muling tumingin sa labas.

“ That red van and also the blue and white car were definitely following us since we passed the traffic lights. ” Saad ko at tumango tango naman si Carson.

“ Good observer huh. ” Saad niya at ngumiti ako sa kanya ng matamis.

“ Oh yeah and I also knew that you’ve been staring at me since then. ” Saad ko at kita ko namang namula siya kasabay ng pag-ubo.

“ Oh honey, do you want water? ” Saad ko at kita ko namang tumingin ang tingin niya sa akin pero lalo lang siya namula.

“ I think you’re sick. You’re like a tomato. ” Saad ko ngunit hindi na niya ako tinignan at tinalikuran nalang ako.

Randam ko namang nakatitig sa akin ang dalawa na para bang inagawan ng candy.

“ I think you already forgot that there’s some people following us. ” Saad ko at nginitian sila ng matamis kita ko namang namula din sila pero agad din namang itinuon ang atensyon sa mga sasakyang nakasunod sa amin.

‘Ohh I feel satisfied  after teasing them’

Ramdam ko ang pagbilis ng takbo ng sasakyan at hindi na ako umangal ng lumapit sa akin si Chandler para siguro alalayan ako.

Muli akong napatingin sa mga sasakyang sumusunod sa amin. Bakit ko nga ba nakalimutan na kakaiba din pala ang tatlong ito.

Hindi lang sila mga businessman, mga prinsipe, hindi lang hari ng school, kilala din sila bilang mga demonyo at for sure madami silang kaaway.

Napabuntong hininga na lang ako at hinayaan silang kumilos.

Ramdam ko naman ang patingin tingin nila sa akin at siguradong nagtataka sila kung bakit hindi ako natatakot gaya ng iba.

Well sorry sila dahil hindi mangyayari kung inaakala nila.

Hindi ko nalang sila pinansin at sumilip na lang muli sa bintana, kita ko namang papalapit na ng papalapit ang mga sasakyang humahabol sa amin.

Napatingin naman ako kay Carson ng may tinawagan siya at may kinausap sa cellphone ng makita naman niyang nakatingin ako sa kanya agad siyang nag-iwas ng tingin at medyo namula pa.

Napairap nalang ako sa wala sa oras at tumingin sa bintana. Wala din sa oras na napakunot ang noo ko ng mapansing iba ang dinadaanan namin papuntang Mansion ng mga Alejo.

Nagtama ang paningin namin ni Camden na nasa driver seat kaya naman tinaasan ko siya ng kilay at mukhang alam na niya ang dahilan.

“ We’re staying in our house for tonight. ” Saad niya at umiwas ng tingin.

“ And why is that your highness? ” Tanong ko.

“ Don’t call us like that. ” Saad naman ni Chandler na kulang nalang ay magkapalit kami ng mukha sa sobrang lapit.

“ I believe na maririnig ko pa rin ang sinabi mo without leaning your face on mine. ” Saad ko at itinulak ang balikat niya palayo.

“ As you can see some people are following us and I believe you don’t want that trouble to keep following us until we reach the Mansion right? ” Sagot ni Camden.

“ But as I can see, wala ng sumusunod satin. ” Saad ko at tinitigan sila ng ‘ano tama ako di ba?’

Napabuntong hininga nalang sila at lumiko, at matapos ang ilang minuto ay nakarating na kami sa Mansion at bago pa man ako mapagbuksan ng pintuan ni Camden ay inunahan ko na siya at nginisian silang tatlo saka pumasok sa loob.

What Went Wrong?🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon