CHAPTER 1

13K 430 25
                                    

Sabi nila, pagnamatay ka dalawa lang ang pupuntahan mo...

Pero none of the above ata ang naibigay na exam sa akin.

Akala ko mapupunta na akong heaven...

Oo heaven kasi mabait ako and nasa Hospital lang naman ako all my life. I'm sure na wala akong ginawa or nagawang masama sa kahit na sino saka idinonate ko din lahat ng perang naiwan sa akin ng pamilya ko sa Charity bago sila mauna papuntang heaven.

Umaasa pa naman ako sa reunion namin, miss na miss ko na sila.

Akala ko pagmulat ng mga mata ko, langit ang bubungad sa akin pero hindi. Well, siguro langit para sa iba na sa pagmulat ng mga mata mo ay isang napakagandang view ng kisame agad ang bubungad sayo.

Wala naman sa sarili kong pinaikot sa paligid ang tingin ko at pakiramdam ko ay mabubulag na ako dahil kahit saan ko ilibot ang tingin ko, lahat ng bagay ay kumikinang na para bang gintong ilang taon na pagp-polish.

Hindi ko alam kung ito ba ang afterlife ko o baka naman nananaginip pa din ako pero isa lang ang nasisigurado ko, wala ako sa Hospital, wala ako sa Hospital na halos tirahan ko na dahil sa Cancer ko sa dugo.

Bakit ako may Blood Cancer?

Mana mana lang, unfortunately nalaman nila agad na may Cancer ako nung ipinanganak ako sa mundo at nung iiyak ko ang una kong iyak sa mundong ibabaw.

Namana ko ito kay Mommy na nagging dahilan kung bakit siya maagang nawala kasabay ni Kuya na ang ikinamatay is Blood Cancer din. Kung bakit ako buhay, iyon ay dahil maaga nila akong ginamot kahit hindi naman talaga effective.

As for my Dad naman, sobrang mahal niya si Mommy kaya sumunod agad siya after mawala ni Mommy, inatake siya sa puso cause I think his heart only beats for Mom.

Then charan! Naulila agad ako, madami silang iniwan na ari-arian gaya ng mga Mansion pero aanhin ko yon kung sa buong buhay ko ay nasa Hospital lang ako? Kung lalabas man ako siguro mga isang araw lang kasi mararamdaman ko kaagad yung sakit dahil sa Cancer.

Siguro ay namanhid nalang din ako sa dami ng gamot na pinainom o itinurok sa akin. Sa pagkawala nilang lahat, natanggap ko na din na susunod ako sa kanila at siguro sa sunod na habang buhay nalang kami magkakasama sama pero....

Bakit naman ganito Lord?

Bago ako magpatuloy sa pagdadrama ako nga pala si Amara, Amara Cleandra Celeste Agustin.

Isang 19 years old na babae na walang ibang ginawa kundi ang maghintay sa update ni Author. Isang normal na dalagang mahilig sa mga libro at syempre may kinaaadikang libro, ang 'The Angel of Alejo's'.

Parang ang simple nung title, no? Don't get me wrong, I'm not innocent at all.

Kahit naman sa Hospital ako nakatira for all my life, it doesn't mean na isa akong inosente, ignorante at simpleng babae. If you're thinking like that then you're wrong.

I graduated from college at the age of 15 in an online class kasi nga I'm not suitable for face-to-face school. Aside from that, I know how to handle a business, how to run a lot of companies at my age.

Again, don't get me wrong I'm not an Innocent Virgin okay but I'm still a virgin.

Sino ba naman kasing papatol sa gaya kong may sakit?

Nakakita na ako ng isang cobra king though hindi sa personal ha. I accidentally saw it through Tv and nagbabasa din ako okay? Hindi ko naman mapipigilang maimagine yung mga binabasa ko.

What Went Wrong?🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon