Chapter 7

7.5K 365 9
                                    

Tatlong linggo na ang nakakalipas mula ng makadating ako dito sa bansa at sa loob din ng tatlong linggo na iyon ay parati din akong wala sa Mansion ng mga Alejo dahil abala ako sa pagtulong sa mga Blood-Cancer patient.

Sa loob din ng tatlong linggo ay wala akong naging balita sa Triplets Alejo at gaya nga ng sabi ni Aunt Lilith ay minsan lang sila nandito sa Mansion at wala na rin akong pagkakataon na makita ang mga karakter sa libro.

Mabilis lang din na lumipas ang araw dahil araw na ngayon ng pagpasok ko sa Riverdale Cypress University at sa tulong ni Aunt Lilith ay maayos akong nakapasok.

Ngayon ay kasalukuyan akong nakaharap sa malaking salamin at pinagmamasdan ang itsura ko habang suot-suot ang uniform na kakahatid lang kahapon.

Knee length ang skirt niya na kulay army green, long sleeve din ang puting blouse nito, may ribbon na army green at may blazer na army green ang kulay. Nakamahabang puting socks ako at nakasuot ng 2 inches black shoes.

Nakalugay lang ang mahaba kong buhok, walang make up na suot suot at tanging hikaw, bracelet at kwintas lang ang suot suot kong alahas.

Kinuha ko ang bag ko at tuluyang bumaba. Kumain ako mag-isa dahil nasa trabaho si Aunt Lilith kaya naman hindi niya ako masasamahan.

Simpleng almusal lang ang meron ako kaya naman madali ko din itong natapos.

Matapos kumain ay nagpahatid na ako sa school. Ayon sa librong nabasa ko, malawak ang school na iyon at lahat ng gamit dito ay nagmamahalang gamit.

Karamihan sa nag-aaral sa paaralang ito ay anak ng mga makakapangyarihang pamilya at ang gaya ni Cianna na scholar ay minsan lang maging totoo kung abot naman ng katalinuhan ng scholars ang requirement sa school.

May isang grupong nagpapatakbo sa mga estudaynte dito at lahat ng miyembro ay nanggaling sa mga makakapangyarihang pamilya at may koneksyon sa mga namamahala ng school.

At iyon ay ang grupong Keres Group na nangangahulugang ‘evil spirits’ sa greek words.

Sila ang grupong pinakanamumuno sa lahat pero ang Triplets Alejo ang humahawak sa grupo kaya parang sila na rin ang may hawak ng buong school.

At si Cianna ay isang mahirap na scholar na nakapasok sa Riverdale kaya naman ang mga gaya niyang scholar ay naging tampulan ng tukso ngunit kinakaya niya iyon hanggang sa mapansin nga siya ng Triplets Alejo.

Sa loob ng ilang minutong byahe ay nakarating na kami sa school, mula sa sasakyan ay kita ko ang mga estudyanteng papasok pa lang kaya naman pinauna ko na muna sila sa takot lalo na at ito ang unang pagkakataon na pumasok ako sa school.

Matapos ng ilang minutong paghihintay ay umunti ang mga estudyante at natanaw ko ang isang guro na nakausap ni Aunt Lilith noong nagpunta kami dito.

Huminga muna ako ng  malalim bago bumaba, sinubukan ko ng liitan ang presensya ko ngunit sadyang agaw pansin talaga ang tulad ko lalo na ang mga ginto at sliver kong mata.

Agad naman akong sinalubong ng teacher ng makita ako. Hindi ko na lang pinansin ang mga estudyanteng nagbubulungan at todo makatitig na nadadaanan namin.

“ I’m your guide for today. I’ll send you to your class and after it you can approach me if you need something. ” Saad niya.

“ Thank you. ” Saad ko na ikinangiti niya at nagpatuloy na kami sa paglalakad.

Pumunta muna kami sa Principal Office para kumain ang class schedule ko at laking gulat ko ng makitang nasa isang section lang kami ng Triplets Alejo maging ang grupo nitong Keres.

Sa section ding ito papasok si Cianna sa susunod na buwan dahil sa susunod na buwan pa din naman siya makakapasa sa school.

Hindi ko namalayan na naabutan na kami ng pagtunog ng bell sa daanan kaya naman wala na kaming nadadaanang mga estudyante.

Lalo na at may mga rules na ipinatupad ang school miski ang grupong Keres para mas maging maganda ang sistema at disiplina ng mga estudyante sa paaralan.

Narinig kong may sinasabi si Miss Abbie na guide ko pero wala akong maintindihan lalo na at hindi pa rin ako nakakamove on na nasa iisang section lang kami ng mga paborito kong character.

Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa harap ng section ko. Tinignan ako ni Miss Abbie at ngnitian.

Umayos naman ako ng tayo at tahimik na nagdasal na sana ay hindi ako himatayin sa oras na makita ko sila.

Kumatok si Miss Abbie na ikinatahimik ng mga tao sa loob. Tinanguan muna ako ni Miss Abbie bago binuksan ang pintuan. Pagkapasok niya ay himinga muna ako ng malalim bago naghanda para pumasok.

“ I want you to welcome your new classmate, please come in. ” Saad ni Miss Abbie at lumakad na ako paloob.

What Went Wrong?🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon