Chapter 19

6.6K 334 18
                                    

Matapos akong turuan ni Camden ay agad din kaming umalis dahil tumawag ni Aunt Lilith at sinabihan niya kaming pumunta sa kinalalagyan niya.

Nalaman din namin nasa isang biglaang Party si Aunt Lilith dahil sa matagumpay na partnership sa isang malaking kompanya sa ibang bansa.

Natural lang na pumunta ang tatlo dahil negosyo din nila iyon at ang masama ay isama daw ako.

Bago naman kami pumunta doon ay dumaan muna kami sa Mansion para magpalit ng damit at dahil amoy pawis ako, yung triplets kasi mabango pa din.

Nakatingin ako sa salamin ngayon habang nilalagyan ng clip ang buhok ko. Naligo ulit ako at nagsuot ng isang off shoulder peach dress na pinartneran ko naman ng isang 3 inches white stiletto saka isang pink purse.

Naglagay ako ng kaunting lip gloss at saka lumabas na ng kwarto. Nadatnan ko naman na nasa Sala na ang tatlo at gaya ko formal din ang suot nila.

Nakasuot sila ng polo na pare-parehas puti at coat lang ang naiibang kulay. Magulo ang pagkakaayos ng buhok nila ganon pa man ay nakilala ko pa din kung sino sino sila.

Sinimulan ko ng bumaba ng hagdan at agad silang napatingin sa akin. Nginitian ko nalang sila at nagpatuloy sa pagbaba.

Napataas naman ang kilay ko ng makita si Chandler na nasa dulo ng hagdanan at nakalahad ang kamay.

Tinanggap ko nalang ito hanggang sa marating namin ang dalawa pa niyang kakambal. Tinignan naman nila ako mula paa hanggang ulo.

“ You’re gorgeous. ” Saad ng tatlo at sabay sabay pa.

Siguro totoo nga yung mind link pag kakambal mo talaga yung tao, para bang may connection sila sa isa’t isa.

“ Thank you, the three of you were handsome and kinda hot. ” Saad ko at kita ko namang namula ang mga tenga nila kaya naman napatawa ako ng mahina.

‘Kinda hot daw eh para ngang nasa oven ako, ang hohot nila sobra sobra’

“ Let’s go. ” Saad ni Carson at nauna palabas.

“ Okay… ” Saad ko at sumunod na.

Pinagbuksan naman ako ni Camden ng pintuan. Iisang sasakyan lang ang gagamitin namin at si Chandler ang driver ngayon, katabi niya si Carson at si Camden naman ang katabi ko sa likudan.

Tahimik lang ang naging byahe namin hanggang sa narating na namin ang isang hotel.

May guards na nakahanay at agad kaming bumaba. Pinapasok din naman kami ng may ipakita si Camden sa isang staff na nasa pintuan.

Kita ko pang namula ang staff na lalaki ng makitang nakatitig ako sa kanya. Sobra naman atang maganda itong si Amara.

Nawala ang atensyon ko sa staff ng ialok ni Carson ang braso niya kaya naman pinasalamatan ko siya saka isinukbit ng braso ko sa braso niya.

Nasa kabilang gilid ko naman si Chandler at nasa harapan ko si Camden.

Walang tao sa lobby at dere-deretso kami sa elevator at pinindot iyon sa 38th floor kung saan ang pinakamataas na palapag ng building, mukhang doon nagaganap ang party.

Maya maya pa ay tumigil ang elevator sa 19th floor at bumukas iyon.

May mga pumasok na grupo ng tatlong lalaki at dalawang babae, na gaya namin ay nakasuot ng pormal na damit.

Mukhang sa 38th floor din ang akyat nila dahil hindi na sila pumindot pa sa buttons.

Hindi naman nila kami pinapansin dahil nagtatawanan sila at nakatingin sa mga cellphone.

“ Argh.. Triplets Alejo was so hot! I want them all! ” Saad ng isang babae na ikinangisi ko at pinagmasdan ang tatlong lalaking nasa unahan ko at kita ko ang ngiwi sa mga labi nila lalo na at nakaharap sila sa akin.

Napunta sila sa harapan ko nang pumasok ang grupong iyon at pinalibutan ako habang nakaharap sa akin kaya namna kita ko ang pag-asim ng mga mukha nila ng marinig ang sinabi nung babae.

“ No they’re mine! ” Sabat nung isa pero hindi naman nagpatalo yung isa hanggang sa nagbabangayan na sila.

“ Do you think papatulan naman kayo ng mga yon? ” Sabat nung isang lalaki at napahanga niya ako sa lakas ng loob niya lalo na at mukhang sasabungin na siya noong dalawang babae.

Sinimulan na ng dalawang babae na hampasin yung lalaki habang patawa tawa lang ito habang paulit ulit na sinasabing totoo naman ang sinabi niya.

Tinignan ko naman ng makahulugan ang tatlo at kita ko ang pagngiwi nila lalo kaya naman napatawa ako ng mahina ngunit ikinatahimik naman ng elevator.

Sa pagtingin ko sa direksyon ng grupo ay mga nakatulalang nakatingin sa akin kaya naman nag wave ako sa kanila at nginitian ng maliit.

“ Woah… ”

What Went Wrong?🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon