Maaga pa at dapat ay natutulog pa ako pero heto ako ngayon at nakabusangot na nakasakay sa sasakyan.
Maaga lang naman akong ginising at sinabihan ako ni Lolo na may dumating na utos galing sa Palasyo kaya naman kailangan na agad naming magpunta doon kaya kahit gustong gusto ko pang matulog ay pinilit kong ginising ang sarili ko.
Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay may kinalaman ang pagpapatawag na ito sa amin sa mga Prinsipe at malakas ang pakiramdam ko na malaki ang kinalaman nito sa akin at kung hindi ako nagkakamali ay tungkol ito sa pagpapakasal.
Maya maya pa ay nakarating kami sa Palasyo at gaya ng una kong pagpunta dito ay malaki pa din ito ngunit siguradong mas maganda dito sa oras na sumikat na ang araw.
Unang bumaba si Lolo at inalalayan naman niya ako, sa pagbaba namin ay may isang kawal na nag iintay sa amin at dinala kami nito sa isang kwarto.
Inanunsyo nito ang pagdating namin at bumukas ang isang malaking pintuan saka bumungad sa amin ang mga maharlika at nakakagulat na wala dito si Marriane lalo na kung dinaig pa niya ang isang linta sa pagdikit sa mga Alejo.
“ Greeting to the Royal Family may the blood of ancestors be with you. ” Sabay na saad namin ni Lolo.
“ You may rise. ” Saad ng Hari kaya naman natirtigan ko ng mabuti ang nasa kwartong ito.
Ang Hari at Reyna, ang magkakapatid na Alejo, ang nakoronahang susunod na Hari, ang ikalimang Prinsipe at ang dalawang Prinsesa. Nakatayo sila bukod sa Hari at Reyna na nakaupo sa kanilang mga Trono, walang emosyon sa mukha ang magkakapatid na Alejo habang may ngiti naman sa labi si Orell, seryoso pa rin ang ekspresyon ng ikalimang Prinsipe habang nagbubulungan naman ang dalawang Prinsesa at kita ko ang pagkinang ng mata nila habang nakatingin sa akin.
“ Please excuse this King for calling you here to the palace early in the morning but I just have something important to say and I can't help but focus on it so I called you immediately so that you know. ” Panimula ng Hari na nginitian nalang namin ni Lolo.
Yeah, kita ko nga ang saya mo at excitement.
“ How can we help you, Your Majesty? ” Tanong ni Lolo na ikinangiti naman ng Hari at nagkatinginan pa sila ng Reyna.
“ Your future Grand Duchess is beautiful, Grand Duke. ” Saad ng Reyna at tama ang ang hinala ko na may kinalaman ito sa akin.
“ Yes Your Highness, my granddaughter was really a beautiful lady. ” Gatong ni Lolo at hindi naman halatang gusto niya ang nangyayari.
“ We can also see that she’s a great companion for our sons and I believe you already understand what this King meant. ” Saad ng Hari.
“ As you know some of the Ministers are planning something and we, the Royal Family, need your name and support with this war. ” Saad ng Reyna at kita ko ang kalungkutan niya.
Bakit ko nga ba nakalimutan? Na kahit dito sa palasyo ay maraming gahaman sa kapangyarihan at dinaig pa ang isang diktador kung makautos na para bang sila ang namumuno sa bansa.
At mukhang dumadami ang mga taong ganon kaya naman hindi na ako nagulat ng si Lolo agad ang lapitan nila pero bakit pakiramdam ko ay panakip butas lang ito sa tunay na dahilan?
“ Ehem, so we better tie one of my child and your granddaughter. ” Saad ng Hari at umiwas ng tingin ng magtama ang tingin namin.
Guilty?
“ I agree with it Your Majesty but my granddaughter's decision will be my decision as well. ” Saad ni Lolo at nginitian ako habang hinawakan ang kamay ko na para bang talagang susuportahan niya ako kung pipiliin kong huwag magpakasal.
Napaikot nalang ang mata ko sa kanya saka napatingin sa mag-asawang nakaupo sa trono nila, nakatingin sila sa akin at hindi naman halatang atat na atat sila sa magiging desisyon ko.
Napabuntong hininga nalang ako saka tinignan ang mga kandidato ng maaaring maging asawa ko syempre maliban sa dalawang Prinsesa na hindi naman halatang pinipigilan ang mga tili nila kahit namumula na ang mga mukha nila.
Yumuko ako sa kanila saka nagsalita…
“ I accept it, Your Highnesses. ” Saad ko at nakarinig ako ng tili at alam kong galing iyon sa dalawang Prinsesa.
Npaangat ulit ang tingin ko at kita ko na masaya ang mag-asawa sa naging desisyon ko at kahit si Lolo ay kita kong nakangiti kahit hindi ako nakatingin sa kanya.
Tumikhim naman ang Hari at pinilit maging seryoso saka ikinumpas ang kamay niya, saka may mga katulong na pumunta sa harap ko at may mga kahon na hawak hawak. Iba’t ibang kulay, hugis at Disenyo. Npatingin naman ako sa ari at Reyna.
“ In front of you you will see different boxes and the contents of that box symbolize princes. We believe in destiny so your future spouse depends on whom you get once you select the box. ” Saad ng Reyna kaya naman napatingin ako sa mga kahon.
Ibig sabihin ay ayaw ko man o hindi sa mapipili ko na mapangasawa ay wala akong magagawa upang baguhin iyon.
Sa ginawa nilang ito ay masasabi mong patas para sa mga Prinsipe ngunit paano naman ako?
Isa lang ang gusto kong mapangasawa at kasalukuyan siyang seryosong nakatingin sa akin, siya ang gusto kong mapangasawa kahit na hindi pa siya interesado sa akin dahil kaya ko namang paibigin ang isang gaya niya.
Siya lang ang gusto ko at nangangamba ako na ang isa sa mapili kong kahon ay may laman na sumisimbolo sa mga Alejo lalo na at may nangngangalang Marriane na ginagawa silang ari-arian. Ayaw ko silang makasama.
Wala naman akong kaso sa Crown Prince ngunit ang tumayo bilang Reyna sa tabi niya ay mabigat ding gawain at talagang may gusto na akong makasama hanggang sa pagtanda.
Saka bakit ang labas ay kami ang may kailangan sa kanila kung sila naman talaga ang nangangailangan ng suporta ng pamilya namin?
Ano pa bang magagawa ko bukod sa magreklamo ng palihim? Kahit naman kailangan nila kami ay mas mataas pa din sila sa amin kaya naman wala akong magagawa.
Huminga muna akong malalim at sinlyapan muna ang mga taong nasa harap ko at lahat sila ay nakatutok ang atensyon sa akin kita ko pa nga ang ilang butil ng pawis dahil sa tensyon na mayroon at hindi ko din naman maipagkakailang kinakabahan din ako.
Sana naman ay hayaan ako ng tadhanang sumaya sa pagkakataon na ito at hayaan akong makasama ang taong gusto kong makasama habang buhay.
Inangat ko ang kamay ko at pikit matang itinuro ang isang direksyon nakarinig ako ng pagbukas ng kahon at ang mga yapak papaalis hanggang sa may lumapit sa akin kaya naman iminulat ko na ang paningin ko.
Hindi ko akalaing mapipili ko ang isang berdeng kahon na may kaliitan at ang disenyo nito ay mga bulaklak.
Hindi ko na ito pinagtuunan pa ng pansin at hinayaan na mapunta ang tingin ko sa nilalaman nito.
Nang oras na mapunta ang tingin ko sa gamit na iyon ay isang tao na agad ang pumasok sa isip ko at wala sa sariling naitaas ang mga mata ko na sakto namang nakatingin din siya sa akin.
Sa oras na iyon ay hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman.
Naestatwa lang ako sa kinatatayuan ko at ang iba pang tao sa loob ay palipat lipat ang tingin sa amin at mukhang naguguluhan sila kung bakit ganoon ang naging reaksyon ko.
Maging ako ay nagtataka din sa naging reaksyon ko…
Siguro dahil sa wakas pinagbigyan na ako ng tadhana…
BINABASA MO ANG
What Went Wrong?🌟
FantasyI was just an audience that was watching my favorite characters fall in love and have their happy and beautiful lifetime ending. But... How is this... " We love you Cianna. " To this... " You're the one we love, Amara. " The fuck?! -Slow Updates