Chapter 45

5.2K 266 35
                                    

Ever since na napunta ako dito sa libro at malaman na may chance na magtagpo ang landas namin ng Triplets, nakaramdam ako ng saya.

Sobrang saya dahil parang dati ay binabasa ko lang sila, parang dati pinapangarap ko lang na makita sila pero binigyan ako ng pagkakataon kaya naman iwinaglit ko nalang talaga ang nangyari sa libro.

Napalapit ako sa kanila at aaminim ko nakaramdam ako ng kakaibang atraksyon lalo na at buong buhay ko nasa loob ng Hospital at para akong nasa langit dahil pinaramdam nila sa akin na mahalaga ako, na karapatdapat akong alagaan at mahalin ng tatlong Alejo kahit na dumating pa ang tunay na bida ng kwento.

Masaya na dapat. Okay dapat lalo na at nalaman ko na gusto nila ako pero bakit ganon?

Noong araw pala na makita ko siya na nag-aabang iyon na pala ang araw kung saan babagsak ang mga ilusyon at magigising ako mula sa isang panaginip.

Noong una, hindi ko iniisip at binibigyang pansin ang lalim ng tingin nila kay Marriane at kung paano lumalambot ang mga tono nila tueing si Marriane ang usapan.

Hindi nila napapansin na kahit napakatalino nila nagihing bobo at tanga sila para sa babaeng iyon.

Bakit? Dahil nakasama nila siya mula pagkabata? Dahil siya lang yung nandon nung silang tatlo ay nag iisa? Required na ba yon para mas piliin nila na intindihin ko siya at layuan?

Pwes hindi ko na kayang maging bulag pa, alam ko. Kahit na wala akong karanasan sa pag-ibig, alam ko ang mga tinginan na iyon.

Lagi ko iyong nababasa sa mga romantikong libro lalo na kung ang bida ay may tinatagong pagtingin para sa isa pang bida.

Mahal nila siya.

Lahat ng bagay basta may kaugnayan kay Marriane at pinapakialaman nila.

Siguro kaya ganon ay kinokontrol ng Author si Marriane at lalong hindi ako tanga para isipin na isa lang siya sa mga pagsubok para maging matibay ang relasyon naming apat lalo na at hindi naman ako ang bida kaya bakit aasa pa ako na sa dulo ay mapapasaakin ang tatlo?

Sinong niloko ko.

Mula noong napunta ako dito ay mukhang nakalimutan ko na ang tunay kong layunin at hanggang ngayon ay hindi ko pa din alam ang dahilan kung bakit ako nandito, niloloko ko lang ang sarili ko na guato lang tuparin ng tadhana ang isa sa mga pangarap ko at iyon ay ang makita silang tatlo pero ano nga ba ang dahilan kung bakit ako nandito?

Mula sa pag iisip ay napabalik ako sa reyalidad ng makitang nasa harapan ko sina Haley at Cianna, wala silang kasama na kahit na sino.

Ano naman kaya ang kailangan ng mga ito?

" Amara, I'll be straight to the point. I know that you like the Triplets and if you help us one of them will be yours. " Saad ni Haley ngunit walang reaksyon na lumabas sa mukha ko.

" Tulungan mo kaming pabagsakin si Marriane. " Saad ni Cianna at nginitian pa ako pero nanatiling blangko ang mukha ko.

" Leave me alone. " Saad ko at dapat ay aalis na ngunit humarang ulit sila.

" Come on, if you help us it's a win-win right? " Pangungumbinsi pa ni Haley.

" I don't care anymore. " Saad ko at muling aalis ng hawakan nila ako sa braso kaya inis akong humarap sa kanila.

" Look, I'm not desperate like you are. I don't need to do something like you. I don't care anymore so just let me leave right here right now. " Matigas kong saad ngunit hindi nila ako pinaalis.

" Wag ka ng pakipot Amara, kung ang gusto mong masolo yung tatlo pwes lumayo ka sa amin. " Saad ni Cianna na para bang ako yung lumapit sa kanila.

" Tsk. Sabihin niyo na ang gusto niyong sabihin but I'm out of here. " Saad ko at tumalikod na ngunit napatigil din ng makitang magsasalita ang isang lalaki na humarang sa harap ko.

" You, leave me alone too. " Saad ko kay Brentt at nagpatuloy sa paglalakad.

I don't care anymore, fuck it.

I don't need their so-called affection because I deserve to be obsessed with someone.

I'm not a cheap lady to be their second choice and to be Marriane's substitute.

Napatingin naman ako sa cellphone ko at walang pagdadalawang isip na sinagot ito ng makitang si Lolo iyon.

Lumipas ang ilang minuto at natapos ang tawag, huli na ako sa klase ngunit sinong may pake?

Tumubo ang isang ngisi sa labi ko ngunit sa loob loob ko ay ang pagkirot ng puso ko.

Mapait nalang akong napatawa saka ipinikit ang mata kasabay ang mga luhang naglandas sa mukha ko patungo sa mga bulaklak na naririto sa hardin.

Hindi naman masakit, para lang pinatay ka ng paulit ulit.

What Went Wrong?🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon