Chapter 25

6.1K 296 23
                                    

Habang nasa sasakyan ay dama ko ang kakaibang awra na pumapalibot kay Camden kaya namna hindi ko mapigilang sumulyap sulyap sa kanya at nakikita ko din ang matinding pagkakahawak niya sa steering wheel ng sasakyan niya kaya namna maging ang mga mata ko ay hindi maiwasang manliit.

‘Ano bang problema niya?’

Nagkibit balikat nalang ako at tinignan ang daanan pero agad ko ding napansin na, ibang daanan na naman ang dinadaanan namin at ito ay ang daan na dinaanan namin noong may humahabol sa amin at ang alam ko ay papunta ito sa sariling Mansion ng triplets.

Muli kong tinignan si Camden ngunit hindi naman niya ako pinapansin. Tumingin ako sa side mirror ng sasakyan at nakita ang sasakyan nina Chandler at Carson na nakasunod.

Maya maya pa ay may pinasukan kaming gate at kusa iyong nagbukas. Pagbukas ng gate ay isang kalsada pa ang sumalubong sa amin at napapalibutan ng maraming puno at mga bulaklak.

Hanggang sa unti unti nang sumilay sa amin ang isang Mansion at kahit malayo palang ay masasabi kong mas malaki ito sa Mansion nina Aunt Lilith.

Umikot ang sasakyan sa isang fountain hanggang sa marating namin ang malaking pintuan ng Mansion.

Nang tumigil ang sasakyan ay hindi na ako nagulat ng may nagbukas ng pintuan ko. Inalalayan naman akong bumaba ni Chandler at mas nakita ko ng ayos ang Mansion.

Gaya ng nadaanan namin kanina ay napapalibutan din ang Mansion ng mga halaman at magaganda ang mga hugis nito ngunit tiyak na mas maganda ang higanteng Mansion na nasa harapan ko.

Mas malaki ang Mansion namin sa Persua pero hindi naman papahuli ang Mansion na ito ng tatlo.

“ Welcome to our humble Mansion Drea. ” Saad ni Carson at nginitian ako na siya namang ikinabilis na naman ng tibok ng puso ko pero agad ko din naman itong nasolusyunan.

Drea…

Iyon ang tinawag nila sa akin mula noong party, hindi ko nag namalayan na iyon na pala ang tawag nila sa akin hanggang noong isang araw ay nagalit ang Tatlong lalaki ng tawagin akong Drea ni Joshua buti nga lang at hindi nito sineryoso.

Drea mula sa ikalawa kong pangalan, Cleandra ngunit inilipat nila iyong ‘e’. Desisyon silang tatlo eh pero kahit ganoon natutuwa naman ako dahil parang ang swerte swerte ng ikalawang pangalan ko.

Napabalik naman ang tingin ko kay Camden ng marinig ang malakas na pagsara ng pintuan ng kotse niya.

At kahit walang emosyon ang mukha ay halata namang may problema ang lalaking ito.

Tinaasan ko siya ng kilay ngunit hindi lang ako nito pinansin at pumasok sa loob, naiwan naman kaming nagtataka miski ang dalawa pa nitong kambal ay kunot noong nakatingin sa pintuang pinasukan ni Camden.

“ What’s his problem? ” Tanong ko ngunit nagkibit balikat lang ang dalawa.

Pumasok na din kami sa loob at buti nalang ay hindi ako nabulag sa dami ng kumikinang. Jackpot ang isang magnanakaw kung buhay siyang makakapagnakaw dito.

Umupo naman ako sa Sofa at namahinga ng kaunti saka tinignan si Camden na nakaupo sa harap ko ngunit nakatingin siya sa magazine pero…

“ I didn’t know that you have a talent to read upside-down Your Highness First Prince. ” Saad ko at napangisi ng makitang namumula ang mga tenga nito at umubo.

“ What do you care about? It’s my decision how will I read. ” Saad nito at inilipat pa ang mag pahina nito.

Sinamaan naman nito ng tingin ang dalawang kapatid ng tumawa ang mga ito ngunit hindi man lang nadala sa tingin ang dalawa at patuloy na tumatawa.

Napailing iling nalang ako ng ibato ni Camden ang hawak na magazine kay Chandler at naghagis ng unan kay Carson.

“ So? Why did you bring me here? ” Tanong ko na nakapagpatigil sa kanila saka ako tinignan at wala sa sariling napalunok ako ng makitang matiim silang nakatingin sa akin.

“ What are you looking at? ” Pagtataray ko at kumalma ang puso ko ng umiwas na sila ng tingin.

“ So ano nga? ” Muli kong tanong at napatingin din ako kay Camden ng tumingin sina Carson at Chandler sa kanya.

“ None. ” Sagot niya na nakapagpakunot ng noo ko.

“ You brought me here for nothing? ” Tanong ko sa kanya at binato ng unan.

“ Yes Miss. ” Saad nito at nakangisi pa.

“ You’ll also be sleeping here. ” Dagdag niya pa at kahit gwapong tignan ay gusto kong burahin ang ngisi sa labi niya.

“ No way! ” Saad ko ngunit ngumiti lang ito ng matamis.

“ Yes way. ”

What Went Wrong?🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon