“ What’s happening here? ” Tanong ng isang lalaki at sabay sabay nilang ikinaharap sa pinanggagalingan noon.
Sa pagharap nilang lahat ay may dalawa lamang ekspresyon ang lahat ng estudyante, una ay paghanga at ikalawa ay takot.
Habang damang dama ko naman ang pagwawala ng puso ko at pakiramdam ko hihimatayin na ako dahil mula sa isang salamin at kita ko ang nangyayari kita ko ang reflection nila.
Ramdam ko din ang pamumula ng pisnge ko ng makita ang pinapangarap kong makita simula palang.
Mula sa pagkakagulat, pamumula at di makapaniwalang ekspresyon, kumalma na lahat ng ekspresyon na meron ako sa mukha pero ang totoo, nagwawala pa din ang mga laman ko.
Muli kong tinignan ang salamin nagkaroon ako ng pagkakataon na titigan sila, matangkad sila, payat tignan ang katawan pero alam kong sa loob ng damit nila ay nagtatago ang mga magagandang katawan lalo na at iyon ang description sa libro.
Umangat ang tingin ko sa mukha nila, may makinis at tan silang kulay.
Makakapal ang kilay, matangos ang ilong, may manipis na labi at halata ang mga mahahaba nilang pilik mata lalo na at unti-unti na silang lumalapit.
‘Teka? Lumalapit?!’
Hindi ako mapakali sa loob loob ko, sa sobrang pagkatulala ko sa kanila hindi ko man lang napansin na unti unti na pala silang lumalapit sa kinalalagyan ko.
Kinalma ko ang paghinga ko at saka tinignan ang babaeng buwaya na ngayon ay parang asong kakatayin ngunit nakatalikod pa din ako sa kanila.
“ What’s happening here? ” Tanong ng isang taga Keres group and I still face my back on them.
Wala naman sa aming sumagot nung babae at hindi din naman ako sumasagot dahil hindi siya sa akin nakatingin at nakatalikod pa din ako.
Ramdam ko ang tensyon ng lahat at kahit ako nakakadama ng tensyon but I’m not afraid.
“ Aren’t you gonna answer me? ” Muling tanong nito and this time, nilingon ko na sila at muntikan ng masira sang maskrang emosyon ko ng magtama ang mata namin ng tatlo.
Ang kinatatakutan at sikat na Triplets Alejo.
“ I can tell you. ” Saad ko sa kanila at para namang bumalik sila sa sarili nila matapos ang pagkakatulala ng makita ako.
“ Well, I was actually planning to eat but they interrupted me then she started ranting there and here that I’m a bitch. She also tries to bathe me with my own mango juice but I specially dodge it. ” Kwento ko and I don’t think kung nakikinig sila sa akin.
Napatingin naman ako sa kanila at pansin ko ang pagdaan ng mangha sa mga mata nila kaya naman napatingin ako sa Triplets only to see them staring at me, intensely.
I unconsciously gulp then look away.
Hindi ko kaya ang mga tingin nila lalo na at mas gwapo sila sa malapitan kitang kita ko ang mapupula ngunit manipis nilang labi ganoon na din ang mahahaba nilang pilik mata at sa halip na magmukha silang feminine nakakadagdag iyon ng taglay lang nilang devilish charms.
Muli akong napatingin sa Keres Group at tumikhim, mukhang bumalik na sila sa sarili nila at hindi ako makapaniwalang mamula yung lalaking nagtatanong kanina dahil sa kanya ako nakatingin.
“ Ehem! Thank you Miss-? ” Tanong niya habang hindi nakatingin sa akin at nagkakamot ng batok.
“ I’m Amara. ” Saad ko at nginitian sila at sabay sabay namang namula yung apat pa at umiwas ng mga tingin.
“ Stop it. ” Saad ng isang boses, malalim din ito at malamig pero ramdam ko ang inis sa boses niya.
Napalingon naman ako sa nagsalita at isa iyon sa Triplets, akala ko ay ako ang sinasabihan niya ngunit hindi pala kundi ang limang lalaking kanina ay namumula ngunit ngayon ay akala mo ay nawalan ng dugo at nagsimula ng umubo.
“ Ms. Alguerte and company go to the office. ” Saad ng isa sa mga triplets at kita ko naman sa gilid ng mata ko kung paano mamutla ang mukha yung Alguerte daw bago biglang mamula at kumurap kurap pa na akala mo naman ay bagay sa kanya.
‘Don’t tell me nagbabalak silang lumandi doon?’
Napapailing nalang akong kinuha ang bag ko, I need to leave here especially that I’m starting to feel heats on my cheeks because of their stares.
“ I need to go. Thank you for this. ” Saad ko at nginitian sila maging ang Triplets para naman hindi magmukhang kahina-hinala.
Hindi ko na sila hinintay na magsalita pa at naglakad na palabas, buti na lamang at pwedeng lumabas ng School kaya sa labas nalang ako kakain.
Hindi ko kakayanin ang mga tingin nilang tatlo na mas malalim pa ata sa impyerno.
BINABASA MO ANG
What Went Wrong?🌟
FantasyI was just an audience that was watching my favorite characters fall in love and have their happy and beautiful lifetime ending. But... How is this... " We love you Cianna. " To this... " You're the one we love, Amara. " The fuck?! -Slow Updates