Chapter 11

7.2K 396 38
                                    

Hello po kay Miss kienzashley10!
Eto na po ang update!
Magtiyaga muna kayo😅🌟

Sa bawat hakbang na nagagawa ng paa ko ay siyang pagtindi ng lakas ng tibok ng puso ko dahil hanggang naglalakad ako papalayo ay dama ko pa din ang init ng mga titig nila na para bang ako si Cianna.

Iiling iling lang akong naglakad paalis at pumunta sa gate ng school dahil wala naman akong nakaabang na driver at kotse sa parking lot lalo na at hiniling ko din kay Aunt Lilith iyon, gusto kong magkaroon ng isang buhay bilang isang simpleng estudyante.

Kumalma na rin ang puso ko at sigurado akong hindi na ako masyadong mamumula sa harap ng tatlong iyon at sigurado namang magkikita kita pa kaming apat.

Tumayo ako doon at naghintay ng pwedeng sakyan pero ganon nalang ang gulat ko ng biglang may lumabas na kotse mula sa may gate. Isang itim na sasakyan ngunit isang Lamborghini ang sasakyang iyon.

Napataas ang kilay ko dahil sa sasakyan na ito at may masama na akong nararamdaman, mukhang kilala ko kung sino ang nakasakay sa sasakyan na ito.

Unti unting bumaba ang salamin ng sasakyan at nakita ko ang tatlong mukhang iyon.

Syempre sino ba namang estudyante ang gagamit ng Lamborghini na nasasakyan sa school?

Triplets Alejo!

At nang makita ko ulit ang mukha nila ay muli na namang nagkarera ang puso ko pero sigurado na akong hindi ako namumula pero ramdam ko naman ang panginginig ko.

Nagtama ang mata namin ni Camden na siyang nasa driver seat at hindi ko alam kung paano ko siya nakilala siguro ganon lang talaga pag iniidolo mo talaga yung tao?

Naalis sa kanya ang paningin ko ng may tumigil na Taxi sa harap ko at walang pagdadalawang isip akong sumakay.

Agad din naman kaming umalis ngunit hindi ko alam na nung oras na may dumating na taxi ay syang oras na dapat ay aalukin ako ng tatlo na sumakay.

Mula sa school at limang minuto lang ang binyahe namin at nakadating ako sa Jollibee na siya namang ikinatuwa ko. Hindi ko alam kung kailan yung huling beses na kumain ako ng Jollibee lalo na at paborito ko ito mula pagkabata.

Binayaran ko na si Manong at bumaba sa tapat ng Jollibee at mukha namang naagaw ko agad ang pansin ng mga taong dumaraan kaya naman agad na akong pumasok sa loob na siya namang ikinatingin ng Janitor na nagmo-mop na nginitian ko nalang saka pumila habang nagtingin tingin sa menu na nasa counter.

Mula sa pagtitingin ay saka ko namalayan na nawala bigla ang pila na nasa harapan ko at nang pagtingin ko sa gilid ay doon sila mga nakapwesto at nakangiti sa akin at itinuturo yung harap.

“ Thank you. ” Saad ko at nginitian sila saka pumunta sa harap ng babaeng cashier. 

Umorder ako ng isang chicken with rice,pineapple juice, cheese burger at medium size fries.

At agad din namang dumating ang order ko saka nagpasalamat bago kinuha ang tray ko.

Hindi na ako tumingi pa kung may vacant sit sa baba at dumiretso sa second floor at umarko ang labi ko ng makitang iilan lang ang tao kaya naman komportable akong makakakain dito.

Agad akong pumwesto sa dulo na katabi ng salamin saka nagsimulang kumain.

Habang kumakain ay hindi ko maiwasang maalala ang nangyari kanina.

Medyo cliche lang dahil ganoon ang nangyayari sa libro at alam kong nasa libro talaga ako pero ang kabaligtaran ay imbis nasa akin tumapon ay hindi naman natuloy.

Pero parang knight in shining armor dumating yung grupong Keres tapos yung Triplets naman ang mga Prinsipe.

Taray! Lawak ng imagination ko, masyado ng malayo yung nararating.

Abala ako sa pagkain habang nag iisip. Matapos kong kumain ng kanin ay siyang pagkain ko naman ng burger at sino bang mag aakala na ang sasalubong sa akin ay tatlong mukha na nasa may hagdanan habang may hawak hawak na tray at inililibot ang tingin.

Agad ko namang naibaba ang tingin ko ng magtama ang mata namin ni Chandler.

Tell me, what are they doing here? 

Based on what I have read hindi sila kumakain sa fast food chain hangga’t hindi nila nakikilala si Cianna at ang unang beses nilang kinain ay Mcdo.

Kahit ay muli na namang nagkakagulo ang puso ko ay hindi ko mapigilan magtaas ng kilay ng malaman kung saan sila uupo.

Sa pagkadami-dami ng upuan, ang upuan na may 6 seaters pa na nasa harapan ko ang napili nilang upuan.

I’m not assuming or something but I feel like they’re following me, and the reason?

I don’t know but the thing is, I feel that I’m a prey that is being watched by the predators.

Muli akong nagtaas ng tingin at sumalubong ang tatlong pares ng amber eyes na nakatitig sa akin na para bang isa akong suspect tapos investigators sila.

“ You’re following me. ” Deretsang saad ko, it’s not a question but a truth.

What Went Wrong?🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon