Chapter 22

6.2K 275 36
                                    

Kasalukuyan na akong nasa kwarto ngayon at sinusuklay ay buhok ko habang inaalala ang nangyari kanina.

Nang maayos ang kaguluhan ay sinamahan ko si Cianna at doon ko nga napansin ang mga kakaibang bagay sa kanya.

“ Your make up messed up. ” Saad ko at agad naman niya iyong pinunasan.

“ I’m Amara and you are? ” Tanong ko na ikinatingin niya.

C-cianna… ” Saad niya ngunit lagpas ang tingin niya kasabay noon ang pagtawag ni Crason sa akin at nakita ko ang emosyon na mabilis din nawala sa mga mata ni Cianna.

“ Here’s your clothes. ” Saad ko at inabot kay Cianna ang damit na dala ni Carson.

“ T-thank you… ” Saad ni Cianna kay Carson at nagniningning ang mga mata niya?

“ Thank her not me. ” Saad ni Carson at tinitigan ako.

“ Let’s go home. ” Saad niya na ikinatango ko naman at humarap kay Cianna na nakatingin sa baba.

“ That clothes was yours so used it because you’re wet. ” Saad ko at tinitigan ang damit niya lalo na ang Blouse niya na hindi nakabutones ng ayos.

“ Let’s go home Drea. ” Saad ni Chandler na ikinatango ko nalang at tinignan muli si Cianna hanggang sa napababa iyon sa mga kamay niya na nakapormang kamao, mukha namang napansin niya iyon at itinago ang kamay sa likod niya.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa din makalimutan ang inggit na emosyon na pinakita ni Cianna na para banag may inagaw akong sa kanya…

Pero hindi pa rin ako sigurado kaya naman mas mabuting mag ingat ako lalo na at dalawang linggo nalang ay darating na si Cianna sa school at doon na magsisimula ang storya pero hindi ba ang sabi ay na ‘love at first sight’ ang tatlo kay Cianna?

Ngunit bakit puro lamig ang nakikita ko sa mata ng tatlo tuwing nakatingin kay Cianna at halos hindi nga nila ito bigyan ng simpleng tingin.

Talagang iba ang mga karakter na nandito kesa sa libro. Napatingin naman ako sa pintuan ng kwarto ng may kumatok doon at napatingin sa orasan.

Gabi na pala at siguradong oras na para kumain. Pagbukas ko ng pinto ay si Camden ang sumalubong sa akin at nginitian ko naman siya bago lumabas.

Sumabay naman siya sa paglalakad ko habang nasa dalawang bulsa ang mga kamay niya.

“ Don’t just trust anyone. ” Saad niya na ikinatingin ko sa kanya.

Alam kong ang tinutukoy niya ay si Cianna at talagang hindi sila na love at first sight kay Cianna.

“ Worry not, I’m not trusting her, I just want to be an angel. ” Saad ko at naglakad pauna sa kanya bago tumigil sa harap niya at ibinuka ang dalawang braso na pormang pakpak.

“ An angel that will help everyone. ” Saad ko at kinindatan siya bago naunang maglakad pababa sa kanya.

Hindi ko alam na sa pagtalikod ko ay ang pagsilay ng isang magandang ngiti sa labi ni Camden, ang ngiting pinagkaloob niya kay Cianna ayon sa libro ngunit ang ngiting ito ay mas malawak sa ngiting iyon.

Lumipas ang araw at sa mga araw na iyon ay lalo kaming naging close ng tatlo. Minsan ay sabay sabay kami sa isang kotse papasok at pauwi, minsan naman ay may schedule kung kanino sa tatlo ako sasabay.

Sabay na rin kaming kumakain sa Cafeteria at magugulat nalang ako na ang dala-dalang pagkain ng waiter sa Cafeteria ay pagkain ng Jollibee na kagagawan pala ng tatlo.

Magkatabi na din kaming apat sa classroom at hindi kami mapaghiwalay o sabihin na nating hindi marunong humiwalay ang tatlo sa akin kaya naman wala akong ibang magawa kundi hayaan sila kahit na ang totoo masaya din ako.

Walang teacher ngayon at kasalukuyan akong nagbabasa ng libro habang nasa balikat ko ang ulo ni Chandler at mukhang tulog.

Nasa gilid ko naman si Camden at sinusubuan niya ako ng fries habang nagbabasa at si Carson naman ay nasa likudan ko at sinusuklay ang buhok ko ng kamay niya.

Parang ilang taon na kaming magkakilala dahil sa ginagawa nila at talaga namang nakakahakot iyon ng atensyon ng lahat.

Kumalat na nga sa buong school na Prinsesa ako ng tatlo at maging ng grupong Keres dahil minsan ay makikita kaming magkakasama.

Sa mga nakalipas na araw na iyon ay palagay na ang loob ko sa tatlo at kung minsan ay nakakaramdam ako ng hindi dapat pero…

‘Sino bang hindi mahuhulog kung ganito ang ipinaparamdam nila sa akin? Na para bang ako si Cianna…’

Napatingin naman ako sa harapan ng pumasok ang teacher ngunit walang masyadong pumapansin kasabay noon ang pagpasok ng isa pang tao.

-------

Happy Halloween!!
Chariz!
Happy Valentines!
Sa mga may jowa dyan, sana all...
Sa mga wala, baka natraffic lang siya pero parating na siya!

Labya!🌟

What Went Wrong?🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon