Mula sa puting lane ay may siyam na kotseng nakahilera.
Iba’t ibang kulay at rinig na rinig sa paligid ang tunog ng mga sasakyan at akala moy nagpapayabangan kung sino ang mas maingay.
Narito naman ako sa gitna at may hawak na dalawang flag, isang pula at isang puti. Sa oras na ibinaba ko ito, magsisimula na sila.
Pahirapan pa nga bago ko sila mapapayag na ako ang gagawa nito eh pero wala na silang magawa ng hinawakan ko na ang mga flags at pumwesto sa gitna.
‘3… 2… 1…’
“ GO! ” Saad ko at ibinaba ang mga flags kasabay ang pagharurot ng mga sasakyan.
Napakagat labi nalang ako ng makarating sa upuan. Sino kayang mananalo?
Ang race track na ito ay malaki at ang usapan ay kung sino ang unang maka 5 laps ay ang syang panalo.
May mga nagbabantay kaya naman malalaman namin kung sino ang mananalo at kung isang minuto iyon natapos.
Umupo nalang ako at pinanood sila habang ang limang babae naman ay panay ang irap sa akin pero sumisigaw din naman para magcheer.
Siguro yung triplets ang ichini-cheer.
Pinabayaan ko nalang sila at muling tumingin sa mga nangangarera, hindi ko alam kung saan sila mga nagsisakayan pero mukhang triplets ang nagmamaneho ng tatlong kotseng nasa unahan.
Hindi ko masabi kung pantay ba silang tatlo o hindi pero ang alam ko, sobrang bilis nila magpatakbo yung tipong mausok na ang dinadaanan nila dahil sa mga dumi at usok na nagmumula sa mga sasakyan nila.
Napangiwi nalang ako ng biglang bumukas ang bintana ng isa sa tatlong sasakyan na nangunguna at nakita ko nalang na lumabas ang kalahating katawan ng Driver habang nagmamaneho at napahampas nalang ako ng noo ng malamang si Chandler iyon at nakatingin siya sa pwesto ko habang nakaway.
‘Mabangga sana siya’
Akala ko doon na matatapos ang kalokohan ng biglang ang tatlong nangungunang sasakyan ay nasa hulihan na at isang ikot nalang ay tapos na.
Hindi pa man ako nakakabawi ay kita kong bumilis ang takbo nila at kung kanina ay nasa likuran sila, ngayon sila na ang panalo.
‘Ansakit nila sa ulo’
Napatingin ako sa board at nagulat nalang ng makitang parehas ang oras nilang tatlo at sumunod sa kanila sina Lucas, Tyler, Joshua, Kenly at pang huli si Andrei.
Hindi na ako gumalaw sa kinatatayuan ko at hinayaan na sila ang lumapit sa akin hanggang sa makarating na sila sa harapan ko.
Todo lapit naman ang mga babae at nag-abbot ng tubig pero hindi tinatanggap nung tatlo.
Nakatingin lang sila sa akin na para bang may dapat akong gawin para sa kanila kaya naman tinaasan ko sila ng kilay at sumandal sa kinauupuan ko.
“ You don’t have hands? ” Tanong ko sa kanila at wala silang magawa kundi kuhain ang tubig na nakalagay sa cooler na malapit lang sa kinalalagyan namin.
Iniwan ko sila doon at lumapit sa sasakyan na ginamit ni Camden. Trip ko yung color niya lalo na at favorite color ko ang green.
“ Wanna learn how to race? ” Tanong bigla ni Camden at sinulyapan ko lang siya saglit bago ibalik ang tingin sa kotse.
“ Wanna but I can’t. Lolo will scold me. ” Saad ko at sumimangot.
“ But he’s not here. ” Saad niya kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.
“ Don’t be such a bad influencer. ” Saad ko at muling tinignan ang sasakyan.
“ Come on. Let me teach you the basics and that’s the end. ” Pamimilit niya at talaga namang natutukso ako sa offer niya.
“ Fine. ” Sagot ko at pumasok sa loob ng kotse, sumunod naman agad siya at inabutan ako ng helmet.
Sinimulan niyang ituro ang mga basics na sinasabi niya at talaga namang nag-eenjoy ako kahit mabagal lang ang takbo ng sasakyan.
Hindi ko mapigilang mapatili pag umiikot ang sasakyan namin lalo na pag paliko na ang dinadaanan namin.
Tumigil kami matapos ang dalawang oras at hindi mawala wala sa mga labi ko ang ngiti. Exciting masyado ang racing!
“ Happy? ” Tanong ni Carson matapos akong pagbuksan ng pintuan at agad ko namang ikinatango ang tanong niya.
“ Super. ” Sagot ko at tinanggal ang helmet ko kasabay ang paghangin ng paligid kaya naman tinangay nito ang buhok ko.
Naramdaman ko naman ang pagbabago ng mood ng paligid kaya agad kong iminulat ang mata ko habang sinusuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri ko.
Natagpuan ko naman ang lahat na na nakatingin sa akin at nakanganga pa sina Lucas at Andrei habang namumula naman sina Tyler, Kenley at Joshua pero seryoso namang nakatingin sa akin ang triplets na para bang may gusto silang gawin sa akin na hindi maganda.

BINABASA MO ANG
What Went Wrong?🌟
FantasyI was just an audience that was watching my favorite characters fall in love and have their happy and beautiful lifetime ending. But... How is this... " We love you Cianna. " To this... " You're the one we love, Amara. " The fuck?! -Slow Updates