Chapter 51

5.1K 286 38
                                    

Takang nakatingin sa akin ang apat pero hindi ko ito pinapansin at pinagpatuloy ang pag-inom ng tsaa habang inaabangan ang pagdating ng bagong bisita.

Maya maya pa ay muling may kumatok at kasabay ng hudyat ko ay ang pagpasok ng isang lalaki.

Abong mata agad ng lalaki ang sumalubong sa akin. Walang emosyon ang mukha ngunit may mapaglarong emosyon sa mga mata nito ngunit mukhang ako lang ata ang nakakita.

Tumingin siya sa paligid at nagtama ang paningin ng lahat ng bisitang meron ako sa araw na ito.

Tumayo naman ako at nagbigay galang kasabay ng pagtayo ng apat ngunit hindi bumati ang tatlo na wala namang mali ngunit si Marriane? Tsk.

Matapos ang pagbati ko ay tinulungan naman akong tumayo muli ng ayos ng ikalimang Prinsipe ngunit ang mga tingin niya ay na kay Marriane, mainit ito at daig pa ang kutsilyo pero mukhang ako lang din ang nakakapansin noon lalo na at normal lang naman sa pagkilos si Marriane.

" What a surprise Fifth Prince, may I know what brings you here? " Tanong ko habang uminom muli ng tsaa.

" I humbly apologize for coming without invitation. I just want to visit the Future Grand Duchess of Persua Country. " Saad nito at bahagya akong nginitian.

Napangiti nalang din ako at pansamantalang tumahimik ang buong kwarto ng muling may kumatok kaya naman nalipat doon ang atensyon ng lahat. Matapos ng pagkatok ay isang maliit at malambing na boses ang nagsalita.

" Mama. "

Ramdam ko ang paninigas at tensyon ng mga tao sa loob ng kwarto at lahat sila ang bumaling ng tingin sa akin ngunit hindi ko ito pinansin at napatawa nalang sa munting boses ni Allia.

Tumayo naman ako at pumunta sa pintuan saka binuksan ito. Tumambad sa amin ang isang maliit na anghel na nakasuot ng pulang jamper habang may hawak hawak na puting teddy bear na nakuha niya mula sa akin.

Nang makita ako ng munting anghel ay umabot sa tenga ang ngiti nito at agad na tinawag ako muli habang nagnining ning na nakatingin sa akin.

" Mama! " Saad nito saka itinaas ang dalawang kamay.

Dahan dahan naman akong yumulo saka siya binuhat ang isinarado ang pintuan. Ramdam ko naman ang tingin ng mga tao sa akin ngunit mas pinagtuunan ko ng pansin si Allia.

" Where's your Daddy? " Tanong ko habang hinahaplos ang buhok nitong malambot at amoy baby shampoo.

" He lewve. " (He leave) saad ng munting anghel at napatawa nalang ako.

Sabi na nga ba at wala ang Ama niya kaya nakapunta siya dito kahit na may bisita dahil kung nandito si Greg ay mag aaway ang dalawa kung sakali.

Inabot ko naman ang tinapay na kasama ng tsaa at ibinigay sa maliit na bata saka nagsimulang bigyan ng pansin ang iba pang mga tao sa loob ng kwarto.

Lahat sila ay nakatingin sa batang nasa kandungan ko sabay tingin sa akin at tanging pagnguya lang ng batang nasa kandungan ko ang maririnig mo.

" You have a child. " Saad ni Marriane at para bang nanalo siya sa Lotto ng sabihin iyon.

Slandering ka Marriane.

Hindi ko siya sinagot at pinunasan ang bibig ni Allia hanggang sa nagsalita ang lalaking may abong mata, kung kanina ay gulat siya ngayon ay mahinahon na ang mga mata niya na para bang may napagtanto.

" She's not your child. " Saad niya at nginitian ko nalang ito saka nagsalita.

" This is Allia, the little sunshine of the Dukedom. " Saad ko at kumaway naman si Allia sa kanila hanggang sa magsalita ang ikalawang Prinsipe.

" She's not your child right? " Saad nito at gaya niya ay hindi mapakali ang dalawa pa nitong kakambal na ikinataas naman ng kilay ko.

Akmang magsasalita ako ng muling may kumatok at napatingin muli ang lahat doon.

Nagbigay ako ng hudyat at bumukas ang pintuan, tumambad sa amin ni Greg at napahinga naman ito ng malalim ng makitang ang anak niya ay nasa kandungan ko saka niya napansin na may ibang tao sa kwarto.

" Greetings to Princes of Persua Country. May the blood of ancestors be with you. " Saad niga at yumuko, tumango naman ang ikalimang Prinsipe ngunit kita ko naman ang pagkunot ng noo ng Triplets.

" You… " Saad ni Camden.

" I know you… " Saad naman ni Chandler.

" You're that man… " Saad ni Carson.

" Kuya… " Saad naman ni Marriane.

Interesting…

What Went Wrong?🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon